Chapter 35: "GuesT"

1.3K 57 32
                                    

Ang Nakaraan...

"Thank you ulit,"pahabol ni K bago magsara ang pinto.

May ngiting-ipis na napasandal naman si Vice sa pinto pagkasara nito. Napahinga siya ng malalim.

Sa di kalayuan, lihim namang nakamasid sina Jugs at Eric sa binata. Napa-apir naman ang dalawa at nagchest bump. "A-aray naman,"angal ni Jugs. Medyo nasaktan kasi siya sa laki ni Eric at sa tigas ng dibdib nito.

Pero napa-giggle pa rin ang dalawa nang makitang tila baliwng pasayaw-sayaw at may pakanta-kanta pa ng #Sorry si Vice habang patungo ito sa kanyang silid.

Nag-high five muli ang dalawa at may pataas-taas pa ng kilay sa isa't-isa sabay sabing,

"Mission accomplished!"

Sa Pagpapatuloy...

Mula pa nung naudlot na bonding ng mag-ina at Angelito mas hinigpitan pa ang seguridad para sa mag-ina. Nasabon silang lahat ni Vice kaya naman lahat ay mas naging seryoso sa kanya-kanyang task at maingat na sinusunod ang mga schedule.

Mas naging hands-on si Vice sa lahat ng bagay. Sinisiguro niyang maayos ang lahat habang sina Jugs, Ryan at Teddy ay patuloy na nakabantay sa anumang threat sa buhay ng mag-ina. Masinsinan din nilang binabantayan ang bawat galaw ng mga taong markado na nila; mga taong maaaring may alam, may kinalaman o may kauganayan sa nangyari sa senador o sa mga sindikatong kanilang nakabangga dahil sa kaso lalo na ang mga taong maaaring mabayaran para trabahuin ang mag-ina.

Sa bahay, bahagyang gumaan ang takbo ng lahat. Bibihira nang mag-away sina Vice at Karylle; mas naging civil na ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Mas naging masayahing bata na si Karl dahil malaya niyang nakakausap at nakakabonding ang team Vice na siya nang naging mga kaibigan niya simula nung umuwi sila dito; si Karylle naman ay hindi na gaanong kunsumido parati kahit pa napilitan siyang paalisin ang mga kasambahay nila bilang bahagi ng hightened alert sa kanilang seguridad. Hindi na siya komontra kahit minsan pakiramdam niya'y umu-OA na ang pagkaparanoid na para banag lahat ng tao'y papatayin silang mag-ina.

Madalas nga'y sabay-sabay na silang lahat kumain at masayang nagkakabiruan. Minsa naman ay nagkakakwentuhan sila sa may pool area o kaya'y sa garden while having snacks.

Kung ano-ano ring martial art techniques at iba't-iba pang useful skills ang tinuturo ng team Vice sa mag-ina pag may time. Idea ito ni Vice na sinang-ayunan naman ng lahat. Maigi na rin yung may alam sila sa self-defence. Minsan nga'y tinuturuan niya ang dalaga na humawak ng baril kahit na bahagya pa rin silang nagkakailangan lalo na dahil sa makakahulugang tingin at ngiti ng kanyang mga kaibigan.

Sa paglipas ng mga araw, mas malaki na din ang development sa kaso ng nawawalang senador. Kaliwa't kanan ang raid na isinagawa ng Team Vice at maigi nilang tinutukan ang bawat clue,ang bawat detalye, bawat impormasyon na maaaring makatulong sa paglutas nito.

Nasabak sa sunod-sunod na maaksyong misyon ang team habang salit-salitan sila sa pagbabantay sa mag-ina.

Itong huli nilang lakad, naging madugo at labis na maigting ang labanan. Nilusob nila ang isang malaking hideout ng isang pinangingilagang drug syndicate. *insert pasabog na fight scenes here.Char!*

Sa naturang misyon, ilan sa kanila ang muntikan nang malagay sa alanganin,si Eric na nahuli ng kalaban at tinutukan ng baril sa sentido;mabuti na lamang at pa-tumbling na um-enter si Jhong at napataob ang kalaban bago pa nito makalabit ang gatilyo. Si Teddy na napasabak sa matinding mano-mano kasabay ni Ryan na muntik nang malaglag sa ika-7th floor;mabuti na lamang at nasambit ni Ryan ang kanang braso nito bago pa tuluyang malaglag. Tagaktak ang pawis at ngawit na ngawit, tuluyan lang siyang naligtas matapos ang di magkamayaw na putukan nang dumating sina Jugs at Billy. Si Vhong naman ay di na nakaiwas at nabaril sa kanyang tagiliran na labis na ipinag-alala ng lahat lalo na ni...Anne, ang nakababatang kapatid ni Vice;dahilan upang muntik pang mabisto ang tinatago nilang closeness.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon