• CHAPTER 18 •

189 10 2
                                    

Magtatatlong linggo na rin ang nakalilipas magmula noong nagawi ako rito sa probinsya. So many things had already changed and happened, and I was doing quite well for myself. Marami akong natututuhang mga bagay-bagay na 'di ko na-e-encounter sa siyudad.

Yna and Caloy had been very accomodating to me. Sila ang madalas na nag-uudyok talaga sa 'king sumubok ng mga bagay na bago sa 'kin—even 'yong pagkain ng balut!

Wala ring tigil sina Tia Amel at Tio Gimo sa pagpapakain sa 'kin na may halong pang-iintriga. Ika nila, ang payat-payat ko raw kaya nararapat lang daw na araw-araw nila akong bubusugin ng mga luto nila habang nandito ako. I'm not complaining, though. Ang sasarap kaya ng luto nila!

Pero siyempre, pakiramdam ko'y hindi buo ang naging bakasyon dito kundi dahil sa pagtatagpo namin Euthymios. Our meeting felt like it was fated, like it was already written in the books. I never would've imagined that meeting him would turn my world upsaide-down.

To the point na sobrang nalilito ako sa kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

It was bizarre meeting him—as bizarre as the trees that kept on whispering to me day by day. Araw-araw, pilit kong inaalam at sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang lahat ng mga naririnig kong bulong dahil naniniwala akong 'di ko na 'yon isang guniguni lamang.

The whispers are real, and I think they are telling me something very significant. Pero ano?

Dahil sa mga bulong na 'yon, madalas ko ring nauudyok ang sariling pumunta nang pumunta sa gubatan. I was already drawn to it. It's already a part of my province lifestyle. Lubos 'tong nagiging mas misteryoso kada araw na napunta ako.

Gayunpaman, sa tuwing napapadpad din ako sa gubatan ay hindi ako pumapalyang dumaan sa kubo ni Euthymios. Nagiging madalas na rin ang pagbisi-bisita ko sa kanya, minsan pa nga ay dahil trip ko lang na makita siya.

But I was really hoping for something more with him after that kiss. Palagi na rin kasi siyang tumatakbo sa isipan ko matapos no'ng gabing 'yon, at hanggang ngayon ay 'di pa ulit namin 'yon napag-uusapan.

It looks like it was nothing to him but it is driving me crazy.

Para bang araw-araw ko na lang hinihiling na masundan 'yon—

"Uuwi ka na rito after three weeks." Papa's firm voice from over the phone cut me out of my trance.

Nanlaki ang aking mga mata. "Ano po‽"

"Aba! Mukhang nawiwili ka na diyan ah," halakhak niya. "Ang sabi ko, uuwi ka na rito after three weeks. Ipapahatid kita sa Tio Gimo mo sa sakayan pabalik dito sa atin."

Three weeks? Ang bilis naman 'ata ng panahon.

"Hindi ba pwedeng isagad na natin ng isang buwan pa, Pa? Please..." pagmamakaawa ko.

Parang hindi pa 'ko handang bumalik sa siyudad. Parang ayaw ko pa.

'Di ko pa 'ata kayang 'di na muli makita si Euthymios.

"Pa..." malambing na alo ni Mama kay Papa. "Payagan mo na. Kaya rin naman siya nawili kasi ikaw ang nagpadala sa kanya do'n sa probinsya eh."

Nangintab ang aking mga mata nang banggitin 'yon ni Mama. Nagpaawa ako ng tingin sa harap ni Papa para naman tuluyan na siyang pumayag. Kalaunan nama'y taas-kamay siyang bumuntonghininga.

"Sige, Vian. Isang buwan. Sagad na 'yon ah ta's uuwi ka na."

"Yes!" hiyaw ko. "Thank you, Pa, Ma! Mas e-enjoy-in ko pa lalo stay ko rito."

Mama laughed joyfully. "Oh siya, 'nak. Basta't ika'y mag-iingat palagi riyan ha? 'Wag pasaway," paalala niya.

"Ako pa ba, Ma? Anak niyo 'ata 'to."

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon