Chapter 3:The Bomb

2K 73 9
                                    

Sa Pagpapatuloy...

Matapos ang nakakastress na mission laban sa Vulucva Gang, kanya-kanya namang bakasyon ang Team Vice.

Si Ryan binisita ang pamilya sa Korea. Si Teddy naman at ang kanyang mrs. Nagpunta sa Japan. Habang si Eruption nagpunta ng Mayon at nagpropose sa kanyang jowa. Si Jhong nasa zoo para bisitahin ang mga kamag-anak.Charot!Peace yow!...uhm, walang balita kung saan gumala.

Si Billy, may chick na dinala sa Maldives habang si Vhong naman ay nagpunta ng Hawaii kasama ang kanyang Daddy at mommy.

Si Vice, gusto sanang magtour sa Europe pero isang tawag ang natanggap niya mula sa kanyang daddy Pete.

"Nak, kumusta ka na? Miss na miss na ka na namin ng mommy mo."-Daddy Pete

"Popsie, okay lang po ako. Miss ko na din po kayo. Si Mom, kumusta po?"-Vice

"Nag-e-emote ang mommy nyo nak. Miss na miss na daw kayong dalawa ni Anne. Eh di ba nga, birthday na niya sa susunod na linggo?Sana naman Peter, anak makapunta kayong dalawa."-Daddy Pete

"Vice pops,"pagtatama ni Vice sa ama. Napabuntong hininga na lamang siya. Matagal-tagal na rin naman nang huli siyang bumisita sa kanila.

"Ikaw pa rin si Peter para sa akin at sa mommy mo,wag kang ano dyan,"pagtutol ng daddy niya.

Hindi na nakipagtalo pa si Vice sa daddy niya. Kahit naman ampon lang siya, kahit kelan ay di siya itinuring ng mga ito na iba sa kanila kaya naman ganun na lamang kalaki ang pagmamahal at pagtanaw nya ng utang na loob sa mga ito. Pero ayaw niya nang gamitin ang pangalang Peter Jackstone para na rin sa kaligtasan ng pamilyang nagmamahal sa kanya. Ayaw niyang madawit pa ang pangalang yun sa kung anuman ang pinasok niya. Isa pa,alam naman niyang ang pangalang yun ay pangalan ng nawawalang anak ng mommy at daddy niya kaya ayaw nya itong mabahiran nang anumang dungis at issue.

Sa huli, napagkasunduan nila ni Mr. Jackstone,dad niya, na uuwi siya para birthday ng mommy niya at bilang regalo,sisikapin nyang mapauwi ang kapatid na kasalukuyang nasa Miami. Kaagad niya itong tinawagan.

//

Madilim na nang matapos ang huling meeting ni K with a new client. Isang envelope ang iniabot sa kanya ng guwardiya mula sa isang taong hindi nagpakilala.

"Kanino daw po galing?" usisa ni K.

"Eh Atty., hindi po nagpakilala eh," kamot-ulong tugon nito.

Nahihiwagaan man sa laman ng brown envelope, inuwi na lamang niya ito, sa pag-aakalang ito yung mga dokumentong ipinakuha niya sa isang kaibigan. Mukhang mga papel lang naman ang laman nito. Kaya isinuksok na lamang niya ito sa iba pang dokumentong bitbit niya.

Ramdam niya ang pagod sa maghapong trabaho. Pagdating niya sa bahay, nagpahinga siya nang bahagya at pagkatapos ay nagpasyang magbabad sa bathtub nang sa gayon ay maibsan nang bahagya ang kanyang stress.

Kanina pa siya nababalisa. Hindi niya din matukoy kung bakit gayon ang kanyang nararamdaman. Pasulyap-sulya siya sa orasan. Mag-aalas-nuwebe na.

"Ang tagal naman niyang tumawag ngayon," sa isip niya. Napabuntong hininga na lamang siya. Siguro nga'y dala lamang ng pagka-miss niya sa lalaking pinakamahalaga sa buhay niya kaya siya nagkakaganito.

Ringggg!Rinnnggg!Ringggg!
(Ano pa nga ba?Eh di may nagring.)

Ang pagod sa kanyang mukha ay agad na napalitan ng ngiti ng mag-ring ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha upang sagutin.

"Hello honey, good morning!"-K

"Aww!How's your sleep?"-K

"I missed you more baby. Hey! Don't be sad na. 7 more days na lang magkakasama na tayo ulit.Cheer up."-K

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon