ASHER ISIAH
Agad kaming bumaba ng kotse pagdating namin sa kanilang mansyon.
“Good evening, Dad, Mom,” sabay halik niya sa pisngi ng kanyang mga magulang.
“Good evening, Mr. and Mrs Sanchez.” bati ko sa kanila.
“Halina kayo’t kumain na tayo.” agad naman kaming umupo ni Ara.
“Anyway, Iyra. Mr. Asher will be your personal bodyguard.” Napatingin siya agad sa kanyang Ama.
“Dad, naman bakit may pabodyguard pang nalalaman?” maktol ni Ara sa kanyang ama. She will know if her Daddy will explain to her kung bakit.
Nagkatinginan kami ni Ara pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang Mommy. “Mom, alam mo ba ito?” tanong niya sa kanyang ina. Hinawakan lang ang kanyang kamay at nginitian.
“Iyra, dahil sa mga nangyari we don't want to be without you again. This is for your own good, Iyra. Sundin mo ang Daddy mo.” Napahinga nalang siya ng malalim. Tiningnan ako ni Tito Albert.
“You don't have to go to work, Asher. I had already discussed this with Mr. Salazar, and he agreed with me. Kailangan lang namin masiguro na ligtas ang aming anak sa kamay ng mga taong gusto s’yang kunin sa amin ulit.” mahaba n’yang sabi sa akin.
“Tito, makakaasa po kayo. She's in good hands.” Tiningnan ko si Ara. Hindi siya makatingin sa akin ng diritso.
“Well, you can start tomorrow, Asher. You'll be with her 24hours an—” naputol ang sinasabi ni Tito Albert ng umalma si Ara sa sinabi ng kanyang ama.
“Dad, nakakaabala na tayo ng tao. Pwede namang pag–uwi ko galing trabaho ay uuwi na rin siya.” kunot noo’ng sabi niya sa kanyang ama.
“Its okay, Miss Iyra. I can handle myself tsaka ganun naman talaga ang trabaho ng personal bodyguard. Sisiguraduhin nilang nasa mabuti at ligtas ang kanilang binabantayan.” ngiting sabi ko sa kanya pero hindi niya ako tiningnan. Ano bang problema sa babaeng ito.
“Mommy, Daddy mauna na po ako sa taas. Kailangan ko pang gumawa ng bagong wrapper design ng ating produkto na noodles.” pagkatapos n’yang sabihin yon ay tumayo siya at naglakad palabas ng dining area.
“Well, anyway Mr. Asher. Buhay ang mga magulang niyo at nasa kamay sila ng isang dalagang babae.” Nanlaki ang aking mata. Kung ganun totoo nga ang naging kutob namin ng aming mga kapatid na buhay ang mga magulang namin.
“Tito, could you take me to where they are? Kailangan namin ko silang iligtas. Namimis na namin sila.” Lumuhod ako sa kanyang harapan para ituro kung nasaan ang aking mga magulang.
“Asher, pati ako walang alam kung saan nila tinago ang iyong mga magulang.” I can feel the warmth of water on my face. I was in tears.
Bakit ba kailangang mangyari sa aming pamilya ito. Wala akong matandaan na may kasalanang nagawa ang aking mga magulang sa taong dumukot sa kanila.“Asher, wala pang may alam kong saan sila tinago ng babaeng iyon. Even Mr. Salazar didn't know.” Tumayo ako patago kong pinunasan ang aking luhang lumabas sa aking mata.
“Thanks, Tito. I need to go home para ipaalam ito sa mga kapatid ko na totoong buhay aming mga magulang.” He tapped my shoulder. Tita Venus smile at me. Nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng mansyon.
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
Storie d'amoreWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...