• CHAPTER 29 •

153 12 4
                                    

Unti-unti nang pinapalitan ng buwan ang araw na sumisilip sa langit. Matunog ang halakhakan nina Yna, Caloy, at Ralph habang binabaybay namin ang kalsada pauwi. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, minsan ay nakikitawa, at nagsasalita lamang kapag pinapansin. 'Di rin nagtagal, narating na rin namin ang tapat ng bahay nina Yna.

"Grabe," Ralph heaved a tired yet fulfilled sigh. "Ang tagal nating hindi nakapagbiruan nang gan'to. Feels so good!"

"Eh pagsatagal baga namang hindi nagkita. Ano? One year?" hagikhik ni Caloy. Parang ngayon ko na lang ulit nakita ang bungisngis niyang 'yon.

"Hay. Ewan ko ba sa inyo at kung bakit ba naman bigla na lang kayong hindi nagkapansin-pansinan eh," gatong naman ni Yna. My jaw clenched a bit. "Oh siya! Pagabi na rin mga teh. Kayo'y magsiuwi na."

Yna pulled all of us in a giant hug.

"Nag-enjoy ako today," she softly spoke.

"Ako rin," dinig kong mahinang bulong ni Ralph.

We all pulled away from the hug.

"Salamat sa paghatid ah? Ingat kayo pauwi."

A tender smile tied all of us together in place. It was only unfastened the moment we bid our farewells to each other—Yna running towards their front door; Ralph walking towards the opposite path; and then there's me and Caloy, silently making our way back home.

Napansin ko ang paghupa ng mga ngiti sa labi ni Caloy. There's a glint of nostalgia in his eyes, but as the wind passed by, it suddenly faded.

"Sobrang tagal na ba talaga kayong 'di nagkakakita-kita ng mga kaibigan mong 'yon?" I almost hesitantly initiated. "Parang sobrang saya kasi kanina ni Kristal no'ng nagkasama-sama na ulit kayo."

He looked up ahead with a distant gaze.

"Hindi ko nga akalaing kaya pa ulit naming magkita-kita nang gano'n eh. Parang gaya la'ang ng dati," mahina niyang tugon, mayro'ng pait sa kanyang tono.

"Did... something happen before?" Agad akong napatakip ng bibig nang aking itanong iyon. "I-if okay lang matanong."

He let out a snide scoff. Ngumisi siya saka umiling.

Muling naglaro ang katahimikan sa pagitan namin. Kaya naman muling namagitan sa amin ang hangin.

"Euthymios..."

Bahagya akong natigilan sa paglalakad nang marinig ang kalmadong pagpagaspas ng dahon ng mga puno. My heart skipped a beat as I watched the stillness of the trees.

A thought brewed up in my mind which sent sensations down my body, making me smile a little. I held onto the thought before catching up with Caloy on the way back home.

• • • • • • • • • •

I tossed and turned on my bed, trying to find a comfortable spot to sleep in. Isang iritableng atungal ang aking pinakawalan nang sumuko na 'ko sa pagpupumilit makatulog.

I turned to my side, only to see how the wind was gracefully playing with the curtain. Mumungat-mungat akong bumangon saka naglakad papalapit sa durungawan.

Huni ng mga kuliglig ang siyang nagpapaingay ngayong gabi. Medyo nakapaninibago ang kanilang iging, sobrang iba kaysa sa pag-iging na madalas kong naririnig.

Lumayo ang aking tingin. Tila hinahawi ng aking mga mata ang bawat sanga ng punong aking pinagmamasdan, mistulang hinahalukay ang isang daanang nais nitong tahakin.

Pumintig ang aking puso na parang ginagaya ang pagtakbo ng aking mga paa. It was like I am teleporting myself from where I stand to where my heart thinks it's taking me.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon