CHAPTER 2

6.3K 92 47
                                    

ASHER ISIAH

I saw a bunch of people in the middle of the bridge while traveling to work. When I pulled over, I realized that the girl was being held captive by a terrorist.

Bumaba ako ng aking kotse para makita ang buong pangyayari.

“Papatayin ko ang babaeng ‘to!” Nakatutok sa babae ang kutsilyo.

“Maawa ka sa ‘kin, h’wag mo akong patayin.” pagmamakaawa ng babae sa tulisan.

“Simple lang naman ang gusto ko ang ibigay mo sa ‘kin ang laman ng bag mo,” humanap muna ako ng tyempo kung saan ko mahuhuli ang lalaking to.

Lumapit ako sa mga taong nanunuod sa pangyayari na para bang may shooting na nagaganap. Nang makapalit na ako ay tiningnan ko ng mabuti ang paligid kung saan ako makakahanap ng tamang pagkakataon na mahuli ko s‘yang hindi nasasaktan ang hostage.

“Kayong lahat! Ibigay n‘yo sa ‘kin ang lahat ng inyong pera at likumin n‘yo ito at pumili kayo ng taong maghahatid ng perang nalikom n‘yo.”

Habang abala sa pakikipag–usap ang tulisan sa babaeng hostage ay humanap ako ng tyempo para iligtas ang babae at madakip ang tulisan.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid bago gumawa ng hakbang.

I noticed a car parked just next to them. I immediately run hide there. Tiningnan ko sila muli what the fuck! Is this a prank or not? He is using fake knife tsk!

“Pakawalan mo ang babae,” utos ko at naglakad papalapit sa kanila malayo naman sila sa gilid ng tulay kaya hindi agad ito makakatalon.

“H‘wag kang magtangkang lumapit, papatayin ko ‘tong babaeng to!” Tsk..umakto akong natakot para naman.

Mas lumapit pa ako sa kanilang dalawa at bahagyang ngumiti.

“Anong ningiti–ngiti mo dyan!” Sigaw ng babae sa ‘kin.

Agad kong hinawakan ang kamay ng tulisan nang makalapit ako sa kanilang dalawa, bomuwelo ako at sinipa ang kanyang ulo dahilan para natumba s‘ya at agad ko itong pinusasan.

The man is taken to a nearby police station right away by the cops.

“Maraming salamat po.” I look at her.

“Get in the car,” sabi ko para madala ko s‘ya at ma interview ng pulisya.

“Alien ka po ba?” what the fuck! Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang tanong sa ‘kin.

“W–What did you just say to me?!” Turo ko sa aking sarili at tumaas ang aking boses.

“Alien ka nga talaga,” tumalikod s‘ya at nagsimulang maglakad papalayo.

“Hey! Where are you going!” Tawag ko sa babae. Dahil kailangan pa namin siyang ma–interview.

She didn't pay attention, or perhaps she didn't understand English at all.

“Miss! Saan ka pupunta!” I called her once more. She came to a halt and turned to look at me.

“Ako ba?” tsk! Turo n‘ya sa kanyang sarili.

“Ikaw lang naman ang babaeng naglalakad diba?” pamimilosopo ko sa kanya.

“Malay ko bang may nakikita kang hindi ko nakikita aber!” Amp! Namimilosopo pa talaga!

Agad kong hinawakan ang kamay n‘ya  at isinakay sa aking kotse. Pagpasok ko ay agad kong binuhay ang makina at nagmamaneho papuntang police station.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang hindi s‘ya masulyapan. She has this heart-shaped face, argentine eyes, and kissable lips. Ang morena n‘yang balat at bumagay ito sa kanya.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon