CHAPTER 37

992 20 0
                                    

ASHER ISIAH

Sobrang saya ko nung nalaman kong buntis si Arabella at ako ang Ama. Sino bang hindi mabubuntis na maraming beses na naming ginawa para makabuo.

“Tita, aalis na po tayo.” sabi ko kay Tita ng makababa siya ng hagdan. Sa aming bahay kasi kami maghahanpunan at sasabihin ko rin sa aking mga magulang at kapatid ang tungkol sa amin ni Ara.

“Where is Ara?” tanong niya sa akin ng tuluyan na siyang makababa ng hagdanan. “Nasa kwarto pa po niya ata nag-aayos.” sagot ko sa kanyang tanong sa akin. Kanina pa ako palakad-lakad hindi ko alam kong kinakabahan ba ako o excited lang talaga ako para mamaya.

“Asher, will you please stop? Ako ’yung nahihilo sa ginagawa mo. ’Tsaka ganyan talaga ’yan katulad mo ay kinakabahan din ang Daddy ni Ara no’ng mga panahon namin.” Huminto ako at tumingin kay Tita kinakabahan habang nilalaro ang aking dalawang kamay.

“Kinakabahan po ako Tita at the same time masaya dahil magsasama na po kami ng anak mo at dalawa na silang importante sa akin.” Kinakabahan ako na nagpapaliwanag kay Tita.

“Ayan na pala si, Ara.” Napalingon ako sa babaeng pababa ng hagdan na nakasuot ng black fitted dress na humuhulma sa maganda niyang katawan nakasuot ng white pool heel satin sandal na may dalawang inches ang taas. Naka messy bun ang kanyang buhok na mas lalong ikinaganda niya at bagay sa maliit niyang mukha.

Nag slow-mo ang aking mundo ganito nga talaga siguro kapag nakita mo ang babaeng pinakamamahal mo ng higit pa sa iyong buhay. “Honey, kanina pa kita tinatawag.” nagising ang aking diwa ng tuluyan na siyang nasa aking harapan. Napayuko ako sabay kamot ng aking ulo. “Ang ganda mo kasi kaya hindi ko maiwasang hindi matutulala sa’yo.” sabi ko na nakayuko pa rin.

“Masanay ka na sa ganda ng anak ko, Asher. Because one of this days sa’yo na siya at titira na kayo sa iisang bubong.” napangiti ako ng pagkatamis-tamis dahil sa sinabi ni Tita sa amin.

“Yun ay kung papayag ako.” agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Ang gwapo talaga kapag naka poker face.” pinisil niya ang mukha ko hindi ko maitago ang pula sa aking mukha dahil kinikilig talaga ako sa sinabi niya.

“Mukhang puputok na si Asher dahil sa kilig anak.” asar sa akin ng kanyang Mommy. “Ano ba, magtititigan na lang ba kayo dyan? Kanina pa ako nagugutom alas onse na. Alam kong nabubusog ka na dahil sa pagkaing nasa iyong harapan, Asher pero gusto na talaga ako. ” biro ni Tita sa akin kaya napayuko ako at ngumingiti.

“Lets go?” pagyaya ko sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Ara palabas ng mansyon. Pinagbuksan ko sila ng pinto ng kotse pagkatapos ay mabilis akong nagmaneho paalis patungong bahay namin kung saan gaganapin ang lunch ng pamilya ko kasama ang babaeng pinakamamahal ko at ang kanyang ina.

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Mommy at Daddy. “Good afternoon, Mrs. Sanchez.” bati ni Mommy kay Tita Venus at nagbeso-beso silang dalawa.

“Anak, ano bang meron bakit nagpahanda ka ng lunch?” tanong ni Daddy sa akin pero hindi ko siya sinagot dahil agad ko silang niyaya sa dinning area. Hinahanap ko ang aking apat na kapatid. Pero sabi ni Mommy ay nasa dining area na silang apat naghihintay.

“Hey, bro!” bati sa akin ni Adler na kakalabas lang ng hospital nung isang linggo. Nag fist bump naman kami ni Aziel, Alaric at Alex.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon