Ang Nakaraan...
Sa Pagpapatuloy...
Si Vice yung tinamaan,ang humila kay Karylle.Geh bye.
:(((((((((((
Hindi ko pa din alam kung anong nangyari sa part na to at nabura ang karugtong. Sa mga di na nabasa pa yung part na to, sorry po talaga. Aayusin ko po pag may time. Tysm.😘😪
>>>
(Di ko na maalala ang detalye nung naburang part but susubukan kung punan yung nawawalang bahagi. Here it is! 6/21/16)
Ang Nakaraan...
Kahit kabado,ipinagpatuloy ni K ang paghagilap sa lalake sa pag-asang naroon lang ito sa paligid. Binilisan niya pa ang paglalakad at binaybay ang makipot na eskinita. Lihim siyang napapadasal na wag sana siyang hayaang mapahamak ng Diyos.
Walang ano-ano'y may humila sa kanya sa isang sulok. Mahigpit siya nitong hinawakan sa kanyang kaliwang wrist at hinila sa isang tabi. Inipit siya nito sa pader. Akmang sisigaw na siya ngunit mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig. Nanlaki na lamang ang mata ni K nang magkaharap sila.
Isang putok ang pumailanlang at nakita na lamang niya ang pag-agas ng dugo mula sa braso ng lalakeng gumagapos sa kanya.
Sa Pagpapatuloy...
Isang impit na sigaw ang pinawalan ni Karylle. Nanlaki ang kanyang mata sa kanyang nasaksihan. Sa bilis ng mga pangyayari, waring nalunun niya ang bahagi ng kanyang dila.
Oo si Vice nga yun. Hindi niya mawari kung paano siya nito nasundan ngunit,somehow, ipinagpapasalamat niya ang biglaang pagsulpot nito dahil kung hindi'y siguradong sapul na sapul siya ng balang iyon.
Samantala, habang tila natuod at wala sa sarili si Karylle, si Vice naman ay naging simbilis ng kidlat kung kumilos sa kabila ng tinamo nitong tama. Daig niya pa ang nagwawalang kabayo sa liksi nitong kumilos.
Mabilis niyang nahila si Karylle painbabaw sa kanya at bahagya silang nagpagulong-gulong. Pagkatapos ay mabilis itong bumangon at walang kisap-matang gumanti ng putok na kagyat na nagpatumba sa kalaban.
Mabilis din niyang naibangon si Karylle at hinila patakbong palayo sa mga humahabol na kalaban sa di kalayuan.
Maya-maya pa'y dumagundong ang andar ng mga sasakyan at mga motorsiklong pahabol sa kanilang direksyon.
Halos takasan ng ulirat si Karylle nang mapagtanto ang kanilang sitwasyon ngayon. Kung susumahin, dehadong-dehado sila at halos imposibleng makalusot pa sila.
Sa loob-loob ni Karylle, taimtim siyang napadasal para sa kanilang kaligtasan. Si Karl...si Karl ang tanging laman ng isip niya sa kasakuyan. Paano na si Karl kung mamamatay sila sa islang ito?
Sa kabilang banda, tila walang nerbyos namang nakipagpalitan ng putok si Vice. Walang patumangga niyang pinatutumba bawat papalapit na kalaban habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa kamay ni Karylle.
Hila-hila niya ang dalaga patakbo. Buong loob niya itong pinrotektahan que sehodang iharang niya ang sarili sa mga balang nagliliparan.
Ilang sandali pa at isang grupo pa ng mga kalaban ang dumating;mabuti na lamang at nakasingit sila sa isang sulok at nakapag-cover. Halos gumuho ang pader sa sunod-sunod na tama ng mga balang tila umuulan at hindi din magkarinigan sa lakas ng mga putok at ugong ng mga motor na pilit silang pinalilibutan.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William