Chapter 34: Mission Accomplished

1.2K 61 21
                                    

Ang Nakaraan....

Dahil sa takot, nanginginig na nagkwento si Teddy na nakatulog nga daw sila dahil magdamag silang nagbantay. Pagkagising nila'y wala na ang mag-ina kasama si Alex. Nakita na lamang nila ang sulat sa mesa na umalis ang mga ito upang magpunta sa mall kasama si Angelito.

Inagaw ni Vice ang sulat at hindi na pinatapos sina Jugs at Teddy sa pagpapaliwanag.

"Mag-uusap tayo mamaya,"may pagbabantang sabi ni Vice bago tumalikod.

Pagkabasa niya nang liham, mabilis siyang umalis at agad tinawagan si Alex.

Napaakbay na lamang sina Jugs at Teddy sa isa't-isa at nagkatinginan. Siguradong malalagot sila kay Vice;wag lang sanang malagay sa kapahamakan ang mag-ina dahil baka balatan sila nito nang buhay.

"Brad,"-Jugs

"Brad,"-Teddy

Malungkot na nakatanaw ang dalawa sa gate na halos maiiyak na. Tahimik silang napadasal para sa kaligtasan ng mag-ina at higit sa lahat,kaligtasan nilang dalawa sa kamay ni Vice pag nagkataon.

Sa Pagpapatuloy...

Agad na tinawagan ni Vice si Alex. Ring nang ring lang ang linya pero hindi naman ito sumasagot.

Lingid sa kaalaman ni Vice, ayaw ni Karylle ipasagot ang tawag niya. Nang mabanggit ni Alex na si Vice ang tumatawag, ipinag-utos niyang wag nang pansinin at hayaan na lamang ito. Ayaw rin niyang ipaalam sa team Vice ang kinaroroonan nila. Anim ang bitbit na bodyguard ni Angelito na nakabuntot sa kanila at may sampu pang nakaabang sa parking area;sapat na diumano para mabantayan sila.

Hindi malaman ni Alex ang kanyang gagawin tuwing magriring ang kanyang phone. Di mapakali si Alex at namamawis na ang kanyang kilikili. Paano kung importante ang tawag?Paano kung may threat sa buhay ng mag-ina?Pero paano niya din magagawang sagutin kung kada tunog nang phone niya,nililingon siya ni K at sinisenyasang wag sasagutin.

Sigurado si K na susundan sila ni Vice lalo't alam niyang nagpatangay siya kay Angelito nang di nagpapaalam ng maayos sa security team niya.

Ang totoo'y hindi pa siya handang harapin ang binata. Matapos ang ginawa nito noong nagdaang araw, nangangamba siyang baka kung ano na naman ang gawin nito. Ayaw niyang masira ang araw na ito. Gusto niya lang mapasaya si Karl at gayun na din si Angelito.

Sa ngayon gusto muna ni Karylle kalimutan ang lahat ng problema kahit sandali lalong-lalo na si Vice at kung anumang namagitan sa kanila noon at ngayon.

Hindi naman papapigil si Vice. He figured na baka ayaw talaga ipasabi ni K kung nasan sila at malamang ay pinipigilan nito si Alex.

Lalong nag-init ang ulo niya habang iniisip yaon. Ganun ba talaga siya kaatat masolo ang boyfriend niyang kinulang sa Cherrifer at nilalagay niya ang sarili niya at si Karl sa kapahamakan? Nagpupuyos ang damdamin niya habang naiisip yun.

Mabuti sana kung walang banta sa buhay nila. Bahala siya kung anong gustong gawin sa buhay niya. "Idadamay pa niya ang bata sa paglalandi niya,"sa isip ni Vice. Tiim-bagang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ngunit dala ng inis, agad niyang tinawagan si Jugs upang ipa-trace si Karylle.

"Boss..uhm-ah,Chief?"tarantang sagot ni Jugs. Magkagayunman, mabilis niyang sinunod ang utos ni Vice at wala pang 10 secs. natukoy na nito ang mall na kinalalagyan ng mag-ina.

Nasa Great Mall of China Town pala ang mga ito (na sa Pampanga pa shinoot sa BATB.Cheret!).

"Thanks Juggy. Send me the coordinates minu-minuto. Alamin mo ang exact location nila sa loob,"utos nito kay Jugs.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon