❧ 26 ☙

66 6 1
                                    

What makes you curious about the woods?

It could be the flourishing plants that grow about there. How the most colorful flowers hide from the sun or how the most poisonous leaves poke out just right across branches.

Maybe it could be the strange little things that we don't usually see in a normal setting. Like all sorts of mushrooms that we can't deliberate whether or not it could be eaten. Or a serene stream that is naturally structured for some kinds of fish to live in.

Also, the music. The sound it makes once the birds communicate with one another or once the insects set up their little tea party and buzz around with much celebration. It could also be the way the wind strums the trees and how the fallen leaves rustle when the forest mice play around with it.

Or perhaps, it is the mystery that surrounds it. The wayward stories it builds, passed onto onlookers, then tongue after tongue. The enchantment it casts unto ticklish minds, making them picture creatures and send them out of their portals towards reality.

But maybe for me... it's just this one guy.

"Bakit parang nawiwili kang malaman kung ano ang mga nasa gubatan, apo?" Lolo Emelito crooned, seemingly probing into my thoughts.

I heaved a sigh. "Gawa po ng mga puno."

His forehead creased in amusement.

Hindi ko alam kung tama bang ibunyag kay Lolo ang mga bulong na naririnig ko mula sa mga puno, lalong-lalo sa mga punong nasa gubatan. But he talks about some serious mystifying shit about the woods! Maybe that's as crazy as mine, so might as well I tell him some stories back.

"Kasi, 'Lo..." I trailed off, exhaling. "May mga bulong-bulong po akong naririnig. Parang sa tuwing lumalakas po ang hangin at umiingay ang mga dahon ng puno, parang laging mayro'ng bumubulong sa 'kin ng kung ano-anong mga salita."

"At anong salita naman yo'on?"

I paused for a moment, my eyes drawing lines on his.

"Mga pangalan po, 'Lo," I revealed. "Minsan mga putol-putol na mga sigaw o 'di kaya'y mga 'di ko mapagdugtong na mga pangungusap. Pero madalas, mga pangalan," dagdag ko pang siwalat.

Lolo slowly rocked his chair, staring at the ceiling. "Alam mo, mayro'ng mga huntahan akong nadinig dati tungkol sa isang mapaglarong tikbalang diyan sa sa gubatan," panimula niya.

My eyes narrowed down on him in total focus.

"Ang kwento-kwento pa'y may kinakasabwat 'tong ligaw na kaluluwa—animo'y multo—para paglaruan ang mga dayong napapadpad sa gubatan," he ominously narrated. "Ang ginagawa ng tikbalang, hayun! Nagpapapatikar paikot sa gubatan, kaya lumalakas ang hangin dahil sa tulin nireng tumakbo. Tapos habang tumatakbo-takbo siya, binubulungan niya ng kung ano-ano ang mga taong kanyang mapapaglaruan. Syempre, dahil kikilabutan areng mga dayo, aydi sila'y maliligaw sa gubatan."

Una, mga taong-lobo. Ngayon naman, tikbalang. Who or what else are these woods housing for?

"Aydi 'di ga'y naligaw na, ano? Do'n naman na ipapasa ng tikbalang ang bola sa ligaw na kaluluwa. Dahil nahibang na ng tikbalang areng mga dayo, ang tingin na nila ngayon do'n sa kaluluwa'y tao. Taong may laman, nahahawakan, at hindi tumatagos sa kung sa'n sa'n."

Lolo appeared so untailored when he's telling all of these. Samantalang ako, kanina pa giniginaw sa pagkalabit sa 'kin ng nananakot na hangin, tila ipinipinta sa 'kin ang imahe't pakiramdam ng kababalaghang isinisiwalat ni Lolo.

"Ngayon, ang gagawin nireng ligaw kaluluwa, aakayin areng mga dayo. Sabi'y tutulungan daw. Pero habang sila'y inaakay niyon, 'ba! Para kamong ika'y dinadala niya papalayo sa reyalidad. Aawitin kang pagkatam-is-tam-is, tapos 'yon pala'y tatanggalan ka ng kamalayan," he cackled. "Aydi habang naaamoy ng mga dayo ang alingasaw ng sampaguita at habang hinahanginan sila sa bawat takbo ng tikbalang, 'di nila alam na sila'y nababalis na pala."

Balis. Tila narinig ko na iyon dati, pero 'di ko naabalang alamin kung ano ba talaga iyon.

