Ang Nakaraan...
"Sorry K. I'm so sorry," maluha-luha niyang bulong. "Nakaka-miss ka pala," dagdag pa niya at mas hinigpitan pa ang pagkakaakap sa dalaga. At sa mga sandaling yun, tuluyan na siyang naiyak. Mabilis na nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha at hindi na niya napigilan pa.
Sa Pagpapatuloy...
Lalong nabahala ang team Vice sa bumungad sa kanila kinaumagahan.
Isang masigla at punong-puno ng energy na Vice ang inabutan nilang naghahanda ng almusal sa kusina. Masigla pa nitong binabati ang lahat ng nagagawi doon at tila hindi mabura ang ngiti nito sa labi.
Dahil sa pagod sa nagdaang gabi, tinanghali na ng bangon ang team Vice. Unang bumaba para magkape si Teddy. May pag-aalalang pasimple niyang inobserbahan si Vice na abalang-abala sa pagluluto. Nagha-hum pa ito ng isang pamilyar na kantang Sorry ni Justin Viber at parang timang na ngingiti-ngiti.
"Gutom ka na ba?" walang lingong-likod na tanong ni Vice kay Teddy na gulong-gulo na din sa mga ikinikilos ni Vice.
"Malapit na 'kong matapos. Wait lang sandali. Uhm...brad, atin-atin lang na ako ang nagluto ah," parang batang pagsusumamo nito.
Nagtataka man si Teddy ay di pa rin nag-react. Naputol kasi ang sasabihin ni Vice nang biglang lumabas si Alex at tinawag ito.
"Matagal pa ba? Baka magising na siya eh,"-Alex
"Malapit na to. Konte na lang,"ani Vice at nagmamadaling bumalik sa ginagawa. Binalingan nito si Teddy at pinakiusapang ihanda na lang ang mesa. Takang nagmasid-masid na lang si Teddy na kunot-noong sinundan ng tingin ang dalawa na agad din namang sinunod ang sinabi ng kaibigan.
Sumunod na lumabas si Jugs, tapos sina Jhong at Ryan. Halos sabay-sabay namang dumating sina Eric, Vhong at Billy na gayundin ang naging reaksyon.
Nagmamadaling iniakyat ni Alex ang hinandang breakfast at pampatanggal ng hangover ni Vice sa kwarto ni K. Takang nakamasid naman kay Vice ang mga kaibigan.
"Tulungan nyo kaya kaming maghain nang makakain na tayo,"baling ni Vice sa mga ito. Ilang sandali pa ay buo na ang Team Vice sa kusina."Ryan, paki-check nga muna si Karl sa room nya nang makakain na tayong lahat."
Nagtataka man sa ikinikilos ni Vice,agad din namang sumunod si Ryan. Ilang sandali pa'y bumalik na ito kasama ang bata.
Pagkabalik ni Alex, sabay-sabay nang kumain ang lahat,maliban kay K. Dahil masarap lahat ng nakahain, natahimik ang lahat pero hindi maiwasan ng mga kaibigan ni Vice ang magtapunan nang makakahulugang tinginan,lahat ay nakamasid sa mga ikinikilos ni Vice.
Panay ang kulit nito kay Karl at kung ano-ano ang hinihirit. Meron pa itong mga baong jokes na siya lang din mismo ang tawang-tawa. Malayo ang aura nito ngayon sa nagdaang mga araw. Mukha itong...masaya?
"Ah,Brad," panimula ni Vhong. Gusto sana niya itong tanungin kung bakit parang ang saya ng kaibigan ngayon pero hindi nya alam kung paano ito dadaanin. "Ba-bakit nga pala ikaw ang nagluto?"naitanong na lamang niya.
"Walang magluluto,"tipid na tugon ni Vice na tila hindi mawala ang ngiti sa mukha. Asikasong-asikaso din nito si Karl na kulang na lang ay subuan nito.
"Eh...di ba nga bawal ka nang magluto?"ani Jhong.
"Eh kaya nga manahimik ka na lang dyan eh,"iritang tugon nito kay Jhong. "Masarap naman di ba brad?"baling nito kay Karl na mukhang sarap na sarap sa kinakain niya.
Hindi na lamang umangal ang mga kaibigan sa inaasal ni Vice at inenjoy na lamang ang masarap na nakahain.
Si Alex naman ay nagmamadaling kumain at agad na binalikan ang natutulog pang amo.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William