❧ 4 ☙

112 16 0
                                    

The trees were calmly talking to each other as the wind swayed them side by side. Marahan akong lumulusot sa pagitan ng mga iyon habang pinapanood ang aking paghakbang. Bawat yapak ko ay lumulubog sa mga malulutong na dahon na halos matabunan na ng namumuong mga mala-holeng lupa.

"Shit naman!" I groaned, vexed out as I found myself lost among the trees. "Nasa'n na naman ba kasi ako?" Ramdam kong nangingintab ang aking pawis sa 'king sintido.

My hand clutched onto trunk after trunk as I watch my step. Hindi ko talaga alam kung sa'n ba talaga ako papunta.

"Oy, Caloy! Yna! Labas na nga kayo diyan! 'Di nakakatuwa ha! 'Wag ninyo 'kong tinataguan nang gan'to!" Namalat ang aking lalamunan, nagbabakasakali sa pag-iisip na pina-prank lang ako no'ng dalawang 'yon.

I almost bumped over the towering tree in front of me as I was busy gazing around for any signs of Yna and Caloy. Lumapat ang aking daliri sa magaspang na ito na tila nagpadala ng koryente sa 'king buong katawan. The feeling of familiarity was there, but it puzzled me.

Napakuyom ang aking kamao sa ibabaw ng aking dibdib, tinitingala ang kataasan ng puno ng mahogany. My eyes drew swirls in the air as I watched its leaves sway, calmly.

"Do you like what you see, Vian?"

A soft smile ran across my lips.

Yes.

"Well, hindi sa lahat ng pagkakataon ay gan'to kaganda ang tanawin dito, Vian."

Wait, what? Who am I talking to? Where is this voice coming from? Pa'no niya nalaman ang pangalan ko?

I looked around once more.

"C-Caloy?" My eyes grew uneasy. "'Di 'to nakakatawa ah!"

"Hear me, Vian," patuloy na imik ng misteryosong boses na siyang muling ikinatingala ko sa puno. "Hear me... and see me..."

"S-sino ka ba? Magpakita ka nga!"

"Vian... Vian..."

The whole place suddenly started spinning. I was getting nauseous from where I stand.

"Vian..."

My name kept on repeating... over and over as the wind swept in.

"Vian!"

Mariin kong tinakpan ang aking tainga nang maramdaman ko ang maigting nitong pag-iging.

"Vian... Vian..."

"Vian!"

"Ah!"

I felt my all nerves jump out of my system. Mahigpit ang pagkakalapat ko ng parehong kamay sa 'king dibdib, dinarama ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Sinusubukan kong habulin ang aking paghinga na tila ba mayro'ng kung anomang humahabol sa 'kin.

"Vian, Insan. Huy! Ayos ka la'ang ga?" Noon ko lang napansin si Caloy na siyang umakbay na sa 'kin, sinusubukan akong pakalmahin. "Anong nangyari ga sa iyo? Kukuha kitang tubig. Gusto mo?"

Despite being shaky, I managed to shake my head in response. Nagsisimula nang gumaan ang aking bawat paghinga.

"Sigurado ka? Ay parang katindi no'ng napaginipan mong iyan ay." I felt his hand massaging the side of my shoulder. "Kaya mo bang makakilos?"

I gently placed my hand on his hand that was on my shoulder before giving him a reassuring look, though not very convincing.

"Bad dream lang 'yon, Insan. 'Wag kang mag-alala." I released a heavy gasp of air. "Thank you sa paggising. Baka nilamon na ako no'ng misteryosong boses sa panaginip ko kung 'di mo agad ako napuntahan."

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon