CHAPTER 49

746 12 0
                                    

Pagdating nila Asher at Arabella sa parking lot biglang tumunog ang cellphone ni Asher. Tiningnan muna niya ito bago sinagot. Nakita niya ang pangalan ni Tito Dennis sa screen. “Hello, Tito. Napatawag po kayo?” bungad na tanong niya sa kanyang Tito sa kabilang linya.

“ANO! KAILAN LANG PO, TITO?!” nagkatinginan silang dalawa ni Arabella nang marinig niya na napasigaw ako.

“Honey?” nag-aalalang tawag ni Arabella sa kanyang asawa. “May nangyari ba?” tanong niya ulit.

“S-Sige.....sige...sige po, Tito. Papunta na po ako,” agad na sagot ni Asher at pinatay ang tawag. Tiningnan niya si Arabella nakatingin ito sa kanya at makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

“Honey, s-sorry..... hindi kita mahahatid ngayon dahil pinatawag ako ni Tito at kailangan niya ako sa Opisina,” paghihingi ng pasensya ni Asher sa kanyang asawa.

“Its okay, Hon. Mag ta-taxi na lang ako,” humulma ng ngiti si Arabella sa kanyang labi. Lumapit siya ng konti sa kanyang asawa at hinalikan niya ito sa labi. Namumula ang mukha ni Asher dahil sa ginawa ng kanyang asawa.

“Promise....babawi ako, Honey....okay? I love you so much,” hinalikan ni Asher si Arabella sa labi.

“Sige na baka hinintay ka na ni Tito, mag-taxi na lang ako para,” pag-uulit na sabi ni Arabella sa kanyang sinabi kanina.

“Sandali lang tawagan ko muna si Adler....ipapasundo kita sa kanya,” kukunin na sana ni Asher ang kanyang cellphone upang tawagan ang kapatid niyang si Adler pero pinigilan siya ng kanyang asawa.

“Honey, h’wag na....ayoko naman makaabala baka may inasikaso ’yung tao,” hinawakan ni Arabella ang dalawang kamay ni Asher para sabihing h’wag itong mag-alala at kaya niya ang kanyang sarili.

“Kung ayaw mo kay, Adler ..... sa iba ko na lang na kapatid baka hindi sila busy.....” hindi mapakali na sabi ni Asher sa kanyang asawa dahil sa buntis din ito at baka bigla silang balikan ni Arthuro.

“Honey....ano ka ba, okay lang ako...huwag kang mag-alala sa akin,” muli niyang binigyan ng matamis na ngiti ang kanyang asawa na si Asher.

“Sigurado ka ha? Tumawag ka agad kapag nasa bahay ka na, Hon,” hindi maiwasang hindi mag-alala si Asher sa kanyang asawa.

“Oo nga...sige na umalis ka na... hinihintay ka na ni Tito Dennis,” hinalikan muna ni Asher si Arabella bago sumakay sa kanyang kotse.

Nakangiting pinagmasdan ni Arabella ang kotse ng kanyang asawa habang papaalis ito. Nakahawak siya sa kanyang tiyan na nakangiti. Naglakad siya palabas ng parking lot para maghanda ng taxi. Nagulat na lamang siya nang may biglang nagtakip ng kanyang bibig. Nawala siya ng Malay agad siyang isinakay sa itim na van.


********

Nang magising si Arabella ay bumungad sa kanya ang maputing paligid. Arabella shivered as the cold steel of the handcuffs dug into her wrists. She had been kidnapped, at alam agad niya kung sino ang nasa likod nito. Sarkastiko itong ngumiti dahil sa pag-kidnapped na naman sa kanya. “MAGPAKITA KA SA AKIN KUNG SINO KA MAN!” sigaw niya sa loob ng silid. Wala itong bintana tanging pinto at mesa lang ang meron sa loob ng kwarto.


Bumukas ang pinto at iniluwa si Arthuro. “Arabella, I must say I am impressed by your strong personality,” he said with a smirk. “But unfortunately for you, you have stumbled upon something that you shouldn't have.” lumapit siya sa kinaroroonan ni Ara.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon