Chapter 16: I SHIP VICERYLLE

1.8K 70 13
                                    

Ang Nakaraan...

"A-ano hong ginagawa ni Gonzales sa loob?"-Vice

"Nandyan na pala siya?Tignan mo nga naman,professional talaga ang batang yan. She always comes on time,"sabi ng heneral.

"Pe-pero sir--" angal ni Vice.

"Oh baket? Sabi ko naman saiyo di ba? Hahanapan kita ng kapalit. Uhm, si agent Gonzales lang ang available na agent na pwede kong pagtiwalaan eh. Tara sa loob," yaya ng Gen. Atenzion. Pinagpag ang dahon sa balikat ni Vice bago muling sumakay sa kanyang sasakyan.

"Pe-pero General--"

"Halika na. I need to talk to K. Ikaw, sama ka?"

"Si-sige ho. Una ka na," kamot-ulong sagot ni Vice.

Nag-wave naman ang heneral at sumaludo pa na parang nang-iinis bago tuluyang isara ang bintana ng kanyang sasakyan.

Napa-facepalm naman si Vice at napangiwi na lamang sa sakit. Hinipan niyang muli ang kanyang hintuturo at napahagod na lamang sa kanyang balakang.

"F#ck!"bulong niya. Napailing na lamang siya nang makita ang butas na laylayan ng kanyang muscle shirt.

Iika-ika siyang naglakad papalayo habang pasulyap-sulyap sa nabaling sanga ng punong pinanggalingan niya. Iniinda pa rin niya ang sakit ng balakang mula sa pagkakahulog.

Pagsakay niya sa kanyang motorsiklo, tinignan niya ang sarili sa salamin. Napailing na lamang siya nang makitang may mga natira pa palang dahon sa buhok niya.

Halatang kulang ang tulog niya,sa laki ng eyebags niya. Isinuot niya ang kanyang aviator shades at saka humarurot na palayo.

Sa Pagpapatuloy...

Maaga pa'y nagmumukmok na sa may terrace si Karl. Matamlay niyang pinaglalaruan ang kanyang Barbie doll.Joke!...toy car pala, habang nakapout at nakatanaw sa may guard house.

Napabuntong-hininga na lamang si Karylle habang palihim na pinagmamasdan ang anak at inaayos ang kanyang mga dalahin.

Ilang araw nang ganito si Karl. Kapansin-pansin ang kanyang pagiging matamlay at pagiging bugnutin. Tila wala itong kagana-gana sa mga bagay-bagay.

Ilang araw na ding hindi nagpapakita si Vice. Mula nang dumating si Alex, siya na ang nagpatuloy sa trabahong iniwan niya.

"Di man lang ako nainform na di na din siya bodyguard. Hmp! Mabuti na din yun. Bad influence siya sa anak ko,"sa isip ni K.

Napabuntong hininga na lamang si K nang sumagi sa isip si Vice. "Bakit nga ba siya bumalik? Bakit niya ba kami tinutulungan? Bakit niya kami iniligtas? Bakit pa siya nagpakita? Ganun na lang yun? Basta na lang siyang susulpot, mangingialam sa buhay namin? Noon para siyang bula, bigla na lang naglaho. Wala man lang siyang balls na aminin sa akin ang kataksilan niya. Ngayon naman, para siyang ingrown, bigla na lamang sumusulpot, ang hirap pang i-remove,"sa isip niya. Hindi niya alam kung anong dapat isipin sa mga nangyayari ngayon. Kung siya ang tatanungin,wala siyang tiwala kay Vice, hindi niya kayang magtiwala sa kanya. Hindi din niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang pagtitiwala ng kanyang mga ninong sa binata pero wala naman siyang magawa. Hindi naman niya ito basta-basta masisipa sa trabaho nang walang sapat na dahilan.

Mas okay naman talaga mag-alaga si Alex sa totoo lang. Maalaga, masipag at mahaba ang pasensya ng dalaga. Alam niya ang mga dapat at hindi dapat gawin sa bata at di na kailangan pang i-remind ng kanyang schedule. Pero hindi nga lang siya masyadong bet ni bagets.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon