Ang Nakaraan...
"Baka may gusto kang tawagan,"ani Vice sabay abot sa phone nito. "Magbibihis lang ako."
Tumango lamang si Karylle at inabot ang telepono. This time,di na siya nagpatumpik-tumpik pa at tinawagan agad ang pinakaimportanteng lalake sa buhay niya.
Sa Pagpapatuloy...
"Pinatawagan ko na kay Jugs yung boy...si Angelo. Baka sunduin ka na din niya mamaya,"dagdag ni Vice.
Agad siyang nagtungo sa kwarto upang magbihis at hinayaan na si Karylle na tawagan ang mga taong gusto nitong makausap.
Habang nagbibihis ay di mawala sa isip niya si Karylle. "Ugh!Tama na Vice. Hindi ka pwedeng ganyan,"usal nya sa sarili habang nakatingin sa reflection niya sa salamin.
"Hayy!Tama lang siguro yun. Dapat sunduin na lang siya ng tukmol na yun bago pa kung ano-ano ang makalkal niya.Ang kulit talaga ng kulot na yun eh.Daig pa ang NBI."sa isip niya at kasabay nun ay napabuntong-hininga na lamang siya.
Pagkatapos ay agad din naman siyang lumabas ng kwarto. Di man sinasadya ay naulinigan niya ang sinasabi ni Karylle sa kausap nito sa telepono.
"Yes honey. Don't worry. I'm perfectly fine."
"Aww!You're so sweet. I missed you too soo much!"
"Opo. I love you too."
Dinig niyang sabi ni Karylle sa kausap. Hindi niya mawari kung bakit pero nakaramdam siya nang bahagyang pagkainis.
"Tsk!Muntik nang mamatay nakuha pang...gumanyan,"iiling-iling at naiinis niyang bulong. Iniisip niyang tama ang hinala niya;yung lalaking yun ang unang tatawagan ng dalaga.
Di na siya umimik. Kumuha siya ng jacket at nagpasyang umalis. Gusto niyang bigyan ng privacy si Karylle.
"Ah,K-Karylle!"tawag niya sa dalaga,pagdating niya sa may pintuan. "Labas lang ako.May kakausapin akong mga tao. Kung kelangan mo ako...ng tulong, nandyan ang number ko sa speed dial," aniya na di man lang nilingon si K. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas at pabagsak na isinara ang pinto.
Halos mapatalon naman si Karylle sa gulat. Hindi na niya nagawa pang makasagot at tuluyan na siyang iniwan ng binata. Kunot-noo na lamang siyang napatingin sa pinto.
"Mom?Is Chief with you?"tanong bigla ng kausap niya.
"Uhm-ah,yes baby. He saved me ," napakagat-labi si Karylle,"again,"pabulong niyang dagdag.
"Really?I knew it. Di na ako mag-aalala Ma. I know he will take good care of you. Can I talk to him?"
"Uhm,honey,lumabas na siya eh. May gagawin yatang importante,"ani K. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng anak sa kabilang linya.
//
Samantala, kinausap agad ni Vice ang kanyang mga koneksyon. Kailangan nila ng seguridad at kailangang malinis ang mga naganap kanina bago pa pagkaguluhan ng media.
Nang maayos niya ang lahat, naalala na naman niya ang mga nangyari sa kanila ni Karylle;yung kanilang pag-uusap;yung narinig niyang sinasabi nito sa telepono.
Napagtanto niyang mahal na mahal nga ni Karylle ang nobyo nito. "Inuna pa nga niya kesa sa anak niya eh,"sa isip niya.
"Ang gulo mo kase. Ano bang ini-expect mo!?"singhal niya sa sarili. "Umayos ka!"
Dahil ayaw niya munang kaharapin ang dalaga,nagpasya siyang bisitahin ang isang kaibigan. "Safe naman siya dun sa hotel,"sa isip niya.
Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang kaibigan. Pagkatapos alamin kung nasaan ito,agad siyang gumayak at nagtungo sa tabing-dagat na kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William