❧ 20 ☙

140 5 5
                                    

"Oh, Biyan! Naari ka na pala? Sa'n ka ga naggaod at ika'y basang-bas—"

"—Papalit lang ako ng damit, Tia! N-naglaro lang po sa ilog."

Pilit ang aking paghagikhik habang nilalampasan ng lakad si Tia Amel mula sa tarangkahan. Hindi ko na lamang pinansin ang mapandurong pagtaas ng kanyang mga kilay. Maski ang pagtatama ng aming mga paningin ay siya kong iniwasan.

Nagdire-diretso ako papasok ng bahay kung saan nadatnan ko sina Lolo Emelito at Caloy na nagpapakasasa nang pagkain sa mangga. Inalok ako ni Caloy na saluhan sila subalit isang iling lang ang aking naitugon sa kanya.

Agitated, I made my way upstairs and into my room. Pinipirme ang sarili sa kama, nagsimulang kumuyom ang aking kamay sa 'king basang damit, dinarama ang mapanlokong pagtibok ng aking puso.

I am experiencing a whirlwind inside my chest. One spin, I'm feeling all giddy then another spin would lead me to an unexplained feeling of uncertainty. 'Yong pakiramdam na may kung anoman dapat akong nire-regret o ikinakakaba—something!

Argh! Ewan!

My emotions are throwing balls at me, confused as to where should I dodge. Pakiramdam ko mahihimatay na ako anytime.

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa aking katawan nang maramdaman ang mahalumigmig na haplos sa 'kin ng hanging nanggagaling sa bintana. I shivered from the cold when it mixed with my wetness. Nangatal ang aking panga kasabay ng pagbuga ng hininga.

Nang patayo na ako upang magpalit sana ng damit ay tila nakaramdam ako ng paninigas ng aking mga binti. For a second, nagdilim bigla ang aking paningin dahilan para muling maupo sa kama. Nagsimulang umikot ang aking paligid.

Tila mayroong maliliit na mga tuldok na namumuo sa aking harapan. Iginuhit ng mga 'yon ang imahe ni Euthymios. Nanginginig. Tila hinahapo. Ang kanyang mga mata ay nagmistulang mga butil na lamang sa dumidiklim na paligid.

"Hubarin mo."

"Hubaran mo."

"Bakit 'di mo tinanggal?"

"Hihilahin mo na lang eh."

Nagsimula akong makaramdam ng init sa paligid. Sa isang iglap, animo'y 'di na ako giniginaw. Beads of sweat replaced the droplets of water that were racing down my cheek, dripping to my chin. The ball in my throat motioned up and down, as if something was stuck in it.

Nagpaulit-ulit ang mga bulong na 'yon, palakas nang palakas kada segundong bumibilis ang pag-ikot ng aking paligid. My hands were trembling as I feel them moving on their own.

Bumaluktot ang imahe ni Euthymios sa aking harapan.

Bakit 'di ako makagalaw? 'Di ako makasigaw?

"Lapitan mo pa..."

Unti-unti akong nawawala sa aking ulirat.

"Insan?"

S-Si Caloy ba 'yon? Bakit siya nandito?

'Di ako nagkakamali. Alam kong boses niya 'yon!

"Insan! Insan, huy!"

Bakit 'di ko siya makita? Nasa'n siya?

"Insan! Huy!"

Tila bumalik ang aking kaluluwa sa 'king katawan nang maramdaman ko ang marahas na panyuyugyog ni Caloy sa 'king balikat. Humupa ang init sa paligid at mistulang bumalik sa normal ang temperatura ng hangin. The beating of my heart serenely died down as I gain consciousness of myself and my surroundings.

Binangungot ba 'ko nang gising?

"Huy Insan, aba! Napapaano ka ga? Ikaw nga'y magsabi. Kainaman ka naman ay! Nakakapag-alala na mga kinikilos mo eh." Naupo si Caloy sa 'king tabi, sinusubukang 'wag ipahalata ang kanyang pagkataranta. Nanatili akong tikom. "Ano na? Masama ga pakiramdam mo? Nahulog ka ga sa kung saan at ika'y basang-basa? Ano?"

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon