❧ 28 ☙

73 7 2
                                    

"Vian, Vian, Vian. Please naman oh. Sorry na nga kasi." Habol-habol ako ni Caloy palabas ng bahay, patuloy pa rin sa panunuyo sa akin. "Pagsatigas naman oh. Vian!" palatak pa niya bago tumalon sa pasamano ng balkonahe upang maabutan niya ako bago makalabas ng kanilang tarangkahan. Hindi ko pa rin siya kinikibo at nagpatuloy lang sa paglabas tungo sa kalsada.

Binilisan ko ang aking paglalakad, seryoso ang tingin sa aking dinaraanan. Minabuti ko nang pagpasyahang doon sa mas malayong lagusan na lamang lumusot papuntang gubatan. Ayaw kong malaman ng usisero kong pinsan yung isa pang lagusan na mayroong kumpol ng mga san francisco sapagkat nagkaroon na 'yon ng espesyal na kahulugan sa akin.

Kami lang dapat ni Euthymios ang may alam ng daanang 'yon.

Natigil ako sa paglalakad nang humarang na si Caloy sa aking harapan, mga braso'y nakalapad para 'di na ako makalusot pa. Lilihisan ko na lang sana siya nang makulit niya pa ring hinarangan ang siyang aking daraanan.

"Hindi ka makakalusot hangga't 'di mo 'ko kinakausap," pirme niyang pagkakasabi. "'Di ga't sabi ko kagabi, ihahatir kita sa may bukana? Bakit naman 'di mo 'ko pinapansin?"

Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Insan, sorry na nga kasi," he cried in frustration. "Mali ko. Sorry na, please? Kakausapin ko ang mga Nanay at Tatay tungkol doon, huwag kang mag-alala."

I groaned, shoving him away from my way. Before I could even go a little bit further, Caloy single-handedly turned me around by the shoulder.

"Ba't ba ganire ang asta mo, Insan? Nakikipag-ayos na nga 'yong tao oh?"

"Bitiwan mo nga ako," iritable kong sambit, pwersahang inaalis ang kanyang kamay mula sa 'king balikat. "'Di ko na kailangan ng pang-e-escort mo! Kaya kong puntahan nang mag-isa si Eu—"

"—Nagbabangayan ba kayong dalawa?"

Both Caloy and I froze from our places. Ihinarap ko ang aking sarili sa may-ari ng boses na nanggaling sa 'kin likuran. I stood beside Caloy, straightening myself.

"H-hi Yna," Caloy and I tensely greeted.

Her eyes narrowed down on us. "May kailangan ba akong malaman mga teh? Kaunti na lang, iisipin ko na talagang may something na sa inyong dalawa. Ano ga?"

Nagkasikuhan kami ni Caloy, bahagyang sumesenyas gamit ang mga pagilid na tingin. Yna sharply raised a brow.

Kaagad nahagip ng aking mga mata ang malaking bilaong dala ni Yna. Isang pabilog na hanay ng mga nagtitingkarang puto ang laman nito, iba-iba ang kulay at nakabalot sa cling wrap. Isang ngisi ang aking ipinamalas.

"Ah... Yna, para kanino 'yang dala mong mga puto?" paglilihis ko sa kanyang pang-uusisa. "Gawa mo?"

Yna shifted her gaze from us then to what she was holding.

"Ah, are'y pa-order nina Kristal. Gawa namin ni Mama areng mga puto. Panghanda raw sa birthday ng kanyang kapatid. Pinapa-deliver lang sa akin," she fervently replied.

Kristal. Now that's a familiar name.

She turned to us, a wide grin running across her face. "Tara! Samahan ninyo akong dalawa. Hatid natin do'n sa kabilang sitio."

I blinked twice. Tila tumalon din palabas ng katawan ni Caloy ang kanyang diwa.

"Ah... Yna..." kamot ko sa aking batok. "Kasi... ano... m-may kailangan pa kasi akong dapat gawi—"

"—Aysus, Vian! 'Wag mo 'kong ine-emedu ha? Narinig mo lang pangalan ni Kristal, tatakasan mo na agad ako," she teased, squeezing me around the neck with her elbow.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon