ASHER ISIAH
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng akong cellphone, kinusot-kusot ko ang aking mata bago tumingin kay Ara na katabi kong natulog. Kinuha ko ang aking cellphone para sagutin ang tawag.
“Putang ina! Ang aga-aga mong namumulabog!” I yelled the person who called me. Who wouldn’t be annoyed if someone called you at this hour?
“THE FUCK! ASHER WHERE ARE YOU! KASAMA MO BA SI ARABELLA?” Sigaw ng aking kapatid na si Alaric sa kabilang linya.
“What the heck! Tumawag ka lang ba para itanong sa akin ’yan ha, Alaric?” iritado kong tanong sa kanya. Fuck ang sarap ng tulog ko tapos ito lang pala ang itatanong sa akin.
“No! Dito galing si Mr. Sanchez at hinahanap nila si Ara! Kaya ako tumawag dahil binabalaan nila kami. Kapag hindi mo iuuwi ang kanilang anak sa kanila magkakagulo!” nagising ang aking diwa ng marinig ko ’yon sa kanya. Nilingon ko si Ara na mahimbing na natutulog. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking kamay.
“Hello, Asher! Are you still there? Nasaan ba kayo? Mommy and Daddy are worried about you and Ara.” binaba ko ang tawag at pinatay. Ibalik ko ang cellphone sa mesa at bumangon. Kailangan gumawa ako ng paraan pero paano? Gulong-gulo na ang utak ko.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa terrace para makapag-isip. Hindi ko naman pwedeng itago si Ara dahil pamilya ko ang madidihado sa problemang ginawa ko.
“Bakit gising ka pa?” nagulat ako sa boses na aking narinig mula sa aking likuran napahawak ako sa aking dibdib at nilingon si Ara.
“I can't sleep.” simpleng sagot ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at umupo kaharap ko. Narinig ko ang kanyang malaking buntong hininga.
“Is this because of, Mommy and Daddy?” hindi ako sumagot sa kanyang tanong inilingon ko ang aking ulo sa labas at nilalaro ang aking mga daliri na parang kinakabahan.
Hindi ko alam ang aking gagawin at lalong hindi ko rin alam kong anong sasabihin ko kay Ara.
“Asher, you are not compelled to tell me the truth? I heard everything, Asher. Ang mabuti pa ay uuwi muna tayo mamaya kapag umaga na. Ayaw ko rin kayo madamay dahil dito.” Napalingon ako sa kanyang sinabi sa akin at kumunot ang aking noo.
“Ara, hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Mga magulang ko ang biktima dito! Tapos sabihin mong ayaw mo kaming madamay sa problemang ito? Are you out of your mind?” tumaas na ang aking boses hindi ko kasi mapigilan ang aking sarili dahil sa sinabi ni Ara sa akin.
“Ash, hindi naman sa ganun. Oo, kasalanan ng mga magulang ko lahat pero nasasaktan pa rin ako dahil kahit anong galit ko sa kanila balibaliktarin man ang Mundo ay magulang ko pa rin sila, Ash. Nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan!” tiningnan ko lang siya na walang emosyon habang pinunasan ang kanyang luha.
Pareho kaming hindi nagsasalita. Hindi ko rin alam kong ano ang susunod niyang sasabihin. Tumayo siya at tumingin sa akin.
“Iuwi mo na ako, I need to go home kailangan ako ng aking mga magulang.” Tumalikod siya at lumabas ng rest house.
Gusto ko sana’ng hindi siya iuwi pero baka mas lalo pa kaming mag-away dahil dito. Tumayo ako at pumasok sa loob para kunin ang susi ng aking kotse. Pinatay ko ang mga ilaw at nilocked ang pinto.
BINABASA MO ANG
VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)
RomanceWARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart into pieces. Because of his past experiences, he never believed in love again. All of his doubts ab...