Ang Nakaraan...
"I hate to say this but mapipilitan akong ipatupad ang batas. Mamili ka, tulong o kulong?" tanong ni heneral Atenzion.
Sa Pagpapatuloy...
"Urrgh!"haloyhoy (groan daw yan in tagalog sabi ni J.Basta.Wag kayong ano dyan)ni Vice matapos ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang telepono. Pilit niyang imunulat ang isang mata at gumapang sa kama upang abutin ang cellphone nya. Pero tila ayaw makisama maging ang mga kalamnan niya. Bumagsak lang ang braso niya.
Matapos nyang magmuni-muni sa park,sa bar siya dumiretso. Napadami nang husto ang nano niya.Ni hindi niya maalala kung paano siya nakauwi.
Sinikap niyang sipatin ang alarm clock. "It's fucking 5:17 in the morning!Sinong p*tang ina ang tumatawag ng ganitong oras?"sa isip niya.
Ang bawat ring ng kanyang cellphone ay parang isang matinis na tinig na nagpapalala sa sakit ng ulo niyang parang binabarena. Wala na siyang nagawa kundi ang sikaping abutin at sagutin ang tawag.
"Hello?"bungad niya sa kausap habang mariing nakapikit. Nasisilaw siya sa liwanag. Ni hindi na niya tinignan kong sino ang tumatawag.
"Magandang buhay Chief,"ani Jugs sa kabilang linya.
"This better be important kung hindi may mawawalan ng buhay," pagbabanta ni Vice. Parang binibiyak sa sakit ang ulo niya at ang tanging gusto niya ngayon ay makatulog.
"Ryan kase eh," dinig niya ang pagtuturuan ng dalawa sa kabilang linya.
"It's fucking 5AM.Ano ba yun?" inis na sabi ni Vice.
"Ah kase Chief,si Ryan kase eh,"panimula ni Jugs. Napakunot naman ang noo ni Vice at kinutuban sa narinig. Napaayos siya nang upo at ni-rub ang kanyang mga mata.
"May nasagap kasing information si Ryan sa isang secured site. May pinapaligpit ang isang malaking sindikato.Malaking halaga ang involved,"pagbabalita ni Jugs.
Naparoll naman ng mata si Vice sa narinig. Wala siyang paki sa pera ngayon. Tulog ang kailangan niya."Oh, eh ano naman?"walang gana niyang tanong.
"Mukhang napalaban ka kagabi ah,"puna ni Jugs. Halatang may hangover pa nga siya.
"F#CK OFF!Anong tungkol sa target?Civilian ba?Di ba graduate na tayo sa mga ganyan?"-Vice
Dati quasi tumatanggap din sila ng mga ganung raket depende kung sino ang pinaliligpit lalo na kung masasamang tao din naman. Mas mabuti na yung mailigpit nang maaga kesa madami pang mabiktima.
"Oo.Pero hindi yun Chief.Magugulat ka kung sino.Malaking halaga ang pabuya at mas magugulat ka kung sino ang nagpatong ng presyo,"-Jugs
"Ah talaga ba?Sino?Magkano ba ang ulo nyan?"-Vice
"Ganun kalaki?Sino yan?"ani Vice nang sabihin ni Jugs kung magkano.
"Si Atty. Karylle Tatlonghari. Sinend na ni Ryan yung mga detalye sayo. Tignan mo na lang sa iPad mo," ani Jugs kasabay ng isang buntong hininga. "Actually, Chief kahapon ka pa namin kino-contact tungkol dyan pero hindi ka sumasagot."
Hindi na nagsalita si Vice at agad pilit inabot ang iPad niya. He squinted his eyes at pilit pinaglabanan ang sakit na dulot ng liwanag.
Pagbukas niya ng file na pinadala ni Ryan, bumungad sa kanya ang larawan ni Karylle.
Tila nakalimutan niya ang hangover niya. Nanlaki ang mga mata niya. Tumigil ang ikot ng mundo niya and his heart started to beat rapidly. Adrenaline? Sanay na siya sa ganun. Di na niya mabilang kung ilang misyon nila ang naglagay sa kanya sa panganib. Kung makailang ulit siyang nalagay sa bingit ng kamatayan. Pero walang-wala ang mga naramdaman nya noon sa nararamdaman niya ngayon. Iba ito ngayon.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William