Chapter 8: Ansabe?

1.2K 71 16
                                    

Ang Nakaraan...

Pagdating sa tapat ng isang saradong tindahan, pagkaliko nila sa may kanto, akmang puputukan na siya ng isa sa mga lalaki nang isang matuling motorsiklo ang umararo sa kanila.

Nagpulasan ang mga goons at nakailag. Agad namang pinaharurot ng lalaking nakahelmet ang motor palapit kay K.

Walang tanong-tanong at agad siya nitong hinila at isinakay sa likod niya.

Maya-maya pa'y isang itim na sasakyan ang humaharurot na dumating at agad silang pinaulanan ng bala.

"OH MY GOSH!Katapusan ko na ba?Karrrlll!"sa isip ni K.

Sa Pagpapatuloy...

"Kapit!"sigaw ng lalaki at ipinulupot nito ang kamay ni K sa kanyang bewang.

Mabilis nitong pinaharurot ang motorsiklo. Habang nakasunod pa rin ang itim na sasakyan.

Halos mawala naman sa sarili si Karylle na mahigpit na nakayakap sa sa lalake. Buong akala niya'y katapusan na niya. Walang patid ang dasal niya.

"Si Karl. Para kay Karl. Kailangan ako ni Karl. Lord, wag po muna," ang tanging tumatakbo sa isip nya.

Halos di na niya makita ang daan sa sobrang bilis ng takbo nila. Sumisingit sa naglalakihang truck, nagtutulinang mga kotse at nag-uunahang mga bus. At pagkatapos ay sumuot sila sa isang makipot na eskinita.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang buong akala niya'y nakalayo na sila. Hindi niya namalayang she's been holding her breath nang ganun katagal na para bang wala nang hangin sa baga niya.

Maya-maya pa'y bumungad na naman sa kanila ang sasakyang humahabol sa kanila sa isang kanto. Muli silang pinaulanan nang bala ngunit pinagewang-gewang ng mama ang motor upang makailag.

Nanlaki ang mata ni K. It appears na parang babangga na sila sa nakahambalang na kotse na patuloy sa pagbaril sa kanila. Napanganga siya nang parang kidlat nilang nalusutan ang maliit na espasyo at nilagpasan ang sasakyan ng mga goons.

Tulala siyang nakatingin sa mga ito. Nakanganga at hindi makapaniwalang buhay silang nakaalpas sa mga masasamang-loob. Pakiramdam niya mahihimatay na siya. Halos lumabas na sa ribcage niya ang kanyang puso at halos takasan na siya ng hininga.

Hindi pa man siya nakakahinga ng maayos, mabilis na nagmaniobra ang kalaban at mabilis silang hinabol. Sunod-sunod ang mga putok habang mala-ahas nilang binaybay ang kalsada.

Napalingon siya sa sunod-sunod pa ring mga putok pero this time hindi na sila ang pinuputukan kundi ang kotseng humahabol sa kanila.

May dalawang matutuling motorsiklo ang sumasagabay sa kotse at pinuputukan sila. Ilang sandali pa at nakita niyang sumabog ang sasakyan.

Ngunit hindi pa tapos ang problema. Sa isang kanto sa direksyong pinatutunguhan nila, nakaabang ang isa pang sasakyang lulan ang ilang armadong kalalakihan at tinambangan sila. Bukod dito, may pito pang lalaking nakamotor na mukhang masama din ang balak.

Mabilis na pumreno ang umaangkas sa kanya at pa-slide na lumiko sa ibang direksyon. "Kapit!"order nito kay K na sumunod na lamang. Mahigpit siyang nakayakap sa bewang nito habang malakidlat na humarurot sila palayo.

Ngunit hindi nagtagal at agad nakasunod ang mga goons. Good thing nakasunod din ang tumulong sa kanilang dalawang motor kanina at habang pinauulanan sila ng bala, gumaganti naman ng putok ang mga ito.

Nakaiwas sila sa humahabol na sasakyan nang iliko ng mama ang motor sa isang makipot na daan pababa sa isang hagdan. Halos tumilapon si K. Mabuti na lamang at mahigpit siyang nakayakap sa lalaki. Para siyang tukong nakadikit sa likod nito, hindi na niya iniisip kung sino ang mamang niyayapos niya.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon