❧ 31 ☙

81 4 3
                                    

In times when silence is the only noise at play, the wind almost always becomes the referee. It fills in the void that perpetuates the connection among awkward gazes and hushed breathings.

But the silence that enveloped Ralph, Caloy, and I? It was a different breed in which the wind did not make any insinuation to enlighten the tension in our shifting stares.

Umangat ang isa kong kilay nang mapagmasdan kong nagtaas-baba ang parehong lalagukan ng dalawa. Their eyes became edgy by the minute so I let out an exasperated sigh. Umalis ako sa 'king kinatatayuan upang harapin sila sa labas ng kubo.

"V-Vian!" Caloy stammered as he slightly opened his arms, as if readying himself to hug me. Hinawi ko ang kanyang mga braso. "A-anong ginagawa mo rine?"

"Dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo," I frowned. "At sa 'yo," duro ko pa, inililipat ang panlilisik ng mga mata kay Ralph.

"Chill, Vian. Napadaan lang naman talaga ako." Ralph patted my shoulder.

"Bulaan," Caloy scoffed.

"I'm not—"

"—Tama na!" I grumbled. "Pumunta ako rito para maramdaman ang peace and quiet na kayang i-offer sa 'kin ng bakasyon kong 'to ta's heto naman kayo, may pinag-aawayang 'di ko malaman-laman. What's the deal with you two?"

Umiwas ng tingin si Ralph, hilot-hilot ang sintido. Salubong naman ang mga kilay ni Caloy, hindi nililingon ang kaibigan.

"Ano? Hindi niyo man lang ako sasagutin? May dapat ba 'kong malama—"

"—'Loy?"

Natigilan ako nang may marinig akong tumatawag sa 'king pinsan mula sa 'di kalayuan. Pare-pareho kaming lumingon sa gawing pinanggalingan ng boses.

"Nakita mo na ba—ay Jiniper!"

Kumunot ang aking noo nang sumulpot si Yna mula sa likod ng mga mabababang puno. May kislap na namuo sa kanyang mga mata nang ako'y kanyang mamataan. Dali-dali naman siyang tumakbo tungo sa 'king kinatatayuan saka ako binalot ng mahigpit na yapos.

"Juicecolored! Salamat naman at natunton ka na namin, Vian! Aba'y sadyang alala ang inabot namin sa 'yo nang malaman naming wala ka sa inyo eh! Kung saan-saan ka na 'ka mo namin pinaghahahanap," she expressed in relief. She broke the hug before examining me, hands tightly clasping on my shoulders. "Ay ano? Ayos ka lang ga? Ano ba kasing nangyari at ikaw ay naggagagaor dine sa gubatan nang hindi nagpapaalam man lang?"

My throat became dry. Kung kanina'y 'di mapatid ang masinsin kong pagtatanong kina Ralph at Caloy, ngayon naman ay tila walang mga salitang gustong umalpas mula sa 'king bibig.

How do I tell them that I was meeting—and fancying—someone here in the woods?

Yna looked around, eyeing Euthymios's hut that was idly watching us from behind me. Nahagip naman ng aking paningin ang pagsisikuhan nina Ralph at Caloy habang nakatutok lang ang kanilang tingin sa amin ni Yna.

"Vian?" tawag-atensyon ni Yna, hindi inaalis ang hawak sa 'king magkabilang balikat. "Kaninong kubo 'to? Bakit at paanong napadpad ka dito?"

"K-kaya nga, Insan." Caloy slightly drew himself near to us. "Alam mo bagang no'ng hinanap ka sa 'kin ng mga Tatay kaninang agang-aga, pinagtakpan ko na la'ang na nadoon ka kayna Yna."

I shot a skeptical glare at him. I watched closely how a bead of sweat trickled down his face.

Ralph crossed his arms over his chest, shaking his head. He slowly walked towards us just right behind Caloy.

"Matagal ko nang nakikita 'tong kubong 'to tuwing nalusot ako rito sa gubatan," si ni Ralph. "Didn't know na hideout mo pala 'to, Vian."

"Hideout?"

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon