❧ 15 ☙

75 11 2
                                    

Euthymios's gentle arms enveloped me in a warm and tight embrace. Bumaon ang aking ulo sa gilid ng kanyang leeg habang pinapakiramdaman kung paano kumiskis ang aming balat sa isa't isa. Our hearts both pounded from our chests, creating a single beat. My hips buckled when he also wrapped his legs around me, as if his injured knee was already better.

Napaungos na lang ako nang mala-singhutin niya ang aking amoy. Ikinalang niya ang isa niyang kamay sa aking batok upang alalayan ang paggalaw ng aking ulo. I was caught off-guard! Pakiramdam ko ay tuluyan nang nag-init ang paligid.

"Akala ko 'di mo na 'ko babalikan eh," his voice tingled my ears, chuckling softly.

Pwersahan kong ikinalas ang sarili sa kanyang pagyakap. I shoved his arms away from me and grabbed both of his hands, our fingers interlocking. He fought back but it was too late when I pinned him on the bed.

Naging mapaglaro ang mga mata niya, nagtataas-baba ang lalagukan. May nakakalokong ngiting gumuhit sa kanyang mukha.

"Rough," kagat-labi niyang bulong.

My face immediately turned in all shades of pink. Agad akong napabitiw sa kanyang mga kamay at umalis sa pagkakapaibabaw ko sa kanya.

I was about to sit by his side when he entangled his legs around my groin. He used all of his strength to topple me over. Now he is the one on top of me.

Yumugyog ang kama sa aking pagbagsak. Hindi ko man lang namalayang nahablot na pala ni Euthymios ang aking mga kamay, ginagaya ang ginawa kong pagdagan sa kanya kanina.

My heart almost leaped out when he licked his lips, his eyes grazing me from head to chest. That was so... sexy.

Mariin akong pumikit at inilingon ang ulo papalayo sa gawi niya.

Tangina, Vian! Ano 'yon? Why do you think about him like that‽

Ramdam kong bumigat ang pag-ipit ng kanyang katawan sa akin, tipong parang nakaupo na siya sa aking tiyan. Halos mangatal na ang aking panga nang unti-unti kong maramdaman ang paglapit ng kanyang mainit na hininga.

His breath caressed the side of my neck. Hindi ako makagalaw!

Fuck, Euthymios! Anong ginagawa mo?

I suddenly felt tight. Tumitiklop ang mga daliri ko sa paa habang pilit na bumabaluktot ang aking tuhod. Painit na nang painit ang aking pakiramdam, sinisibasib ang marubdob na pagwawala ng aking dibdib.

I flinched when his nose touched the side of my cheek.

"Kinabahan ka 'no?"

Napamulat ako at kaagad na tumambad sa 'kin ang isang Euthymios na hahala-halakhak nang nakaupo sa aking paanan. The heat took over my body, not in hotness but in total embarrassment. He clearly enjoyed teasing me like that.

I shot him an annoyed glare before throwing his pillows at him.

"Ikaw...," I angrily throwed another pillow, "May sakit ka na nga't lahat, nagawa mo pang mang-asar nang ganyan!"

Tatawa-tawa naman niyang pinipigilan ang pagtama ng mga unan sa kanyang mukha. Kada sangga niya ng kanyang kamay ay siyang sinok niya rin sa katatawa.

"Tama na uy!" awat niya. "Pero sana nakita mo pagmumukha mo. Grabe, akala mo sasabog ka na sa pangangamatis. Ano ba sa tingin mong gagawin ko sa 'yo?"

Mas lalo kong naramdaman ang hiya kasabay ng pag-init ng palibot ng aking tainga.

"Bwiset!" I yelled before throwing the last pillow at him. Nasapul niyon ang kanyang mukha na siyang naging sanhi ng pagkatumba niya sa kama. "Ha! One point for Vian!"

"Aray...." he groaned in agony as he picked himself up from the fall.

🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

After a few rounds of teasing each other, I decided to really check up on his condition now. Mukha namang wala na siyang lagnat base sa kung ga'no siya ka-energetic mang-asar ngayon. His knee was also feeling much better. Parang himala lang na sa 'di malamang dahilan ay gumaling na siya kaaagad.

We are quietly seated in front of his dining table. Ihinain ko sa kanya ang dinala kong ulam. He was quite thankful for it kasi 'di pa pala siya nakakapaghapunan.

"Huli namin 'yang tilapia," I proudly told him. "'Yan ang dahilan kung bakit 'di kita napuntahan kaagad."

He was joyfully chewing on his food. "Ayos 'tong luto niyo ah," aniya. "Pero akala ko talaga, tinamad ka lang na bumalik kaya 'di na 'ko nag-expect. At saka sino ba naman ako, 'di ba? I'm just a guy na nakasalubong mo lang somewhere dito sa gubatan. It isn't big of a deal," kibit-balikat niya bago ulit sumubo.

I fixedly looked at him, my chin resting on my hand.

A province guy who has an unusual name and speaks English like a city person. Euthymios is one hell of a guy!

He sucked on the spoon when he matched my gaze. Umangat ang isa niyang kilay.

"What?"

I heaved a sigh. "Wala. It's just that..."

Nagpatuloy lang siya sa pagkain pero hindi pa rin niya inaalis ang kanyang tingin sa 'kin. He scooped a spoonful of rice with a nib of fish. Isusubo na niya sana 'yon nang bigla niyang ilapit ang kutsara sa 'kin.

"Ahhh..." He widely opened his mouth, implying that I should do the same.

I snickered bago ko ibuka ang aking bunganga. He shoved the spoon into my mouth, gobbling up the food that was on it.

"Mmm..." he mumbled, as if mimicking a mom who's spoon-feeding their baby.

Ngunguya-nguya akong ngumisi. Parang tanga naman kasi itong si Euthymios eh! Nakakadala 'yong hitsura. 'Yong tingin niya kasi't ngisi, parang inosenteng batang gusto lang lagi makipaglaro.

Iiling-iling akong humagikhik na sinabayan naman niya.

"Pero, 'de, seryoso," panimula kong muli saka nilunok ang pagkain. "Nag-aalala ako sa 'yo, Euthymios. Mag-isa ka lang kasi dito ta's sa kalagitnaan pa ng gubatan. 'Di ka ba natatakot?"

"Sus!" he scoffed. "Dapat sila ang matakot sa 'kin 'no."

I playfully rolled my eyes. "Wow ha. Tapang mo naman po," I mocked. Kinibitan niya lang ako ng balikat. "Pero seryoso nga kasi."

His face genuinely showed expressions of worry and curiosity. Bahagya siyang natigil sa pagkain, umiigting ang panga habang hinuhukay ako ng kanyang titig. His hands rested on the table with a finger tapping impatiently.

I heaved a long-held sigh. "Kanina kasi, bago pa 'ko pumasok sa loob ng kubo, may namataan akong... aninong naali-aligid sa labas. No'ng una, akala ko ikaw lang 'yon. Pero nag-react agad 'yong person, kung sino man siya, no'ng umimik ako."

He suddenly looked alarmed. "Namukhaan mo ba kung sino 'yon?" He kept his composure but his eyes suddenly seemed tensed.

Umiling ako. "Kahit no'ng hinabol ko siya, 'di ko man lang naaninagan 'yong mukha niya," kwento ko pa.

Nag-umis siya bago muling binalikan ang kinakain. Tila lumuwag na ulit ang kanyang pakiramdam nang sunod-sunod na siya sa pagsubo ng pagkain. Para bang agad niya lang pinalampas ang aking ikinwento.

"Uhh... hello? Hindi ba dapat naaalarma ka na at nag-iingat dahil sa sinabi ko?" I almost acidly said, waving a hand in front of him.

He shrugged. "The shadow person you're referring to is probably just a passerby," tangi niyang tugon bago isinubo ang pagkain.

"Passerby? Sa ganitong dis-oras ng gabi‽" I unbelievably crossed my arms over my chest as I watched him lick his plate clean. "Euthymios, seryoso nga ako. Nag-aalala ako sa safety mo rito."

He finished a whole glass of water in one gulp before looking back at me, still not paying attention to what I've just said. Pinahid niya ng kanyang braso ang labi bago tumayo't lumapit sa 'kin.

"Wala kang dapat ipag-alala sa 'kin Vian," panatag niyang sabi habang inilalahad ang kanyang kamay. I shifted my look from his face and back at the hand in front of me, a brow inquisitively raised. He flashed a knowing smile sabay ayang, "'Li ka. Labas tayo."

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon