❧ 24 ☙

71 6 1
                                    

"Wolves in the woods... Wolves eat boys... In the woods... In the woods."

"Huwag kang tatakbo! Huwag kang tumakbo!"

"Vian... Euthymios... Vian... Mios..."

"See you again... Come see us again..."

"Caloy... Caloy... Joko... Ralph... Caloy... Joko... Ralph..."

"Go home, Vian."

"Tigil na... Tama na..."

"AHHHH!"

"W-wolves in the woods... Wolves eat boys... Huwag kang tatakbo! In the woods... Huwag kang tumakbo! In the woods. Vian... Euthymios... L-lubayan mo na... Wolves in the... Caloy... See you... Joko... Wolves eat... Takbo! Ralph... Go... In the woods..."

"Vian... Mios..."

"UMUWI KA NA!"

"Biyan?"

Mistulang hinila pabalik ng aking katawan ang lumulutang ko nang diwa nang rumehistro sa 'king tainga ang boses ni Tia Amel. Nadatnan ko ang nakapandilat niyang mga mata, mga kamay ay nakapamaywang, titig ay nakapako lamang sa 'kin.

The voices I've been hearing had vanished, precipitously. Napalitan na lamang 'yon ng pagkakakulob ng hangin sa loob ng kusina.

"'Ba! Ikaw ga'y napapaano? Baling rikit na naman ng 'yong kilos, ay," puna niya. Napakamot na lamang ako sa aking batok, bahagyang napahahagikhik. "Ikaw na bata kang tunay, oo. Basta baga'y ang bilin ko'y mamalaka ka ha? Hayo, sa may palayan kayna Ka Sarto."

Her voice rang in my ear, her accent strong enough to even recall what she had just instructed.

"Mamalaka po?" I asked in total perplexity.

She crossed her arms over her chest, giving me a doesn't-he-know­ kind of look. Halos manliit na ako sa kanyang harapan.

"Mamalaka, Biyan. Manghuli ng palaka. 'Yong palakang bukid ha? At siya nating aadobohin mamaya," paglilinaw niya. "Agahan mo na ang panghuhuli't mahirap talupan ng balat yo'on," bilin pa niyan saka ako inabutan ng timba.

Palakang bukid? She means... frogs‽

Wala na lamang akong nagawa kundi lunukin ang sariling laway.

🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

"Thank you sa pagsama sa 'kin, Yna. Si Caloy sana ang hihingan ko ng tulong kaso namamalengke raw. I don't know who else to ask," pagkausap ko kay Yna habang tinatahak namin ang daan tungo sa palayang nabanggit sa 'kin ni Tia Amel.

In all honesty, hindi ko rin alam kung saan ba talaga 'yong palayang itinuro niya. I even have zero knowledge on how to identify frogs that are edible, what more about catching them? Iniisip ko pa nga lang hitsura nila, nangingilabot na 'ko. Buti na lang talaga't to the rescue si Yna.

"Ano ka ba, teh? Hindi ka naman others, 'no? Siyempre naman at tutulungan kita. Ikaw pa ba?" aniya. I just grimaced at her. "Ay ano nga palang sadya mo sa palayan nina Ka Sarto? May dala-dala ka pang timba."

Oh shit! 'Di ko nga pala nabanggit sa kanya.

"Ah... Ano kasi..." Umiwas ako ng tingin. "Inutusan kasi ako ni Tia'ng mamalaka." Mariin kong pinagdiin ang aking mga pilik.

"Walanjo ka!"

"Aray ko!" piyagak ko nang maramdaman ang sobrang tamis niyang pambabatok sa 'kin. Tila naalog ang lahat ng laman ng aking ulo. "Ang sakit ah!" pagmamaktol ko.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon