ARABELLA IYRA
Nagising ako dahil sa malakas na ulan, nandito parin pala ako sa puno basang-basa na ang aking buong katawan. Bigla kong naisip ang nangyari kaninang umaga 'yung sinigawan ako ni Asher. Hindi ko naman kasi alam na magagalit siya sa akin gusto ko lang naman hawakan 'yong parang tinapay na nasa tiyan niya bag galit na galit agad siya.
"ARA!" Rinig kong sigaw ni Asher nakita ko agad siya dahil may dala itong ilaw.
Ayoko'ng sumagot dahil baka sisigawan na naman n'ya ako. Bahala siya dito nalang ako sa taas ng puno.
"ARA! Where are you!" Naiintindihan ko na paunti-unti ang kanilang lenggwahe dahil sa parati ko silang naririnig na nag-uusap ng ganun.
Magtatago na sana ako sa malaking sanga pero huli na dahil natamaan na ako ng ilaw dahilan para mawalan ako ng balanse.
"AHHHHHHHH!" Malakas na sigaw ko dahil alam kong sa lupa ako mahuhulog.
"ARA!" Pinikit ko ang aking mata at hinihintay ko nalang ang pagtama ng aking katawan sa lupa.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata ng hindi ko naramdaman ang aking katawan sa lupa. Nagtagpo ang aming mata ni Asher. Puno ito ng lungkot at takot hindi ko maipaliwanag iyon.
"Ano bang ginagawa mo dyan sa puno?" umayos muna ako ng tayo tsaka naglakad paalis.
Uuwi na ako ng mansyon bahala siya hindi ko siya kakausapin dapat nagtatampo ako sa kanya. Naramdaman kong sumunod siya sa akin huminto ako at hinarap siya.
"Bakit mo ba ako sinusundan ha?" iritang tanong ko sa kanya.
Agad akong nagtatatakbo papunta sa kanya at yumakap dahil sa biglang pagkulog na may kasamang kidlat. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"Don't be afraid, nandito ako. Ako ang maging panangga mo." sabi n'ya kaya agad akong napabitiw sa aking pagyakap sa kanya.
"Hindi ako natatakot! Tsaka sanay na ako sa ganyan noon pa 'nong nasa isla ako!" Inis kong sabi sagot sa kanya at iniwan siyang mag-isa doon.
"Akala niya siguro na hindi ako nagtatampo sa kanya! Bahala siya, ayoko sa kanya!" bulong ko sa aking sarili.
"Bakit ka naman nagtatampo sa akin?" dahil sa aking pagkagulat ay natisod ako at nadapa sa lupa.
Tumayo ako agad kahit masakit ang paa ko ay pilit ko pading hinahakbang. Huminto ako ng hindi ko naramdaman na sumunod siya sa akin lumingon ako sa aking likuran at para tingnan siya pero wala ito. Saan kaya yon nagpunta? Pagtingin ko sa harap ay nakatayo siya at seryosong nakatingin sa akin.
"Dati ka bang kabute ha, Asher?" gulat kong tanong sa kanya at kumunot naman ang noo nito.
Hindi siya sumagot, tumalikod lang ito tsaka umupo sa harapan ko.
"Sakay," utos niya sa akin. Nilagpasan ko lang siya kahit naman ganito ako maglakad dahil sa sakit ng aking paa ay makakarating naman ako sa mansyon.
"Ara! Ano ba bakit ba ang tigas-tigas nang ulo mo! Kita mo naman na mas lalong lumakas ang ulan tapos pa ganyan-ganyan ka pa!" Aba't sinigawan na naman niya ako.
"Hoy! Lalaking may dala-daling matigas na bagay sa kanyang harapan, para sabihin ko sayo hindi kita inutusan na hanapin ako tsaka kaya ko naman ang sarili ko no!" Galit na sigaw ko sa kanya at naglakad ulit.
"Wala naman akong sinabi na hanapin niya ako! Jusko! Hindi nga ako nangingialam sa kanya kahit may matigas siyang bagay na dala-dala!" Bulong ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomansaWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...