"'Lo, ano'ng nababalis?" I keenly asked.

"Balis," hiyaw ni Lolo, tila ba'y 'di makapaniwalang hindi ko alam ang ibig sabihin no'n. "Kumbaga'y... naengkanto. Napaglaruan ng maligno."

My mouth let out a fascinated gasp, urging Lolo to tell me more.

"Heh," he chortled. "Aydi habang sila'y pinaglalaruan ng mga maligno, ano? Aydi sila'y wala sa basaysay. Aba'y wari ko'y uuwi areng mga dayo nang masakit ang ulo o 'di kaya'y masakit ang tiyan."

"Pero 'di po ba niligaw na nga sila sa gubatan?" I mused in puzzlement. "Pa'no sila makauuwi no'n?"

"Apo, areng tikbalang at ligaw na kaluluwang are'y magkaibigan. Sila'y hindi masasama 'di tulad nareng mga taong-lobong aking naikwento kanina. 'Pag tapos na silang makipaglaro sa mga dayo, sila rin yaong naghahatid sa kanila palabas ng gubatan," si ni Lolo. "Ya'ang mga mababait na malignong 'yan, para la'ang din silang mga tao. Heh. Baka nga'y mga tao talaga sila dati eh, tapos naisumpa la'ang. Ay, ang ibig ko la'ang sabihin... minsan, nalulungkot la'ang din sila. Gusto la'ang makipaglaro. Gusto la'ang makipagkaibigan. Kasi sa sobra natin silang kinamumuhian, sa sobra natin silang kinatatakutan o pinag-iisipan nang masama, natatakot silang baka 'di natin sila tanggapin kapag nakita na natin ang kanilang tunay na anyo. Kaya ayan! Ganire sila kung makaengkanto sa mga 'di pamilyar na taong kanilang makikita."

Takot silang magpakita ng tunay na anyo... kasi takot silang katakutan.

"Kaya, apo," malambing niyang tawag sa 'kin. "Mag-ingat ka sa gubatan. Mayro'ng mga masasamang elemento pero mayro'n din namang mabubuti. 'Di kita tinatakot para 'di ka na magpupupunta roon. Ang gusto ko la'ang sabihi'y... matuto kang tumingin nang lagpas sa anyo. Pakiramdaman mo ang 'yong puso para iyong makilatis kung sino ang dapat mong katakutan..." he grunted as he stood from his seat, "...at sino ang dapat mong kaibiganin."

Halos paika siyang lumakad papalapit sa 'kin upang guluhin ang aking buhok. Nagsaliw ang aming mumunting mga hagikhik bago pinasilay ang nakatutunaw na mga ngiti sa aming labi.

"Pakinggan mo la'ang ang mga bulong sa 'yo ng mga puno, apo. Maiintindihan mo rin kung bakit ikaw ang napiling paglaruan ng mga engkanto."

He lightly tapped the side of my cheek. Isang maluwag na pagtango lamang ang aking naisukli sa kanya. Nakangiti siyang suminghal bago ako tuluyang tinalikuran. One foot over the other, he let himself disappear from my sight, from the slightly dimming moonlight. And before I know it, I was back alone again, sitting in this darkness.

Dark.

Isang tila patulog na alulong ng aso ang muling pumukaw sa aking atensyon upang tanawin ang kalmadong kalsada mula sa bintana. Tila kusang humawi ang mga ulap upang isa-isang ilawan ng mga tala ang mga dahon ng punong malumanay na umiindak sa simoy ng hangin.

Dark... Dark...

Darc.

Euthymios.

His name just reverberated inside of me. Hindi lamang sa aking isipan kundi maging sa pintig na aking nadarama.

Tila naging mapang-anyaya ang hulma ng mga puno sa 'king harapan. After everything Lolo had told me, an odd sensation started circulating over and under my system. It almost makes feel like... I want to run...

Run towards him. Run towards...

Euthymios.

And just like that, I broke my staring contest with the trees. I immediately got on my feet and dashed right out of the door. Hindi ko na inalintana kung mayro'n man akong magiging sa halos malakas nitong kalabog. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko siyang makita ngayon. Gusto kong mahagkan siya sa ilalim ng buwang bumabalot ngayong gabi.

Gusto kong... Gusto kong...

Gusto kong maramdaman siya ngayon...

Gusto ko siya. Gusto kita, Euthymios.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon