ASHER ISIAH
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ko si Ara na magbihis dahil may pupuntahan kami. Mula nung nalaman naming lahat na buntis siya ay dito na siya pinatira ni Mommy at Daddy para raw ma-monitor namin ang kanyang pagbubuntis. Pumayag naman ang Mommy ni Ara sa gusto ng mga magulang ko tsaka may kasama naman daw siya sa bahay aside sa mga katulong ay ang kanyang mga tauhan.
Ipapasyal ko na muna siya bago ang malaking sorpresa ko para sa kanya. Kailangan kong bumawi dahil gusto kong maramdam niya kung gaano ko siya kamahal.
“Hon.” Napalingon ako sa boses ni Ara na tinawag ako. Kahit simpleng damit lang ang kanyang suot ay bumagay ito sa kanyang maputing balat at makurbang katawan.
“Hon, kanina pa kita tinatawag hindi ka naman nakikinig. May problema ba?” mapanglaw na tanong ni Arabella sa akin.
“No. Hon, natameme lang ako sa ganda mo. Hindi talaga ako magsasawang titigan ka araw-araw.” sabay hawak ko sa kanyang kamay para sabay kaming lalabas ng bahay.
Pinagbuksan ko siya ng pinto sa aking kotse at ngumiti siya bago pumasok. Sumakay na ako at pinaandar ito tsaka nagmaneho paalis. “Saan mo gustong pumunta, Hon?” tiningnan ko siya saglit at ibinalik ko ang aking tingin sa kalsada.
“Can we watch movie?” maligaya niyang tanong sa akin habang nakatagilid siya paharap sa akin.
“Which movie would you like to watch?” tanong ko habang nagmamaneho.
“Kahit ano basta nakakaiyak.” nakatingin na siya sa kalsada at naging tahimik.
“Hon, what's wrong? May nasabi ba akong hindi maganda?” nag-aalala kong tanong sa kanya dahil bigla siyang natahimik.
“Huwag na lang pala tayong manunuod ng movie.” nahinto ko ang kotse sa tabi ng kalsada at tiningnan siya. “May problema ba? Sabihin mo lang, Hon. Nag-aalala kasi ako ayokong nakikita kang malungkot.” hinawakan ko ang kanyang kamay at seryosong nakatingin sa kanyang mga mata. Those green eyes, long eyelashes, thick eyebrows, pointed nose, and a heart shaped kissable lips.
“I wanna watch sunset in Lake Pantabangan in Nueva Ecija, Hon. Nakita ko kasi sa facebook at sobrang ganda ng sunset doon. Can we go there and watch the sunset together?” malambing niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya at pinaandar ang kotse patungong Nueva Ecija.
Ngumiti ako habang nagmamaneho dahil iniisip ko na baka dala ito sa kanyang pagbubuntis. Tahimik lang kami sa buong byahe nilingon ko siya at nakatulog ito. Binilisan ko ang aking pagmamaneho para maabutan namin ang sunset.
“Hon, wake up we’re here.” ginising ko siya sabay halik sa kanyang noo.
Nag-unat siya ng katawan at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. “Are we there yet?” tanong niya sa akin habang tinitingnan ako.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Yes, honey we’re here. Lets go and watch the sunset together.” niyaya ko siyang bumaba ng kotse.
Una akong lumabas at sumunod naman siya agad. Pumwesto sa harap ng aking kotse at nakasandal ang likod. “You know what?” tanong niya na hindi ako tiningnan nananatili lang kanyang tingin sa sunset.
“What?” tanong ko sa kanya pero nananatili pa rin ang kanyang mga mata sa palubog na araw. Huminga siya ng malalim at humarap sa akin
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomansaWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...