CHAPTER 46

868 18 0
                                    

ASHER ISIAH

Dito na kami dumiritso sa kanilang bahay para naman makapagpahinga ng maayos si Ara. Alam kong wala siyang maayos na tulog dahil binabantayan niya ako. “Honey?” tawag ko sa kanya.

“Hmmm...” tanging sagot niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. “Matulog ka na kailangan mong bawaiin lahat ng lakas na nawala sa’yo dahil sa kakabantay mo sa akin, Hon.” naaawang sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. “Handa akong bantayan ka buong maghapon, Hon.” napangiti ako sa kanyang sinabi. Mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi. “Goodnight.” saad at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pinagmasdan ko siyang natutulog habang sinusuklayan ang kanyang buhok gamit ang aking kamay.

I can't imagine my life without you. Siguro may plano talaga ang diyos kung bakit tayo nagkita at ikinasal. Ara, salamat dahil binigyan mo ako ng rason para maniwala ulit sa pag-ibig. Salamat dahil ikaw 'yung rason kung bakit ako lumalaban noon pero ngayon dalawa na kayong dahilan kung bakit patuloy pa akong lalaban at protektahan kayong dalawa ng anak natin.

Hinalikan ko siya sa noo, bumangon ako para lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. Sa aking paglalakad sa hallway may narinig akong boses sa kwarto ng Mommy ni Ara. Inilapit ko ang aking tainga sa pinto para marinig ko kung sino ang kanyang kausap. Hindi ko masyadong marinig kaya mas idiniin ko pa ang aking tainga sa pinto.

“Arthuro! Sa lahat ng ginawa mo sa anak mo akala mo ba mapapatawad kita ng ganun-ganun na lang?” galit na sabi ni Tita kay Arthuro sa kabilang linya.

Kumunot ang aking noo, hindi talaga ako nagkakamali sa aking hinala kay Tita. Alam kong may kinalaman din siya sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Alfredo. Alam ko rin tama ang aking hinala na may kinalaman siya sa pag-kidnapped ng kanyang nag-iisang anak.

“Bukas na tayo magkita! Nandito si Ara at ang kanyang asawa na si Asher....baka marinig nila ako!” pilit niyang inipit ang kanyang boses para hindi ito marinig. Makalipas ang ilang minuto lumayo ako sa kwarto at bumaba ng hagdan para pumunta sa kusina para makainom ng tubig.

Hindi pa rin mawawala sa isip ko ang kanilang pinag-uusapan kanina. Sana tama ang aking hinala tungkol sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ng mahigpit ang basong hawak ko.

Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang ng kusina at nagtagpo ang aming mga mata. Bahagya siyang nagulat ng makita niya ako agad naman niya itong binawi tsaka ngumiti sa akin. “B-Bat gising ka pa? W-Where's Ara?” nauutal niyang tanong sa akin.

Nilapag ko ang basong hawak ko sa mesa at huminga ng malalim. “Pinatulog ko na kailangan niyang magpahinga para sa anak namin dahil alam kong pagod na siya kakabantay sa akin sa hospital. ’Tsaka nauuhaw din kasi ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Kayo po bakit gising pa kayo?” balik ko ng tanong sa kanya. Diritso ko siyang tiningnan sa mata.

“H-Hindi kasi ako makatulog ng maayos kaya bumaba na rin ako para kumuha ng tubig at dalhin sa harden para roon magpapaantok.” sagot niya ng hindi makatingin sa akin.

Nanginginig ang kanyang kamay habang nilalagyan ng tubig ang kanyang baso. “Ma, nanginginig ka ata, may problema po ba?” nabigla siya sa aking tanong at nabitawan ang pitcher na kanyang hawak.

“May tinatago ka po ba sa amin ni, Ara?” naiangat niya ang kanyang ulo at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat. “Bakit may kailangan ba akong itago sa inyo ng anak ko? At ano naman ang tinatago ko sa inyo?” mabilis nagbago ang ekspresyon kanyang mukha. Imbis na punasan niya ang tubig na nagkalat sa ibabaw ng mesa umalis ito dala-dala ang kanyang basong may lamang tubig.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon