ARABELLA IYRA
I go out after hearing about my Daddy and me. I can't quite imagine why he did that to me. What did I do to him? I just keep walking, I no idea where my feet will take me. What I'm thinking about now is getting away from my parents.
Pumara ako ng taxi pero hindi ko naman alam kong saan ako magpapahatid o pupunta at agad akong sumakay.
“Ma’am, saan po tayo?” tanong ng driver sa akin.
“Kahit saan.” tanging sagot ko sa driver.
“Ma’am, bumaba na lang po kayo. Hindi ko po ako nagpapasakay ng pasahero na hindi alam ang kanyang pupuntahan.” tiningnan niya ako sa rearview mirror.
“Sa hidden island dalhin mo ako roon.” sabi at hindi siya tiningnan.
“Ma’am hindi po makakapasok ang taxi roon at dilikado po paggabi ka ng pupunta roon, Ma’am.” nag-alalang sabi ni kuya sa akin.
“H’wag po kayong mag-alala manong taga roon po ako.” sagot ko para matigil na siya.
Naramdaman ko na lamang na tumakbo na ang taxi. Babalik na lang ako sa lugar kung saan ako namulat at lumaki. Walang ibang iisipin kundi ang aking sarili lamang.
Daddy prioritized saving Mr. and Mrs. Villareal because she knows she can take advantage of it. Even though he saw me, he didn't even save me, he just prioritized his own welfare.
Maybe Daddy really doesn't want to see me or even live. My heart hurt so much, I didn't realize that my tears were falling. I immediately wiped it off as Manong driver was looking at the rearview mirror of his taxi.
“Ma’ma, ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot ayoko ko kasing kaawaan ako ng mga tao. Lumaki ako sa isla na mag-isa at ako lang ang bumubuhay sa aking sarili. Lumaking matatag at malakas at handang harapin ang unos ng buhay.
“Kung ano man po ang problemang iyong dinadala ngayon malalampasan mo rin yan. Hindi nagbibigay ng problema ang Panginoon kung alam niyang hindi natin kaya. Kaya ka may problema ngayon dahil alam niya na kakayanin mo ito.” Nanatili lang akong nakatingin sa kalsada.
“Sa ilang taon ko sa mundong ito ni hindi ko tinanong ang Panginoon kung bakit nandito parin ako sa estadon ko ngayon namamasada ng taxi at bakit ko nararanasan lahat ng dinanas ko noong ilang taon na ang lumipas. Iniwan ako ng aking asawa at sumama sa aking kumpare,” Napalingon ako sa kanya pero patuloy lang siya sa pagmamaneho.
“Namatay ang aking dalawang anak dahil sa sunog. Wala ako sa bahay ng mangyari ang sunog dahil nagtatrabaho ako noon para may pambili ng pagkain namin. Pero mapaglaro ang tadhana kinuha silang dalawa sa akin ni hindi man lang nag-iwan kahit isa. Pero alam mo? Hindi ko parin kinikwestyon ang Panginoon sa mga nangyari sa akin. Kaya niya siguro kinuha ang dalawang anghel ko ay para hindi na sila mahihirapan sa kanilang dinadalang sakit. Okay lang sa akin na maghirap ako magdoble kayod ako sa pagtatrabaho para sa dalawa kong anak basta makasama ko sila kakayanin ko lahat.” Mahaba niyang kwento hindi ko alam kong ano ang aking sasabihin.
“Ang palagi kong hinihiling sa kanya ay hindi para sa akin kundi para sa mga taong kahit nanghihina o naghihirap dahil sa mga problema na sana malampasan nila ang lahat ng ‘yon. Dahil ako handa na akong magpahinga para makasama ko ang mga anak ko,” Nakita kong nagpunas ng luha si Manong driver hindi ko lang pinapahalata.
“Nandito na po tayo, Ma'am.” tiningnan ko ang paligid at nandito na nga ako sa lugar na kung saan ako unang namulat at natutong humarap sa hamon ng buhay.
Nagbayad ako may Manong driver bago bumaba at sa aking baba ng taxing ito magbabago ang buhay ko.
Naglakad ako papasok sa mga malaking kahoy at sobrang dilim.“Ma’am,” tawag ni Manong driver sa akin huminto ako at nilingon ko siya.
“Hindi kailangang pigilan ka ng mga balakid. Kung nadapa ka ngayon matuto kang bumangon at huwag sumuko. Bagkos harapin mo ito ng buo mong pagkatao.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay mabilis siyang nagmaneho paalis ng isla.
Naglakad ako ulit papasok sa malaking kahoy tanging liwanag lang ng buwan ang nagsilbi kong ilaw. Nakarating ako sa dulo ng kakahoyan. Buti na lang at mabilis na nakaalis si Manong driver dahil kung hindi maabutan siya sa paglaki ng tubig dagat dahilan para mawala ang kalsada at tanging malalaking puno ang makakita sa harapan at sa likuran naman ay mapuputing buhangin kaya tinawag itong hidden island dahil nawawala ito sa paglaki ng tubig dagat.
Nagtungo ako sa aking pahingahan noon sa kweba na gawa sa bato. Pumasok ako at ang ginawa kong ilaw ay ang aking cellphone humiga ako at pinatay ang ilaw na mula sa cellphone.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa ingay at lakas ng hampas ng alon sa dagat. Bumangon ako para lumabas at makita ang aking paraisong binalikan ko ngayon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinadama ko ang hangin na dumampi sa aking balat. Bagong simula para sa bagong pag-asa. Iminulat ko ang aking mga mata at umupo sa dalampasigan. Wala paring pagbabago ang islang ito maganda parin hanggang ngayon.
Sana hindi na lang ako napunta sa buhay na nagbibigay sakit sa aking puso ngayon. Hindi ko sana mararanasan ang mga ‘to. Hindi sana ako masasaktan ng ganito.
Naisipan kong maligo kaya agad akong naghubad ng damit at tanging suot ko lang ay panty at bra. Pumunta ako sa dagat at lumangoy. Ilang minuto rin akong naligo hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Kaya agad akong umahon sa dagat para maghanap ng aking makakakain.
Naglakad ako papasok sa kakahoyan para maghanap ng prutas. Agad naman akong nakahanap ng puno ng bayabas. Ang daming bunga, malalaki at hinog pa inakyat ko ito. Dinamihan ko na para may kakain ako sa tanghali at halupan.
Nakakita ako ng puno ng saging at may hinog na ito naghanap ako ng matulis na bato para patulin ko ang puno ng saging. Ilang minuto rin akong nakikipaglaban para mapatumba ko ang saging at sa wakas natumba ito at agad kong kinuha ang lahat ng bunga rito.
Bumalik ako sa aking bahay na kweba para ilagay at itago ang mga nakuha kong prutas umupo muna ako sa labas ng kweba dahil sa dami ng aking nakain na prutas.
Naisipan kong gumawa ng matutulugan sa labas ng kweba nagauot muna ako ng aking damit para kumuha ng kahoy at dahon para makapagsimula na ako.
Lumipas ng ilang oras ay tapos ko din gawin ang bahay tulogan ko. Apat na haligi imbis na pako ang aking gagamitin ay baging ng kahoy may isang bintana at may pinto hindi na ako gumawa ng sahig dahil ang ginawa kong sahig ay ang buhangin. Humiga ako para magpahinga naglatag lang ako ng mga dahon sa buhangin na ginawa kong higaan.
Ang sarap ng buhay ko malayo sa mga masasamang tao, sakim na pamilya at kahit ano pang masasamang ugali mayroon sila. Dahil sa napagod ako sa paggawa ng aking matutulugan ay humiga muna ako at nag-iisip ng mga bagay-bagay.
It's very important to remember that family is about love, support, and selflessness. But treating me like this selfishly can harm relationships. I hope they consider my feelings and emotions and they try to find a balance that can benefits for me. I don't know if my family have this kind of support towards me.
Life is a series of lessons, some of which are learned easily, while others are more challenging. There is potential to learn valuable lessons from every situation life brings your way. It can be hard to focus on what you might learn along the way when you find yourself navigating a difficult situation, but it can comforting to remember that is a lesson in there somewhere.
©iKnowImNewbie
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomantizmWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...