Chapter 12: Yaya Vice

1.5K 78 19
                                    

Ang Nakaraan....

Napalingon si Vice nang maulinigan ang mga footsteps pababa sa hagdan. Natameme siya nang makita si K. Tulad nang dati, para itong isang anghel, napakaganda, walang kupas.

Napayuko naman siya at napaiwas nang tingin nang magtama ang kanilang paningin. Nakasimangot ang dalaga na matalim siyang tinitigan habang palapit ito nang palapit. Pakiramdam niya'y para siyang yelong ibinilad sa matinding sikat ng araw.

Sa Pagpapatuloy...

Bago umalis ang mga heneral kasama si K, ipinakilala muna si Vice sa bago nyang alaga.

Inabutan nila itong nanonood ng TV at nakapangalumbaba. Halatang bored na ito.

"Chief!?" agad na nagliwanag ang mukha ni Karl nang makita si Vice. "You're here!"mabilis itong tumayo,lumapit kay Vice at yumakap sa bewang nito.

Kunot-noo namang nakamasid si K sa dalawa habang ang dalawang heneral at nakangiti. Lihim silang nagdiriwang na mukhang lulusot naman ang kanilang plano smoothly dahil gusto din ni Karl si Vice. Napairap na lamang si K sa nakita.

"You came!"he exclaimed na para bang hinihintay niya nga pagdating ni Vice. "But where is ate Dyosa?Is she with you?" ani Karl na may malaking ngiti sa labi. Bored na bored na siya kanina pa at akala niya'y dinadalaw siya ni Vice. Akala nya din at kasama nito ang kanyang magandang kapatid.

Kinuha naman siya ni Karylle at masinsinang kinausap. Sinabi nito na si Vice ang papalit kay Yaya Bonel and at the same time ito ang magiging bodyguard niya. "Okay lang ba saiyo yun baby?"tanong nito. Lihim siyang humihiling na sana hindi pero mukhang fail dahil halatang bet na bet pa nga ito ni bagets eh,kaya mukhang malabo itong humindi.

"Yes!Perfect. Chief and I are friends so no problem," kibit-balikat nitong sagot at sabay nginitian si Vice nang pagkatamis-tamis.

Ngumiti din si Vice at ilang na sinulyapan si K na napabuntong hininga na lamang. Inirapan nito si Vice at kasabay nun ay muling pinaharap sa kanya si Karl.

Nagpaalam ito na may mahalaga silang pupuntahan kaya maiiwan muna siya kina Vice.

Taliwas sa inaasahan ni K na hindi siya papayagan ng anak na umalis, mukhang naexcite pa ito sa narinig.

//

Sa umpisa ay hindi naging madali kay Vice ang bagong trabaho. Aminado siyang wala siyang experience sa ganitong trabaho at nangangapa talaga siya sa mga dapat at hindi dapat gawin. Gayunpaman, kabado niyang hinarap ang bagong responsibilidad.

"Basta brad, hindi naman masasaktan, magkakasakit or iiyak,ayos lang siguro. Ang mahalaga safe siya di ba?"payo ng kaibigang si Billy na sinunod na lamang niya.

Ginamit niya ang charm at diskarte nya para mapagaan ang trbaho. Napakinabangan nya ang kagwapuhan niya sa mga yaya at sa bading na chef na halos nag-uunahan para tulungan siya. Nariyan din palagi ang kanyang team para tulungan siya.

Bet na bet siya ng bata, paano kasi, ibinibigay niya ang lahat ng hilig nito at
masaya naman si Karl sa pagsunod-sunod sa kanya. Ginagaya niya ang mga ginagawa ni Vice pati mga mannerisms nito, na minsan ay kinaiinisan ng huli pero minsan ay natatawa na lang din siya sa bata.

Kung ano-ano ang nilaro nila maghapon. Bigay-hilig din kase itong team Vice na parang nakatagpo ng bagong laruan.

Kinagabihan, pinaliguan ni Vice si Karl. Nakangiting siyang tinitigan ni Karl habang tinutulungan niya itong magsabon.

Ang totoo, kaya naman na ni Karl na maligo mag-isa. Ayaw na ayaw nga niyang sinasamahan siya ng kanyang yaya sa banyo kase big boy na daw siya.

"Oh!Makatingin ka brad ah. Ma-mali ba?" puna ni Vice. Akala niya'y natatawa si Karl dahil mali ang mga ginagawa niya.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon