❧ 3 ☙

119 14 0
                                    

"Ow." I winced as I tried to open my eyes while feeling my temple throb in a hammering-like ache.

I uttered subtle groans and hisses as I tried to pull myself together, eventually waking up from my deep slumber. Kinapa ng isang kamay ko ang aking paligid habang ang isa nama'y kinukusot ang nagmumuta ko pang mga mata.

Bakit parang ang lambot naman ng lupa?

I felt a fabric-like folding under my fingertips. Medyo madilim din ang aking tingin sa paligid habang unti-unti kong minumulat ang aking mga mata. When my eyes adjusted to the dimness, do'n ko lang napagtantong naririto na pala ako sa aking kama, sa kwartong pinatuluyan sa 'kin ni Tio Gimo.

Bahagya akong natigilan sa 'king kinauupuan dahil sa biglang pagkasabaw ng aking utak. I was a bit confused about what happened.

Paanong nakabalik agad ako rito? The last thing I knew, nakatulog ako do'n sa gubatan bunsod ng hangin. I was even lost in there!

Nang mamataan kong sumisilip ang liwanag mula sa kurtina ng saradong-sarado kong kwarto ay noon lang din ako nakagalaw. Kinukurot-kurot ko pa ang aking sarili habang naglalakad tungo sa may bintana.

Nanaginip lang ba ako na nangahoy kami?

The light met my face after I shoved the curtain to the side. Even the windows are closed tight. Para tuloy akong kinulong na sardinas dito.

Pumasok ang mainit na hangin kasabay ng pagbukas ko ng bintana. Sumalubong naman sa 'king paningin ang malawak na bakuran sa siyang pinamumugaran ng mga halamang umiindak sa ihip ng hangin.

Sa tantsa ko, mga bandang alas onse o alas dose pa lamang ng tanghali.

"Weird," bulong ko sa sarili.

Hanggang ngayon ay nagugulumihanan pa rin ako. I was pretty sure I was lost in the woods moments ago.

Bahagya akong nagulat nang makarinig ng marahang pagkatok mula sa pinto. Nang bumukas ito ay siya nitong iniluwa si Caloy.

"Oh! Gising ka na pala." Dire-diretso siyang pumasok saka naupo sa kama. "'Di naman halatang napagod ka sa pangangahoy ano?"

My forehead formed a crease.

"So nangahoy nga tayo? With Yna?" Nanlalaki ang aking mga mata saka naupo katabi niya.

Caloy drew an anong-pinagsasasabi-mo kind of expression on his face. "Gising ka na ga talaga?"

"'Di kasi. Ano kasi... 'Di ba ano, 'yang... nagpunta. Ano...."

Ugh! Pa'no ko ba sasabihin 'to?

"Okay ka lang ga talaga, Insan? Wari ko'y gulong-gulo ka sa buhay," he chortled. "Binangungot ka ga?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Pa'no ako nakabalik?"

Mas lalong naging bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.

"Ano gang pinagsasasabi nare? 'Di ga't ikaw ay naligaw kaya ka nga namin hinanap? Ay ikaw ay parang lutang no'ng aming nakita ah? Pero sinundan mo la'ang kami ng lakad. Ta's pagkauwi, sabi mo'y ika'y inaantok kaya ka natulog," Caloy detailed. "Nauulaga ka na ga, Insan? Ba't ika'y parang walang matandaan?"

Napakamot ako sa 'king sintido. "So... I wasn't asleep no'ng natagpuan niyo 'ko? Sure ka bang 'di niyo ako binuhat or something?"

I was more than confused at this point. Hindi ko alam kung pinagti-trip-an lang ako ng pinsan kong ito, but I was pretty convinced that he's serious about me walking on my own on the way back.

Paano nangyari 'yon‽

Tinapik-tapik ni Caloy ang aking balikat, halos natatawa-tawa.

"Insan, halatang lutang ka nga. Sa susunod, 'wag kang gigising nang gano'n kaaga kung 'di ka pa sanay. Ay ta'mo oh. Kausa mo, itatanong mo nang sunod sa 'kin ay kung pa'no ka napadpad dine sa probinsya."

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon