ARABELLA IYRA
Hindi ko alam pero habang tumatagal ay may nadidiskubre ako sa aking pagkatao. Parati kung napapaginipan na galing ako sa isang marangyang angkan.
May isang gabi na nanaginip ako at may isang batang umiyak habang nakasakay sa eroplanong babagsak at unti–unting nahihiwa. Hindi ko alam kung bakit ko napapaginipan ang ganoo’ng klaseng mga pangyayari.
Umupo ako sa buhangin at nakatingin sa maliwanag na buwan. Hinawakan ko ang kwentas na nakasabit sa aking leeg at hinubad ko ito at binuksan ang pendant para tingnan ang larawang nakalagay sa loob.
Pinagmasdan kong mabuti ang larawan nagulat ako dahil itong batang ito ang nasa aking panaginip at itong lalaki at babaeng kasama niya ay nakikita ko din sa aking panaginip. Hindi kaya may kinalaman sila sa aking tunay na pagkatao?
Napalingon ako sa aking likuran dahil may narinig akong kaluskos malapit sa akin pero wala naman akong makita ibinalik ko ulit ang aking tingin sa buwan. Naaawa ako sa isang bituin na malayo sa buwan parang aking buhay na malayo sa katotohanan.
Nagulat ako dahil sa may biglang nagtakip ng aking bibig nanglaban ako para makawala pero sobrang lakas niya ay wala akong nagawa hindi ko rin makikita ang kanyang mukha dahil mahigpit niyang hinawakan ang aking ulo. Unti–unting sumarado ang aking mata dahil sa amoy na hindi kaaya–aya may narinig akong nag–uusap pero hindi naman iyon maintindihan hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.
***
Nagising ako sa isang kwarto at napabangon ako bigla dahil bakit ako biglang nandito, bigla kong naalala ang nangyari sa akin kagabi. Nilibot ko ang aking tingin. Narinig kong may pumihit sa hawakan ng pinto dali–dali akong humiga at nagtabon ng kumot para magpanggap na natulog.
“Wake up, I know your awake.” pamilyar sa akin ang kanyang tinig.
Nagpanggap parin akong tulog. Baka may gagawin siya sa akin, baka kidnapper siya.
“Arabella, ayaw mong gumising? Sige ka hindi kita bibigyan ng lollipop sayang masarap pa naman ‘to,” may naalala ako bigla tungkol sa lollipop.
(Pero gusto ko ‘yang nasa isip mo)
Ang batang babae sa aking panaginip ay kumakain ng lollipop. Dahan–dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa akin at nagulat ako sa aking nakita.
“Ikaw?” Bumangon ako at umayos ng upo.
“Bumangon ka na kakain na tayo at pagkatapos ay may pupuntahan tayo.” Tumayo siya at lumabas ng kwarto.
Nakahinga naman ako ng maluwag. “T–Teka, n–naaalala na ba n’ya ako?” bulong ko sa aking sarili.
Tumayo ako at nilibot uli ang aking paningin napadpad ang tingin ko sa litratong nakasabit sa closet room ni Asher, nilapitan ko ito para tingnan.
Hinawakan ko ang kanyang labi at puma–ibaba sa kanyang katawan. Malaki ang kanyang katawan halatang nag–ehersisyo ito.
Lumabas akong kwarto at bumaba bigla ko tuloy naaalala ang unang punta ko dito.
“Good morning, Ma'am.” bati sa akin ng isang katulong.
“Ara, halika ikaw nalang ang hinintay nila,” Lumingon ako sa kusina kung saan nandon si Manang Thess na tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomanceWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...