Chapter 23: Magulo

2K 85 24
                                    

Ang Nakaraan...

Parang wala sa sariling lumapit siya sa mukha ng dalaga. Hinawi niya ang ilang hibla ng kulot nitong buhok na tumatabing sa kanyang maamong mukha.

Pagkatapos nun, di na niya nagawang pigilin ang kanyang sarili. Yumuko siya at mariing hinagkan sa noo ang dalaga. Napapikit siya at napahimukos ng mukha. Ilang sandali rin siyang naupo dun habang nakapangalumbaba.

"Hayyyy!Paano kita maiiwan?"bulong niya. "Ewan!"pasuko niyang sagot sa sariling tanong habang nakatingala at mariing nakapikit.

Sa Pagpapatuloy...

"Haist!Karylle naman eh. Ginugulo mo ang pagkatao ko," bulong ni Vice.

Ilang minuto din siyang nanatili sa kwartong yun, literal na binantayan ang natutulog na dalaga. Mataman niya itong pinagmamasdan.

Maraming mga bagay-bagay ang gumugulo sa isip niya. Hanggang magpasya siyang magtungo sa banyo at maghilamos;nagbabakasakaling mahimasmasan siya sa mga gumagambala sa utak niya.

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Paulit-ulit siyang naghilamos. Parang ibang tao ang nasa salamin. Ibang Vice. Ibang siya. Siya pa nga ba ang lalaking nasa salamin?

"Sino ba ang nakikita niya pag tinitignan ka niya?" tanong niya sa sarili.

Ganun pa rin naman ang buhok niya,tulad nung dati, pero may kahabaan na ng konte. Hindi niya matukoy kung alin ang nagbago kaya wala sa sariling inisa-isa niya ang mga bahagi ng mukha niya.

Kilay ✔️

False eyelashes este eye lashes lang pala ✔️

Nose?Di siya nagpagawa.Si Asawa ang nagpagawa.Cheret!I mean...

Nose ✔️

Cheek bones ✔️

Craters ✔️

Joke!

Lips ✔️

Chin ✔️

Ganun pa din naman. Pogi pa din. Hanggang sa mapadako ang kanyang tingin sa kanyang bigote. Medyo tumubo na naman. Di na siya nakapag-shave nitong mga huling araw.

Napahawak siya sa kanyang tumutubong balbas. Marahil nga'y may pagbabago sa kanya. Kung tutuusin, halos wala namang nagbago pero bakit parang ibang tao na ang nakikita niya?...Malayo sa maayos, malinis at matinong Peter Jackstone. Mukha na siyang bad boy na misteryoso. Isang taong punong-puno ng madilim na lihim.

Napagdesisyunan niyang mag-shave at ayusin ang sarili.

//

Naramdaman ni Karylle na may dumampi sa kanyang labi. Bahagya siyang naalimpungatan.

Sinubukan niyang magmulat ngunit hindi niya maaninag kung sino. Ramdam niya ang paghapit nito sa kanya at muli ay inangkin ang kanyang mga labi. Kilalang-kilala niya ang amoy nito maging ang pakiramdam ng labi nito sa kanyang mga labi. Napapikit siyang muli at dinama ang bawat sandali. Para bang pakiramdam niya'y kay tagal na panahon niyang inantay ang sandaling ito.

Puno ng pananabik siyang gumanti sa bawat paggalaw ng labi nito. She tried to deepen the kiss pero ang kanya'y puno ng pagmamahal;nang paglalambing.

"Vice," angal niya.

Ngunit tanging ungol lang ang ganti ng binata na nagpatuloy sa mabagal at may pag-iingat nitong paghalik. Wala siyang magawa kundi damahin na lamang ang bawat sensasyong dala ng mga ginagawa nito sa kanya.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon