Chapter 26: Rock & Roll To Da World

1.3K 63 23
                                    

Ang Nakaraan...

"Wait!He's... I think he's having a seizure! Natataranta na si Karylle,"singit ni Billy.

"Huh!?"ani Jhong sa kabilang linya.

"Oo nga.Kuys,nagsi-seizure si Vice!"pagbabalita ni Jugs kina Jhong.

"And he's--"natigilan si Billy sa sumunod niyang nakita. Napalunok siya at maya-maya pa'y nagkatinginan sila ni Jugs.

Sa Pagpapatuloy...

Natigilan sina Billy at Jugs nang may makitang pamilyar na pigura na pumasok sa hotel. Kitang-kita nila mula sa isa sa mga kuha ng CCTV na dire-diretsong pumasok si John Lagalag.

"Lagalag is in the building. I reapeat, Lagalag is in the building,"timbre ni Billy sa mga kasama.

//

Samantala sa isang tagong lugar...

"Kumpare!Hahahaha!"

"I-ikaw!?"

"Ako nga kumapare. Missed me?"

"Wag mo akong mapare-pare!Pwe!"

"Bastos ka ha.Tsk!Tsk!Dapat nga matuwa ka eh,dinalhan kita ng masarap na dinner,"anang lalaki. Nanlilisik ang mata nitong lumapit at marahas na sinabunutan ang kausap upang iharap ito sa kanya.

"Di bale,magcelebrate na lang tayo.Alam mo ba kung bakit?"sabi pa nito.

"Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa mga susunod na araw, mababasa mo na sa headlines. Uhmmm...malamang bukas na bukas na. Hahaha!Akalain mo?Mauuna pa pala ang pinakamamahal mong anak na paglalamayan kesa sayo?Bwhwwhwhww!"

"Hayup ka!Wag mong idadamay si Karylle!"

"Ha!Ano naman ang magagawa mo mahal na SENADOR?"

"Hayup!"

"Awww!Matagal na.Matagal na, simula nung pinatay nyo ang anak ko!"

Natigilan ang senator sa narinig.

"Mas hayop kayo!Mga mamamatay tao!Ngayon malalaman mo na ang pakiramdam nang mawalan ng anak!Malalaman mo na ang pakiramdam nang wala kang magawa!Ha!Bwhwhwhw!"

"Alam mong anak mo ang--"

"Hindi!Wag mong isisisi sa anak ko ang kalandian ng anak mo!"sigaw nito kasabay ng isang malakas na sapak na ikinahilo naman ng senador.

"Hindi malandi si Karylle!Alam mong--"

"HINDI!Dahil sa kalandian ng anak mo kaya nasira ang buhay ng anak ko!Subukan mo pang magsalita,ipapalapa kita sa bwaya!"

Natigilan naman ang senator sa narinig.

"On second thought,nakakahiya naman sa mga alaga ko. Hindi yata sila kumakain ng kapwa nila.Bwhwhwhw!"

Mataman siyang pinanonood ng senador while he's facing back & forth at tila baliwng tumatawang mag-isa. Kung minsan naman ay nanlilisik ang mga mata nito at balot ng galit ang expression ng kanyang mukha. Kaninang-kanina pa niya gustong balian ito ng leeg pero wala naman siyang magawa dahil nakagapos siya sa isang silya.

"Alam mo pare,nauubusan na ako ng pasensya dyan sa manugang mong hilaw eh.Sagabal siya sa mga plano ko,"pagkukuwento nito kasabay ng pagtungga ng alak mula sa isang mesa sa di kalayuan. Tiim bagang itong nakatingin sa kawalan.

Ang akala ng senador ay si Angelito ang tinutukoy ng lalake.

"Kita mo na?Malandi talaga yang anak mo kahit kelan!Imbes na ang shunga niyang fiancé ang kasama niya sa Bora,hayun,yung manugang mong hilaw ang kinakalantari at kasalukuyang kayakap niya sa hotel.Tsk!Tsk!"

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon