Chapter 14: Bingo!

1.4K 69 33
                                    

Ang Nag Nakaraan...

Isang malutong na sampal naman ang sumalubong kay Vice mula kay Karylle."Wala kang karapatang bastusin kami. Sino ka ba sa akala mo!?" Galit na sambit ni Karylle.

Hindi naman sumagot si Vice. Akay-akay pa rin ang bata, akmang aalis na siya nang muling magsalita si Karylle.

"Teka nga! Wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita! Saan mo dadalhin ang anak ko?"ani Karylle na galit na humarang sa daan niya.

"Uuwi na,"tipid na sagot ni Vice.

"Ano!? Baka nakakalimutan mo kung ano ka dito!"galit na sabi ni Karylle na kinuha ang isang kamay ni Karl.

"Yaya. Bodyguard. Di ko PO nakakalimutan yun MAAM,"pinaningkitan niya si Karylle ng mata."At bilang YAYA at BODYGUARD ng ANAK NYO PO MA'AM, TRABAHO KO PO na siguruhin ang kanyang kaligtasan."

"Tama. Yaya ka lang! Bodyguard ka lang! Ako pa rin ang NANAY ng batang yan at sinasabi ko saiyo,wala kang karapatang pangunahan ako lalo na pagdating sa anak ko! Ako ang nanay niya. Iuuwi KO siya kung kelan ko gusto! Salamat sa pagliligtas sa anak KO pero sisante ka na. Wala ka nang obligasyon!" namumula sa galit,nakapamewang at nanduduro pang tugon ni Karylle.

Napaawang naman ang bibig ni Vice sa narinig.

Sa Pagpapatuloy...

Isang itim na Range Rover ang dumating at huminto sa tapat nila.

"Chief,"

Nahinto naman ang bangayan ng tatlo at agad na napalingon sa direksyon ng nagsalita.

"Eruption?"-Vice

"Chief, may problema," panimula ni Eric na mabilis na bumaba ng sasakyan.

Kabadong nakamasid naman si K na nakapulupot ang mga braso sa dibdib ng anak. Si Karl naman ay hindi pa din bumibitaw sa kamay ni Vice.

Ipinaliwanag ni Eric ang kanilang sitwasyon. Kanina pa diumano tumatawag kay Vice si Jugs pero hindi ito makasagot kaya naman pinapunta na siya sa park para tiyakin ang kaligtasan ng mag-ina.

May naintercept silang impormasyon na isang grupo ng assassins ang may kahina-hinalang kinikilos base sa palitan nila ng usapan online.

"Sakay," utos ni Vice kina Karylle at Karl. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at nang hindi agad kumilos si Karylle, mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at pilit pinasakay.

"A-ano ba!?Bitiwan mo nga ako!Bitiwan mo ako!"galit na angal ni K na pilit nagpupumiglas.

"Sakay!Sakay sabe eh,"masungit na ganti ni Vice habang si Karl naman ay agad na sumunod habang kunot-noong nakamasid sa pagtatalo ng dalawa.

"Teka!Kasasabi ko lang di ba?You're fired!Anong mahirap intindihin sa salitang sisante!?" mataray at nakapanewang pang singhal ni Karylle.

"Una, hindi ikaw ang nag-hire sa akin sa trabahong ito, parte ka lang ng responsibilidad ko kaya hindi ikaw ang magsasabi kung sesanti ako o hindi. Pangalawa, yaya bodyguard ako ni Karl pero hindi ako basta yaya lang. Baka nakakalimutan NYO PO MA'AM ako ang head ng security team at ako ang magdedesisyon sa mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan nyo. Kaya bago ka mag-inaso dyan, sakay!" galit na litanya ni Vice. "Sasakay ka o isasakay kita!?" pagbabanta pa nito.

"Gago 'to ah. Bodyguard ka lang,kung makaasta ka akala mo ikaw ang amo ah," inis na singit ni Angelito.

Hindi naman siya pinansin ni Vice na pilit pinasakay si Karylle sa sasakyan. Marahas nitong isinara ang pinto at sinenyasan si Eric na siya na ang bahala sa motor niya.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon