❧ 22 ☙

68 7 1
                                    

It's been three days since that awkward dinner with my aunt and uncle. Simula no'n, pakiramdam ko'y mas naging mapagmasid na sila sa 'kin pero hindi naman sila masyadong naghigpit din sa kung ano ang mga ginagawa ko o kung saan ako pumupunta. Nevertheless, I knew that they were just looking out for me.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, 'di pa rin nagpatinag sa 'king isipan ang pangalang pilit na ibinubulong sa 'kin ng mga puno.

Joko.

Makailang ulit ko rin sinubukang kausapin si Caloy ukol sa kanya pero sa tuwing madadala ko na ang pangalang 'yon sa usapan, agad din siyang nakakaiwas. Hindi na rin masyadong nang-uusisa sa 'kin ang aking pinsan kung saan ako napapadpad sa tuwing ako'y umaalis ng bahay. Tila hinayaan na lamang niya ako sa kung ano ang gusto kong gawin, kung sa'n ko gusting pumunta.

I know for a fact that he knows something about this Joko guy. Pero hindi ko naman maipilit sa kanyang pag-usapan siya lalo na't lumalabas ang hindi niya pagiging komportable sa tuwing mababanggit ko ang pangalang 'yon.

I wonder what happened between them.

Malamlam ang simoy ng hangin ngayong tanghali, 'yong tipong ihehele ka nito hanggang dapuan ka ng antok. Pagkababa ko sa salas ay naabutan ko na lamang si Lolo Emelito na tulog sa kanyang rocking chair samantalang si Tio Gimo nama'y siyang nakatulog sa may set. Hindi ko naman makita sina Tia Amel at Caloy sa paligid. Siguro'y lumabas sila para mamili ng kung ano.

Bored to death, I led myself outside the house then across the fences. Not knowing where to go, I just took a stroll down the dirt road. Ginamit ko ang naglulunduang mga sanga ng puno bilang panangga sa init habang naglalakad.

As I passed by Yna's house, I saw her rummaging outside with a trash bag in her hands. Kumaway ako sa 'di kalayuan na agad niya rin namang napansin.

Wait... Kay Yna ko unang nalaman na magkakaibigan sila no'ng Joko na 'yon before. Maybe she knows something about him.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit na ako sa kanilang gate. When Yna was done taking out the trash, she immediately opened it up and let me in their yard.

"Ano ka na teh? Anong sadya mo't ika'y naparito? Tanghaling tapat na tanghaling tapat ah?" pang-uuyo agad niya. "Tara. Pasok ka muna sa loob. Nagtimpla ako ng juice," anyaya niya. I just gave her a sly smile before following her inside.

Pagkapasok, pinaupo niya muna ako sa kanilang sofa sa siya nagdiretso ng punta sa kusina. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Sobrang aliwalas pagmasdan ng pagkakahilera ng mga gamit nila rito sa salas.

Natuon ang aking atensyon sa isang glass cabinet na katabi ng kanilang TV set. Napupuno 'yon ng mga action figures at ng kung ano-ano pang mga wedding and birthday trinkets na maayos na naka-display. May ilan-ilan ding mga picture frames doon at saka ilang mga polaroids na nakadisenyo palibot sa glass pane nito.

Curious, I ambled towards the cabinet and marveled at the pictures that were displayed. Most of it are just school photos of Yna—her moving-up ceremonies, graduation, competitions. Parang documentation lang ang karamihan kung pa'no siya naka-survive throughout his elementary and high school years. Now, some of the photos are just family photos. Pero no'ng nalingat na ang aking atensyon sa mga polaroid, tila 'di na pamilyar sa paningin ko ang ilang mga taong naroroon.

I just suspected that those were just her high school friends, judging from how they look. Pero may isang polaroid picture na nakapukaw ng aking atensyon.

Caloy was in the photo. He was with Yna, a girl, and two guys who were unfamiliar to me. They all look... happy.

I scrutinized the photo further. Medyo naninilaw na ang ibabang gilid nito. Siguro mga dalawa o tatlong taon na ring nakunan ang litratong ito. But the people in this photo... Hindi kaya—

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon