Ang Nakaraan...
Nagulat siya nang biglang may humablot sa sigarilyong nasa bibig niya kasabay ng pagsalpak ng kung ano sa noo niya.
"NO SMOKING!" matigas na paalala ni Karylle sabay duro pa sa kanya. Matalim ang titig nito at halatang galit. Ngunit bago pa man makapagreact ang binata ay padabog itong nag-walk out kasabay ng pag-irap nito sa kanya.
Naiwang nakatulala si Vice hawak ang cartoon ng signage na "No Smoking" na isinalpak ni Karylle sa kanyang noo.
Sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya napansin ang pagdating ng dalaga. Napabuntong hininga na lamang siya ay napahimas sa kanyang noon.
Sa Pagpapatuloy...
Hindi makatulog si Karylle nang gabing yun. Lumipas ang ilang minuto,ilang oras,hanggang inabot na siya nang madaling araw;papaling-paling sa malambot niyang kama ngunit hindi siya dinadalaw ng antok. Ilang buntong hininga na rin ang ibinuga niya.
Hindi mawala sa isip niya si Vice at labis niya itong ikinaiinis sa sarili. Siguro nga hindi siya matatahimik hangga't hindi nalilinaw ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
Ilang libong ulit na niyang isinisiksik sa kanyang puso at isip na tuluyan nang talikuran ang nakaraan;wag hayaan anh sarili na muli pang balikan ang mga bagay na lumipas na pero alam niyang hindi naman siya matatahimik hangga't hindi nasasagot ang mga tanong na ilang taon nang bumabagabag sa kanya. "Bakit ka pa bumalik? Bakit ka ba umalis noon? Bakit?Bakit Vice?"
At muli,parang sirang plakang nagbabalik sa kanyang isip ang mga alaalang pinagsaluhan nila noon.
Mula sa kung paano sila nagkakilala;paano nagkalapit hanggang sa maging sila na.
Hindi maalis sa isip niya kung gaano ito kakulit; kung paano siya nito asarin at ang mga pakulo nito para lang siya pangitiin.
Ang mga hirit nitong bigla-bigla na lang gugulat at magpapakilig sa kanya; yung mga palpak nitong pasabog na sa huli labis pa ring nagpapakabog sa puso niya. Sa sandaling naging sila, masasabi niyang naramdaman niya kung gaano siya nito minahal...sa pag-aakala niya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Oo...ang buong akala niya'y nagmamahalan sila. What they have back then is something na...napaka-perfect. Yung sa tingin niya even yung salitang "perfection" is an understatement. Masaya siya noon...no!Maligaya to be exact...or maybe higit pa dun ang naramdaman niya sa piling nito. Pero pagkatapos nitong mawalang parang bula,walang ni-ha! ni-ho! Hindi na siya sigurado kung ano bang meron sila noon. Minahal nga ba siya nito o talaga bang ginamit at pinaglaruan lang siya ng binata? Hindi na niya din alam. Ang gulo-gulo. Kaya siguro hanggang ngayon ay para itong multong hindi siya pinatatahimik dahil hindi sila natapos ng maayos. Napabuntong hininga na lamang siya at mariing napapikit.
Sa kabilang banda, tila wala sa sariling tinatahak ni Vice ang highway patungo kung saan. Hindi niya na din alam,wala na siyang pakialam rather, kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. Sakay ng matulin niyang motor, ang mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo. Pakiramdam niya'y nasisikipan siya sa mundong ginagalawan niya. Para siyang nalulunod;para bang unti-unti siyang inaanod ng malakas na agos sa isang bagay na pilit niyang tinatakbuhan;pilit niyang tinatalikuran...ang nakaraan.
Si Karylle at ang kanyang nakaraan...ang kanilang nakaraan;mga bagay na hindi pwedeng pagsamahin. Parang langis at apoy na sa oras na pinagsama magliliyab at tuluyang wawasak at tutupok sa isa't-isa;sa kanya;sa kanyang buong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Akcja"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William