CHAPTER 38

945 15 2
                                    

Nakaupo si Arthuro sa kanyang swivel chair habang nagyoyosi. Ngumingisi na parang si satanas. “Maghanda kayong lahat dahil mamayang gabi susugod tayo sa bahay ng mga Villareal at mga sa Sanchez.” Pinaikot niya ang kanyang upuan para makaharap sa kanyang mga tauhan. Nagkuyom ng kamay at taimtim na nakatingin sa litrato ng kanyang kambal na si Alfredo Sanchez. “Puro na lang ikaw ang pinapaboran ng lahat. Pwes! Ngayong gabi makakasama mo na ang lahat sa kanila.” sabi niya sa kanyang isip at humalakhak ng malakas.

“Ramon, ihanda ang mga armas at mga tauhan na sasama sa atin mamayang gabi.” utos niya kay Ramon na taong kanyang pinagkakatiwalaan. Yumuko si Ramon bago lumabas sa opisina ni Arthuro kasama ang iba pa niyang mga tauhan.

Ang kanyang opisina ay kulay itim na napupuno ng mga iba’t-ibang klase ng baril. Ngayong gabi dadanak ang dugo at maraming mamatay. Matira matibay. Parang dyablong ang tawang bumabalot sa loob ng kanyang opisina.

Nakapamulsa siya habang nakatayo at nakaharap sa iba’t-ibang klase ng armas. May kumatok sa kanyang opisina at pinapapasok niya ito.

“Boss, nabalitaan ko na may malaking pagtitipon ang Villareal at Sanchez sa susunod na araw.” balita sa kanya ni Ramon.

“Mas mabuti para imbis na maging masaya sila sa darating ng kanilang pagtitipon ay mababalot ito ng iyakin dahil sa gulo na gagawin natin mamaya.” nakangising sagot niya kay Ramon na nakatalikod pa rin.

“Boss, kung susugod po tayo mamaya ay hindi tayo sigurado na mapatay silang lahat dahil maraming tauhan ang nakaabang sa bahay ng Villareal ganun din sa bahay ng Sanchez. Mahihirapan tayo sa pagsugod mamayang gabi.” binunot niya ang kanyang baril at humarap kay Ramon tsaka tinutukan niya ito ng baril niyang hawak.

“Sinasabi mo bang mas magaling ka pa sa akin ha, Ramon? Sino ba ang boss mo rito... diba ako?” tanong niya kay Ramon kita sa mukha ni Ramon ang kaba at takot baka mapatay siya ni Arthuro.

“Boss, hindi naman sa ganun mas mainam kasi na kikilos tayo sa mismong kasal ng anak ni Alfredo nasi Asher at anak Anthony nasi Arabella.” dahil sa galit ay naiputok ni Arthuro ang kanyang hawak na baril kay Ramon buti na lang at nadaplisan lang ng bala ang kanyang braso.

Tumalikod ulit si Arthuro at pinalabas si Ramon ng kanyang opisina. Umupo siya sa kanyang swivel chair at malalim ang iniisip. Huminga siya ng malalim.

‘May tama rin si Ramon, paano kung sa mismong kasal ni Asher at Arabella kami susugod. Imbis na reception ang kanilang pupuntahan ay sa lamay sila pupunta lahat.’ 

“Sa ngayon hindi ko muna kayo gugulohin, magpakasaya kayo dahil sa mismong kasal namin kayo susugurin.” umalingawngaw ang malakas na tawa ni Arthuro sa loob ng kanyang opisina. Tila ba’y nasaniban ito ng masamang espirito.

******

“Honey, okay ka lang ba? May nararamdaman ka ba sa katawan mo?” makikita ang lungkot sa mukha at mata ni Asher nang tanungin niya si Arabella.

“Honey, walang masakit sa akin, at isa pa kaya ko naman ang sarili ko.” nginitian siya ni Arabella para hindi mabahala.

“Gusto ko sana na lalabas tayo ngayon pero nag-alala ako sa kung anong gawin ng Tito mo sa atin. Lalo na ngayon ay ikakasal na tayo baka may binabalak na naman siyang masama sa ating lahat.” galit ang tono ng kanyang boses pero hinawakan ni Arabella ang kanyang kamay para pakalmahin.

“Honey, you don't have to worry about nakausap na ni Mommy ang organization na kung saan siya nabibilang para tulungan tayo. ’Tsaka naniniwala ako na magbabayad si Tito Arthuro sa lahat ng kasamaang ginawa niya sa ating lahat.” hinalikan ni Asher ang noo ni Arabella at niyakap.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon