Chapter 7: Susi

1.8K 65 26
                                    

Ang Nakaraan...

"He-hello Chief!Hello!Teka lang Chief. Na-traced na ni Ryan ang IP address ng nagpost nung pabuya. Same IP address na gamit nang biggest drug syndicate sa Luzon,"pahabol pa ni Jugs.

"What the fuck! Drug cartel!?"sa isip niya.

Agad na napatayo si Vice pagkatapos nang pag-uusap nila ni Jugs. Nagtungo siya sa banyo at mabilis na nagshower. Hindi naman siya pwedeng makipagkita kay Gen. Atensyon nang mukha siyang gusgusin at amoy hangover.

Sa Pagpapatuloy...

Nilapag ni Vice sa table ni Gen. Atenzion ang USB,"sorry sir. Nandyan na po lahat ng information na alam namin tungkol sa mga Tatlonghari. Hanggang dyan lang po ang maitutulong namin."

"Jackstone," kagat-labi kasabay ng isang malalim na buntong hininga, wala sa sariling pinaglalaruan ni Gen. Atenzion ang kanyang ballpen. Hindi niya alam kung anong sasabihin.

Ang totoo, inaasahan niya na talaga ang pagtanggi ni Vice pero kailangan niyang subukan. Hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan na makatutulong sa paglutas ng kaso ng senador.

Para sa kanya, kaduda-dudang tila walang kahirap-hirap na nadukot sa labas lang ng airport ang senador at basta na lang naglaho ito na parang bula. Napakalinis nang pagkakawala nito na hanggang ngayon ay walang makapagsabi kung saan dinala o kung sino ang kumuha. Ni wala man lang makitang ebidensya o kaya ay titestigo.

Ipinalalagay niyang may malaking conspiracy na naganap pero wala siyang maituro at wala siyang pinanghahawakang ebidensya. Kaya naman sumugal siya kay Vice,umaasang sa ngalan ng katotohanan,kung ididiin nya ito,mapapapayag niya ang grupo na tulungan sila. Kung tama ang kutob niya, hindi niya alam kung sino pa ba ang pwede niyang pagkatiwalaan sa ahensya.

"Jackstone...kagaya ng sinabi ko--"Gen. Atenzion.

"Sorry ho. Kasuhan nyo na lang ho ako," ani Vice at pagkatapos ay tuluyan nang umalis. Ni hindi niya nilingon ang heneral kahit pa tinatawag siya nito nang paulit-ulit kase nga dedma na ako sa love team na yan.Charot!

//

Kararating lang ni K sa harap ng kanilang opisina kung saan siya hinatid ng kanyang fiancé na si Angelito sampu ng kanyang mga alipores. Papasok na siya nang building nang may isang batang babae ang lumapit sa kanya.

Hinawakan nang bata ang kamay niya at may nilagay itong isang maliit na papel. Hindi nakareact si K sa gulat. Nagtataka niyang tinanaw ang bata habang tumatakbo ito palayo.

"Good morning atty.," bati ng isang katrabaho na si atty. Gio Manji.

"Go-good morning!" -K

"Siya nga pala..."chika ni atty. Gio Manji.

Sabay na silang pumasok habang nagkukwento si Atty. Gio ng tungkol sa work. Kinumusta din nito ang kaso ng pagkawala ng dad niya kaya naman ibinulsa na lamang ni K ang papel na bigay ng bata.

Bagama't malungkot at patuloy na nangangamba sa pagkawala ng kanyang ama, kailangan nya pa ring pumasok sa trabaho. Isa pa, kailangan din niyang kumilos at humanap ng paraan kung papaano mahanap ang dad niya.

Pagkatapos ng ilang meetings at mapirmahan ang ilang dokumento, nagpasyang magpahinga muna si K at kumain. Noon lang niya naalala na hindi nga pala siya nakapag-almusal. Tumawag na din siya sa bahay upang kumustahin ang anak.

Habang nagkakape at kumakain ng lumpia, naalala niya yung bata kanina. Kinuha niya yung papel sa bulsa niya at tinignan ang nakasulat.

"I know what you did last summer."

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon