Chapter 24: Gusto Mo'ng Pancit?

1.2K 61 40
                                    

Ang Nakaraan...

Makailang-ulit siyang napa-blink; tila hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

Doon lamang natuon ang kanyang atensyon sa lalaking ngayon nakayakap sa kanya protectively. Pilit itong gumalaw at hinarap siya. Napaawang ang kanyang bibig nang magkaharap sila.

"Vice,"sambit niya.

Tumambad sa kanya ang naghihingalong binata. Tila may gusto itong sabihin at pilit na nagsasalita. Bigla itong sumuka ng dugo at tuluyan nang bumagsak sa kanyang harapan. Wala na...

Sa Pagpapatuloy...

Napabalikwas si Karylle sa pagkakahiga. Hingal na hingal at pawisan; napahimukos na lamang siya ng mukha. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha.

Panaginip.(Oo na.Panaginip nga.Cheret!)Panaginip lang pero parang totoong-totoo sa kanya. Todo kabog ang kanyang dibdib; hingal na hingal at di niya mailarawan ang kanyang nararamdamang takot.

Paulit-ulit na nagfla-flash sa utak niya ang imahe ni Vice na malademonyo siyang tinititigan at pinagtatangkaan ang kanyang buhay.

Lalo siyang napaiyak. Biglang nanumbalik sa alaala niya ang pagkakadukot sa kanya noon.

Ilang araw na din noong hindi nagpapakita si Vice simula ng makauwi sila mula sa masaya nilang bakasyon sa Bora. Pilit niya itong hinanap pero nasa isang misyon diumano ang binata.

Labis niyang ipinagtataka ang di pagpaparamdam ng binata kahit sa text man lang. Hindi niya maiwasang mag-alala. Ngunit patuloy siyang umaasa at naghihintay araw-araw sa muli nitong pagbabalik.

Tuwing wala siyang pinagkaka-busy-han, nagtutungo siya sa paborito nilang tagpuan sa isang park,sa San Dara Park. Lagi siyang nag-aabang sa pagbabalik ng binata pero waley. (Waley yung joke)

Lalong tumindi ang dinadala niya sa tuwing maalala ang payo ng pinsan niya na wag niya basta-basta ibibigay ang sarili niya ng buong-buo sa nobyo hangga't di pa daw sila naikakasal. Ganyan diumano minsan ang mga lalaki; kapag nakuha na nila lahat ng gusto nila, bigla ka na lang iiwan.

Bukod sa pag-aalala sa kaligtasan ni Vice, inaalala din niya ang posibilidad na mangyari ang kinatatakutan niya; ang iwanan siya nito matapos niyang ibigay ang kanyang sarili. Paano kung katawan lang din niya ang habol nito?

Hindi naman sa wala siyang tiwala o pinagdududahan niya ang pagmamahal nito sa kanya;ramdam naman niyang tapat si Vice sa kanya,pero ilang araw na din kase at di naman yun gawain ng binata. Sa tanang panahon na naging malapit sila, di naman ito nakakatiis na hindi siya kinukumusta man lamang.

Halos maluha-luha siya sa kaiisip ng kunga ano-anong posibilidad at rason nang di pagdalaw sa kanya ng nobyo nang walang ano-ano'y may mga kalalakihang lumapit sa kanya. Hinawakan siya ng mga ito at sapilitang isinakay sa isang sasakyan.

Pilit siyang nagpupumiglas ngunit sinuntok siya sa sikmura ng isa sa mga lalaki na talaga namang ininda niya nang husto. Meron din silang ipinaamoy sa kanyang kemikal na naging dahilan upang makatulog siya.

Nagising na lang siya sa isang madilim na silid. Tinangka siyang halayin ng isang lalaki.

Mabuti na lamang at agad silang natuntun ng mga autoridad. Dumating ang Special Force ng PNP na pinamumunuan noon ni Billy at matagumpay siyang nailigtas.

Mariin siyang napapikit nang maalala yun. Takot na takot siya noon at ang buong akala niya'y katapusan na niya.

"Mahal na mahal kita. Kung hindi ka mapapasaakin, sisiguruhin kong hindi ka din pakikinabangan ng iba!Akin ka na Karylle.Akin ka lang!"parang nag-e-echo sa utak niya ang pagbabanta nito.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon