Nagising si Arabella dahil may humahalik sa kanyang labi. Pagmulat niya ng kanyang mata ay bumungad sa kanya ang napakagandang ngiti mula sa napakagwapong nilalang na kaharap niya.
“HONEY!” sigaw niya sa tuwa.
Ang apat na kapatid ni Asher ay natatarantang gumising, bumangon at nag-panic. “ARA! WHAT HAPPEN?” natatarantang tanong ni Alex kay Arabella. “Bro!” sigaw ni Adler at mabilis na lumapit sa kanyang kapatid tsaka niyakap ito. “Aww!” hiyaw ni Asher sa sakit. Agad namang bumitiw sa pagyakap si Adler at ngumiti.
“Alam mo bang pinag-alala mo kami?” walang emosyong tanong ni Alex sa kanya. Tumahimik ang lahat at nakatingin silang lahat kay Alex. Agad namang binawi ni Alex ang kanyang sinabi. “Buti naman gising ka na.” seryosong sabi niya. “Alam ko namang namimiss n’yo ako eh.” ngumingising sabi ni Asher sa kanila.
“Tssss!” tanging tugon ni Alex.
“Bro, umamin ka na kasi na namimiss natin ang ating kapatid.” tiningnan ni Alaric si Alex at pinanlakihan ng mata. “Oo, na namimiss kita.” na pa ‘ahhhh’ naman ang tatlo nilang kapatid. “Aziel, bakit ang tahimik mo ngayon?” tanong ng kanyang kambal sa kanya. Pero hindi ito umimik.
“Hon, kumusta na ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin o ano?” sunod-sunod na tanong ni Ara sa kanya. Ngumisi si Asher habang nakatingin sa kanyang asawa.
“Oo, pwede bang kainin kita?” seryosong tanong ni Asher, napasipol naman si Alaric at Adler dahil sa kalokohan ng kanilang kapatid.
“Alam mo ikaw kahit kakagising mo lang ang dami mong nalalaman!” kinurot ni Ara si Asher sa tagiliran. “Aray! Aray! Aray! Honey, naman hindi mo ata ako namimiss eh.” pagtatampo ni Asher.
“Eh, ikaw kasi kung ano-anong pinagsasabi mo dyan.” malambing na sabi ni Ara sa kanya.
“Kiss mo nga ako, Hon.” ngumunguso ang labi ni Asher. “Pikit ka muna.” agad namang sumunod si Asher sa utos ng kanyang asawa. Pinitik ni Ara ang tainga ni Asher napahiyaw ito sa sakit. “Hindi pa nga ako fully recover sinasaktan mo na naman ako ang brutal mo talaga sa akin.” pagmamaktol ni Asher sa kanyang asawa.
“Ganyan pa ang nagagawa ng ilang linggong tulog ha? Kaya pati utak naapektuhan?” natatawang tanong ni Ara sa kanya. “Pero kiss mo nga ako para mas gumaling pa ako.” nag puppy eyes si Asher sa harap ng kanyang asawa. “Hindi ka ba nahihiya nandito mga kapatid mo.” bulong ni Ara sa kanya tsaka tumingin sa kanyang mga kapatid at sininyasan na umalis.
“Hmm....Ara labas lang kami ha, bibili lang kami ng makakain natin.” ngumingiting sabi ni Adler.
“Ahem! Tayo na mga bro!” tinutulak ni Adler palabas ang kanyang tatlong kapatid. Nang tuluyan na silang nakalabas ay kinuha ni Asher ang kamay ng kanyang asawa. “I miss you so much, Honey!” mahinang usul niya kay Ara.
“Salamat talaga sa Panginoon at gising ka na.” ngumiting sambit ni Ara.
Inayos ni Asher ang kanyang buhok at hinawakan ang kanyang pisngi. Dahan-dahang inilapit ni Asher ang kanyang mukha para halikan ang kanyang asawa sa labi. Biglang bumukas ang pinto at napabalik ng higa si Asher. “Mr. Villareal, buti na lang ay may nakapagsabi sa akin na gising ka na kaya pinuntahan kita agad dito.” sabi ng Doctor pagpasok niya at sinara ang pinto.
Galit na galit siya sa kanyang apat na kapatid dahil sigurado siyang sila ang nagsabi sa doctor. Tiningnan siya ni Ara at natatawa na lang si Ara dahil sa hindi maipinta niyang mukha.
The doctor had been satisfied with her recovery and wanted to make sure that he was completely healthy before letting him go. The doctor asked him to perform a series of tests to make sure if he had been completely healthy enough to go home.
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomanceWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...