❧ 21 ☙

69 7 1
                                    

Kalmado ang kalangitan, binabalot ng ulap ang angkin nitong kabuuan. Ni isang kislap ng tala ay wala akong maaninag. Maski ang buwan ay tila natulog na sa labo ng lingas nito sa kanyang kinauupuan.

Kalmado ang kalangitan dahil unti-unti na ring napupundi ang liwanag na noo'y kanyang pinangangalagaan.

Humugot ako ng mababaw ngunit mabigat na buntonghininga. Samu't sari ang mga bulong na umaalingawngaw sa aking isipan. Mga bulong na hindi galing sa mga punong nakamasid sa akin kundi mga bulong ng mapaglinlang na mga damdamin.

Every inch of my brain was wrung with enough thoughts to completely feel emotionless. Alam mo 'yon? Sa sobrang dami mong nararamdaman all at once, mas pinipili na lang ng katawan mong 'di na talaga lubusang makiramdam.

I straightened my look up ahead, arching my back on the balcony's counter, eyeing the shiftiness of the trees. Alam kong sa akin nakatuon ang atensyon nila. It sounds weird and it looks weird, pero 'di ko talaga mapagpag sa aking sistema na minamanmanan talaga ako ng mga puno ng gubatan.

I wish I had known what the trees kept whispering.

"'Di ka makatulog?" I was pulled back from my trance when a soft yet emotionless voice talked behind me. It was Caloy. Naupo siya sa pasamano ng balkonahe, katabi kung saan nakatuon ang aking mga siko habang nakatitig sa malayo. 'Di ko siya nililingon ngunit dama kong sa aking nakadapo ang kanyang tingin.

Muli akong humugot ng hininga. "Ano bang meron dito sa sitio niyo, Caloy?"

"Anong meron?" he reiterated, swaying his legs. "Tingne... Mga halaman, lubak-lubak na daanan, mga magkakapitbahay na magkakalayo ang bahay, masasarap na pagkain..." he paused.

We looked at each other at the same time, both pulling in a flat smirk. There was a light spark evident in his eyes.

"...Gubatan," he finished, making his smirk fade away. Muling naglayo ang aming mga tingin.

"Right," I faintly whispered. "Gubatan."

Caloy gently nudged me at the side. Nabalik ang aking tingin sa kanya.

"Ano ga nga kasi ang nangyayari sa iyo, Insan? Pwede mo namang ikwento sa akin, eh. Wala man 'yong bayad, uy," he chimed. Nagsimulang mamutawi muli ang isang ngisi sa kanyang mga labi. His warmth radiated towards me, and suddenly, everything felt calmer—emotions starting to rekindle once more. "Magpinsan tayo, Vian. Pwede mo 'kong gawing kahuntahan basta't ika'y mapanatag la'ang."

I let out a light chuckle, setting my contemplations on the trees ahead of us.

"There's this... person," panimula ko. Caloy remained taciturn. "Nakilala ko siya roon sa gubatan. Maybe you had known by now kung bakit ako bigla-biglang nawawala."

Suminghal si Caloy ng isang hagikhik. "Ibig mong sabihin, isang tao ang dahilan kung ba't ka nagkakaganire nitong mga nakaraan pang mga araw?"

"Oo... Pero, not in a bad way," depensa ko. "I guess..."

"Sus! Not in a bad way daw. Eh ano 'yong mga inaasta mo? Panay ang patikar mo palagi pabalik ng gubatan. Bigla-bigla ka na la'ang nawawala. Para kang nawawala palagi sa ulirat. Saang banda do'n 'yong not in a bad way?" Tila naging mapanghamon ang tono ng kanyang pananalita. "Insan, pramis. You can be as honest as you can sa akin."

"English 'yon ah," tatawa-tawa kong asar.

Pabiro niya akong sinuntok sa aking balikat. "Minsanan la'ang 'yon. Pagbigye na."

Our giggles entwined heartily, feeling each other's caring presence. Sabay kaming napabuntonghininga.

"Pero totoo yung not in a bad way, Insan. This... person. Pinaramdam niya sa 'kin ang iba't ibang mga bagay na 'di ko akalaing pwede ko palang maramdaman. Alam mo 'yon? Kumbaga sa mga nilalaro ko, parang meron siyang na-unlock na secret level or secret achievement na matagal nang nakabaon sa 'kin—and it felt good!" paglalahad ko. "It was all kind of... new to me. Confusing. Overwhelming."

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon