Ang Nakaraan...
"Bwhwhwhwhwhwha!" malademonyong tawanan ng mga goons sa helicopter.
"Wohoooohooo!"sigaw ng isa pa habang dumadaan sila sa ibabaw ng usok na likha ng pagsabog. May ngiting tagumpay na inayos nito ang kanyang suot na headset at nagsalita,"Mission accomplished Bossing."
Sa Pagpapatuloy...
Madaling araw na nga at di pa rin dinadalaw ng antok si Karylle. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba; idagdag mo pa ang isyu nilang dalawa ni Vice.
Bumangon siya at bumuntong hininga. Naisipan niyang puntahan na lamang sa silid nito si Karl. Kinuha niya ang kanyang roba at agad na lumabas.
Inabutan niyang mahimbing na natutulog si Karl. Tumabi siya sa pagkakahiga nito at maingat itong hinagkan sa kanyang noo.
Tahimik niyang pinagmasdan ang natutulog na anak. Kinuha nito ang kanyang kamay at idinantay sa kanyang pisngi.
Si Karl... Si Karl ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya sa kabila ng lahat. Kahit anupaman ang kanyang pinagdaanan at inabot na panghuhusga mula sa mga tao dahil sa pagdating nito...still, siya pa rin para sa kanya ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa kanya.
Hindi naging madali. Kailan ba naging madali ang maging single mom?
Maliban sa naging maselan ang pagdadalang-tao niya ay katakot-takot na panghuhusga pa ang inabot niya.
Mahirap ang magbuntis. Mahirap ang magbuntis ng mag-isa. At ang lalong nagpapahirap sa mga single mom ay ang panghuhusga ng mga taong nasa paligid nila. Umabot pa sa puntong kinailangan niyang lumayo para lang makaiwas sa mga taong matatabil ang dila at mapanghusga lalo pa't kilalang politiko ang kanyang ama.
Yan ang mahirap sa mga tao eh, napakagaling pumuna ng iba. Akala mo ay kung sinong mga perpekto; akala mo ay kung sinong walang bahid.
Tumira siya sa America ng mag-isa. Malungkot ang malayo sa kanyang ama lalo pa't alam niyang galit ito sa kanya. Higit na malungkot ang pag-iisa lalo na't alam mong tinalikuran ka na lamang basta-basta ng taong dapat sana'y katuwang mo sa pagharap ng buhay bilang bagong ina.
Wala siyang makapitan noon. Durog na durog na siya. Kung di lamang sa anak na nasa sinapupunan niya, marahil ay sinukuan na niya ang buhay. Paano ba mabuhay na parang patay?Mabuhay nang wala ang taong itinuring mong buhay mo?
Hindi niya alam kung paano niya nalagpasan ang bawat araw;ang bawat umaga at gabing parang isang mabigat na krus;isang nagbabagang dagat na kailangan niyang tawirin. Ang buhay na mag-isa;nang wala ang ama ng anak niya; was a hell na kailangan niyang harapin at araw-araw na bagtasin para lang sa buhay na dala-dala niya.
Hindi niya namalayang umaagos na naman ang mga luha niya habang inaalala ang masasakit na sandaling hinarap niya.
Tuluyan na siyang napahagulgol nang maalala ang araw na muntikan nang mawala si Karl sa kanya. Paano niya malilimutan ang araw na yun? Buong akala niya'y katapusan na niya...at higit sa lahat, ang akala niya'y mawawala na sa kanya si Karl bago pa man niya ito maisilang.
Laking pasasalamat niya dahil may mga tao pa ring handang tumulong at umalalay sa kanya. Marunong talaga ang Diyos.
Napabuntong hininga siya. Si Karl at ang kanyang nakaraan...
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William