• CHAPTER 6 •

323 18 5
                                    

The morning sky was a bit timid when I got to stare at its reflection on the water. Naninilamsik ang tubig ng umaagos na ilog sa tuwing tumatama ito sa maliliit na mga bato. Sumalok ako ng kaunti mula roon at siyang ihinilamos sa 'king mukha.

Ang presko!

Habang namamahinga sa tabing-ilog ay mayroon akong napansing maliliit na kulay puting bilog-bilog na naaanod sa agos ng tubig. Walang pag-aatubili kong inabot ito gamit ang aking paa hanggang sa masampid na ito sa tabi.

It's a bunch of small mushrooms. I gradually inspected it. How come na palutang-lutang ito sa ilog?

"Naligaw ka ulit ano?"

"Ahh!"

Halos mapalundag ako sa pagbangon mula sa 'king kama. Magkapatong ang pareho kong kamay sa 'king dibdib, dinarama ang nagdurubdob na tibok ng aking puso.

"Pambihirang kurimaw 'yan," ngitngit ko. "Pati sa panaginip, nanggigitla."

Tumingala ako sa bubong nang may marinig na butiking tumitiktik. The room is getting hotter. Tirik na tirik ang araw sa labas ng bahay, maging ang hangin ay tila nalusaw na.

Just by staring at nothing, a random thought passed by me.

Ano nga bang pangalan ng kurimaw na 'yon? I never got the chance to ask his name or even thank him.

Hinila ko ang aking sarili pababa ng kama at papunta sa 'king aparador. I grabbed some clothes and underwear from it before snatching my bath towel from the chair beside it.

Ang init talaga!

I lazily walked towards the door but before I could even reach the knob, I tripped. Unang lumagapak ang aking tuhod sa sahig, to which I hissed.

Ang lampa, Vian. Ang laki mong dagasa.

• • • • • • • • • •

I was busy sweeping the living room with just Lolo Emelito around. Sumama kasi si Caloy kay Tia Amel sa may talipapa samantalang si Tio Gimo naman ay nagsisiga na sa may tungko sa labas.

Sa tungko na raw muna magluluto si Tio dahil cull na manok na ang isasahog. I never knew what a cull chicken was until this day. Ito raw 'yong mga matatanda nang mga manok na malalaki at matataba at kadalasang makunat daw kung hindi muna maikakaltong nang maayos.

Dinakot ko na ang huling mga butil ng walisin sa bahay. I went to the kitchen with the dustpan. Nasa gilid ng lababo ang basurahan kaya do'n ako nagtungo.

Malamlam ang hanging pumapasok sa loob ng bahay. Marahan itong dumausdos sa aking balat.

I lifted the dustpan towards the trash can but all of a sudden, I got the urge to sneeze. Hindi ko pa man naibuubunton ang aking mga winalis ay napabahing na ako.

Tumama ang duluhan ng dustpan sa bunganga ng basurahan, dahilan upang mahila ko ito sa aking pagbahing. Its contents scattered on the floor as it toppled over.

"Ayos ka la'ang diyan, Apo?" Lolo Emelito called out from the sala.

Sisinghot-singhot pa akong tumugon. "Opo, 'Lo. Nabitawan lang po yung dustpan."

Agad kong itinayo 'yong basurahan at saka muling winalis ang natapong mga laman nito. I shook my head, unbelievably. I felt wobbly all of a sudden. Parang kanina pa 'ko ganito simula no'ng paggising.

"Vian, pamangkin, 'li ka muna rine," dinig kong tawag ni Tio Gimo mula sa likod-bahay. Tumalima naman kaagad ako sa kanyang tawag, nagmamadaling iniimpis ang aking nagawang kalat.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon