❧ 34 ☙

71 5 9
                                    

My fingers fumbled around my neck as I quickly tried to wear the necklace Euthymios gave me. Dahil gawa nga sa twine ang lace nito, hindi ko matanggal ng buhol nito sa magkabilang dulo. So, I had no choice but to try and wriggle it around my head down to my neck.

Kaagad akong tumingin sa salamin nang maisuot ko na ito nang maayos. My finger tip traced the edges of the lock-shaped pendant. Isang ngiti ang kusang sumilay sa 'king mga labi.

"Good to go," I patted myself.

Isinuklot ko na rin sa 'king braso ang baller band na bigay rin ni Euthymios. Hindi ko mawari kung ano 'yong kiliting aking nadarama nang maisip na pareho ko na itong suot ngayon. All I can think of right now is that this special person gave these to me.

I leaped out of my room and delightedly closed the door. And when I turned back, Caloy had also just gotten out—seeming a bit groggy still.

"Oh? Hindi ka pa nakahanda?" usisa ko sa kanya. Caloy stared at me blankly.

"Are na 'yon pinsan. Bakit? Kailangan ko bagang gumayak nang magara?" he irked, almost sounding sarcastic. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "At saka, sasama ka pa rin? Hindi na ga masama ang iyong lasa? Halos himatayin ka na 'ata kagabi ah?"

I scratched the side of my neck. "Ano ka ba? Okay na 'ko. Kalimutan mo na kung ano 'yong nangyari kagabi. I just... overreacted." Caloy just obliviously blinked. "Besides, gusto ko pang mas kilalanin kayong magkakaibigan," ngisi ko.

Caloy sighed. "Okay, sige. Sabi mo eh." His eyes suddenly narrowed, his eyes shifting from mine down to my neck. "S-saan mo nakuha 'yang kwintas mo?"

Natuon ang aking atensyon sa palawit ng aking kwintas.

"Ah ito? Bigay sa 'kin ni Euthymios. Ang cute 'no?"

Caloy's eyes looked like they were struck by lightning. Umawang ang kanyang mga labi, hindi inaalis ang tingin sa 'king kwintas.

"'Loy?"

"Tanggalin mo 'yang kwintas."

"Ha?" Nangunot ang aking noo.

"Iwanan mo na 'yang kwintas dine," pirme niyang pagkakasabi. "Ano... k'wan. H-hindi bagay sa suot mo."

Since when did he start commenting on my wardrobe?

"Ah... okay?" I smirked with much hesitation. "Just give me a minute. Ang hirap kasing isuot nito."

He faintly smiled. "Oks. Sunod ka na la'ang sa baba 'pag okay na," aniya. Hindi na siya muling umimik pa't dumiretso nang pumanaog ng hagdanan.

 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

Malamlam ang simoy ng hapon sa buong paligid habang tinatahak namin ni Caloy ang daan papunta sa manggahan nina Ralph. Kaunti lamang ang naging palitan namin ng mga salita habang naglalakad kaya halos mabagot ako sa daan.

The warm gentle atmosphere greeted us as soon as we set foot on the fields. Iba pa ang kinaroroonan ng batawang una kong napuntahan ko kaysa rito. Apparently, the Sarto's have titles for most of the land at this part of the sitio.

Sinundan ko lamang si Caloy. Mukhang kabisadong-kabisado na niya kung saan dapat dumaan sa palibot nitong malawak na bukirin nina Ralph.

"Sheesh, men! Sabi na't may kakaiba sa lalaking 'yon the moment pa lang na kinamayan ko siya eh." I heard Joko's voice from a distance.

"Hindi ko alam kung ano'ng pakay niya. At saka sa buong pagkakaalam ko, tayong tatlo lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa kubong 'yon. I really have no idea how he stumbled there," dinig ko namang tugon ni Ralph sa kanya.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon