CHAPTER 21

1.6K 27 3
                                    

ASHER ISIAH

When I walked into the office, I was greeted by my comrades, and everyone saluted me.

“Good morning, Sir!” They both said it and I saluted them as well.

“Kumusta kayo dito?” tanong ko sa kanilang lima.

“Okay naman po, Sir. Pero ang lungkot no’ng nawala ka ng ilang buwan.” kahit pa mataas ang posisyon ko kaysa sa kanila ay nakikipaghalubilo parin ako sa kanilang lima.

Nakita kong napatingin si Erick sa aking likuran.  “Oh! Here comes the Police Captain.” When I turned to face the man speaking, It was Tito Dennis and I saluted him as well as my comrades.

“In my office.” Tumalikod siya at naunang maglakad.

“Sandali lang.” sabi ko sa aking mga kasama at sumunod kay Sir Dennis.

Pagpasok ko ng opisina ay naabutan ko siyang nakaupo at nakasandal ang kanyang likod sa swivel chair.

“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, Asher.” bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi sa akin.

“What do you mean, Sir?” Takang tanong ko sa kanya.

“Have a sit.” utos niya sa akin kaya agad ko namang sinunod ito.

He grabbed something from under his desk. He handed the brown envelope to me. Before I opened the envelope he handed me, I looked at him.

“I hope this helps you find justice for your parents.” I didn't look at him because my attention was drawn to the pictures I was holding.

“Nobody knew who she was, and I have a strong suspicion that she murdered your parents.” I clutched the photograph tightly.

“Kailan lang ito nakuhanan ng larawan?” tanong ko kay Sir Dennis.

“Last month,” ikling sagot niya sa akin.

“Paano mo nakuha ang larawang ito?”  tanong ko ulit.

Palagay ko kasi may kinalaman siya sa pagkawala o pagkamatay ng mga magulang ko.

“Pinadala lang yan sa akin batid kong alam nila na malapit ako sa mga magulang ninyo.” paliwanag niya.

Dapat pa ba akong maniwala sa kanya matapos niya akong traydorin. Kumampi pa siya kay Tito Carlos.

“Alam kong mahirap na akong paniwalaan pero Asher, buhay ang mga magulang ninyo.” hindi ko alam kong ano ang aking sasabihin.

“Hindi ko pa matukoy kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Alam kong isa si Mr. Chua dito.” mariin niyang sabi.

Masaya ako dahil may posibilidad na buhay nga ang aming mga magulang base dito sa larawan na hawak ko kahit black and white ay alam kong sila nga ito. Nakaupo sila sa isang garden na parang nag–uusap.

“Asher, tutulong ako sa paghahanap sa inyong mga magulang.” Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin.

“Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo sa lahat ng ginawa mo sa akin at sa amin!” Wala akong pakialam kong mas mataas siya sa akin.

VILLAREAL SERIES 1: Taste of Fusion (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon