Ang Nakaraan...
"Ah,Pops, kakausapin ko lang po sila,"paalam ni Vice sa dad niya. Tumango naman ang dad niya. Si Anne at ang mama niya,may pagtatakang nakatingin sa kanya at sa mga police na sumalubong sa kanya.
Sa Pagpapatuloy...
Paikot-ikot sa maliit na silid si Vice habang tahimik na nakamasid sa kanya ang kanyan team. Lahat sila seryoso at halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"So-sorry Chief.Sasabihin naman dapat sana namin saiyo eh,"sinserong sabi ni Jhong.
Tanging isang malalim na buntong hininga lang ang sagot niya at nanatili siyang nakadungaw sa bintana.
"Oo nga Chief. Eh-ano,kase ano,--"Jugs
"Hinihintay ka lang talaga naming makauwi"-Eric
"Ayaw lang naman naming masira ang bakasyon nyo ng family mo,"-Teddy
"Shemple minsan lang kayo shama-shama family"-Ryan
"Yung totoo? May balak pa ba talaga kayong sabihin sa akin ang lahat kung hindi lang dahil sa pagdating ni Anne?"-Vice
"Brad,pa-pasensya ka na. A-ako ang may kasalanan. Ako ang nagsabi na wag na munang ipaalam saiyo ang tungkol dun kase--" ani Billy,pero natigilan siya nang tapikin siya ni Vhong at sumingit.
"Hindi Brad, ako talaga ang may kasalanan eh. Dapat sa simula pa lang pinigilan ko na. Alam ko namang ayaw mong madawit sa mga Tatlonghari eh.Sorry brad, di ko lang kase talaga napi--"sinserong pag-ako ni Vhong.
Muling napabuntong hininga si Vice,hinarap ang kanyang team at itinaas ang mga kamay,"STOP!"natigilan siya nang mapagtantong napagtaasan nya ng boses ang kanyang team.Natigilan din silang lahat at napayuko. Hindi lang sila katrabaho, hindi lang basta kaibigan kundi kapamilya. Napahinahon siya, "Tama na ang sisihan. Walang maitutulong sa atin yan,"mahinahon niyang sabi kasabay ng buntong hininga.
Napahagod na lang siya nang batok habang iniisip ang kanilang sitwasyon.
Isa-isang inimbitahan sa presinto ang Team Vice dahil sa mga ebidensyang nakalap na nagdadawit sa kanila sa mga pangyayari: mula sa wire-tapping sa bahay at opisina ng mga Tatlonghari,hacking ng security system sa airport, ang tangkang pambobomba at ang pagkakadukot sa senator.
Pinagpapaliwanag siya kung anong ginagawa niya sa airport at bakit kailangang nakadisguise. Gayundin kung bakit nila hinacked ang security system ng airtport, anong alam nila sa tangkang pambobomba, sa pagdukot sa senador, sa nangyari sa apo nito gayundin ang ilang mga hints patungkol sa pagtatangka sa senador.
Personal siyang kinausap ni General Kim Atenzion,dati nyang superior, tungkol sa mga bagay na ito. Hindi maipaliwanag ni Vice nang maayos ang lahat dahil hindi din niya alam ang mga detalye kaya naman hiniling niya sa heneral na bigyan sila ng time makapag-usap habang hinihintay ang kanilang abogado kaya naman iniwan nito sila sa silid na yun.
"Wag nga kayong sumimangot.Mukha kayong mga nilamukot na kulangot,"ani Vice sabay hinarap ang team nya.
"Basta,wala nang lihiman. Yan ang nagdadala sa atin ng kamalasan at kapahamakan eh,"dagdag pa niya sabay lapit sa mga ito. Fist pump.Chest bump.Tap sa shoulder. Manly hug. Tapos medyo gumaan ang aura nila.
"Chief,wag kang maniwala sa swerte at malas,malas yun,"ani Teddy gabang naka-manly hug sila ni Vice.
"Ang dadrama nyo.Papunta na si Attorney. Wag na kayong sumimangot," nakangiting sabi niya siya namang pagbubukas ng pinto. "Oh, nandyan na...General?"
"Uhm...Wala pa po ang lawyer namin,"singit ni Vhong.
"I know but,pwede ba kitang makausap Jackstone?Tingin ko hindi mo na kailangan ang serbisyo ng lawyer nyo," sabi ni Gen. Atenzion. "C'mon Jackstone. Usapang magkaibigan.Ikaw at ako."
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William