• CHAPTER 13 •

201 11 6
                                    

Agad kaming dumiretso pauwi nina Yna at Caloy pagkatapos naming makalhati ang kanya-kanyang sisidlan. Hindi 'ata bababa sa bente piraso ang mga nahuli naming tilapia.

Gagataan daw namin nang may halong mustasa itong mga bagong huli naming tilapia na siyang aming hahapunanin. Kaya naman tinuruan ako ni Tio Gimo'ng magkayod ng niyog. 'Di ko naman akalaing medyo nakakangalay pala 'yon.

Matapos magkayod ay dinala ko 'yon sa kusina kay Yna upang pigain ang gata. Katu-katulong siya ni Tia Amel doon sa paghihiwa ng mga rekado. Nasa harap naman ng kalan si Caloy, piniprito na ang mga isdang sasabawan ng gata.

Pumwesto na 'ko sa lamesa bilang kapalit ni Yna sa paghihiwalay at paglilinis ng mga mustasa. Bahagya kong hinimay-himay ang mga dahon niyon, hinihiwalay ang bawat sanga mula sa hugis bumbilya nitong puwitan.

Habang kami'y abala, siyang sumapaw naman ang tunog ng balita mula sa telebisyon sa may salas kung saan naglalagi si Lolo. Napakabago ng ganitong paligid para sa 'kin. Hindi kami ganito nina Mama at Papa maging ng kapatid ko sa siyudad. Maybe this is what I've been missing out after all.

Nang makitang umuunti na ang lilinising gulay, bahagya kong binagalan ang aking paggawa. Nagawi ang aking tingin kay Caloy na naka-side view mula sa aking pwesto.

Nakalamukot ang kanyang mukha, halos nagsasalubong ang mga kilay. His lips also drew a flat. No expression can be drawn from it. Awang din ang kanyang tingin sa kawaling kanyang pinagpiprituhan, mistulang malayo ang abot ng iniisip. He was glued to his place, not even moving a finger.

"Huy!" Yna nudged him. Agad namang bumalik ang diwa ni Caloy. "Tahimik na 'yang pilantik ng isda oh. Baka masunog na."

Napakamot sa kanyang batok si Caloy nang mapuna ito ng kaibigan. Wala siyang imik. Agad na lamang niyang hinango ang piniprito mula sa kawali saka nagsalang ng panibago.

'Di ko mapigilang pansinin ang kakaibang kinikilos ng aking pinsan. Ano naman kayang bumabagabag dito?

Napabilis ang paghihimay ko sa mga mustasa dahilan upang matapos ko kaagad ang mga 'yon. Kinolekta ko ang mga tira-tira nitong hindi naman maaaring isama sa pagluto at isinilid 'yon sa isang plastik. Dinala ko ito sa may basurahang malapit lang sa pinaglulutuan ni Caloy.

Tahimik akong tumabi sa kanya ngunit tila 'di niya ako napansin. Abala siya sa pagbabaligtad sa isda, iniiwasang matilamsikan ng mantika.

"Ayos ka lang?" He jerked at my sudden presence. The hot oil from the pan almost splashed over after he suddenly dropped the fish.

"Grabe ka naman, Insan. Pasintabi naman," kunot-noo niyang saway sa 'kin, pumapalatak bago ayusin ang hilera ng isda sa kawali.

Tumuon ako sa counter kung sa'n nakapatong ang kalan. I gazed at him intently.

"'Di mo sinagot tanong ko," I reminded. "Oks ka lang?"

Bahagya siyang nag-umis.

"Oo naman. Ba't naman hindi?" tila wala sa sarili niyang tugon. He looks tensed.

"Kanina kasi sa gubatan, 'di ba? Bigla ka na lang... natigil sa paglalakad ta's natulala." Caloy's image vividly flashed in my mind. "Tapos ngayon, parang bothered na bothered ka. Parang ang layo ng iniisip mo," lahad ko.

"May inaalala la'ang ako. Wala 'yon. 'Wag mo nang intindihin. Hindi naman importante," he brushed off.

"Sure ka b—"

"—Tama na!" His voice and tone almost grew louder, sounding vexed. Natikom ako. "'Pag sinabi kong wala, Insan, wala. Okay? Bumalik ka na la'ang sa ginagawa mo. 'Wag ka nang mang-ukit dine. Baka masunog pa 'tong isda gawa mo," irita na niyang pagtataboy sa 'kin. Tumiklop ang buo kong sistema nang makatanggap ako ng irap mula sa kanya.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon