Chapter 17: Perfect Date

1.7K 70 16
                                    

Ang Nakaraan...

Naalimpungatan si Karylle nang maramdaman niyang wala na sa kanyang tabi si Karl. Di niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina sa tabi nito.

Dali-dali siyang bumangon at hinanap ang bata. Kinabahan siya nang wala ito sa banyo. Agad siyang lumabas at nagtungo sa kusina.

Nagsalubong ang kilay niya sa inabutan. Mabilis siyang naglakad palapit sa tatlo na animo'y masayang pamilyang naghaharutan.

"Karl!" ani K.

Agad namang napalingon ang tatlo.

Agad niyang hinila patayo si Karl,palapit sa kanya. "Go back to your room,"baling nito kay Karl.

"But mom--"angal ng bata pero...

"What are you doing here!?"galit na hinarap nito si Vice.

Napaawang na lamang ang bibig ni Vice sa reaction ni Karylle. Hindi siya makasagot. Hindi niya inasahan na ganito ang muli nilang pagkikita. Inisip niyang galit pa rin ang dalaga sa nangyari noong nakaraan. Ang totoo,kaya gabi na siya pumunta dahil inexpect niyang by 10:00 PM,tulog na ang mag-ina. Nakasanayan kasi niyang 8:00 pa lang pinapatulog na si Karl tapos agad ding natutulog si Karylle sa room nito.

"I mean, a-anong ginagawa niyo dito nang ganitong oras?"paglilinaw ni Karylle. Nadagdagan ang pagsimangot niya nang makita ang ice cream sa mesa. Favorite pa naman sana niya yung Buko Pandan pero naiinis siya. "Ano yan?Bawal kay Karl ang ice cream sa ganitong oras,"sita niya sa dalawa.

"Ah--" magsasalita na sana si Vice pero di na siya makasingit.

"Gabing-gabi na,ang haharot nyo.Dinadamay nyo pa ang anak ko,"nakasimangot niyang sabi. Bahagya siyang natigilan. Hindi niya din alam kung saan nanggaling yun. Pake ba niya sa kalandian ng dalawa. Hindi niya alam kung bat niya pa yun nasabi.

Natigilan din sina Vice at Alex sa narinig. Napakunot ang noo ni Vice habang si Alex ay namula sa hiya sa narinig. Naguluhan din siya kung bakit ganun ang reaksyon ng kanilang boss. Napakagat na lamang siya ng kanyang mga labi at piniling manahimik.

Namula si Karylle nang mag-sink in sa kanya ang dating ng sinabi niya. Baka kase kung ano ang tumatakbo sa isip ni Vice na kunot-noong nakatingin sa kanya. Agad niyang binalingan si Karl at naggalit-galitan.

"To your room!" utos nito kay Karl.

"At kayo, magsitulog na kayo!"pagalit niyang baling kina Vice at Alex.

"Opo Kumander," ani Vice na tila nang-uuyam,"boss sungit," bulong pa nito na graceful na naglakad patungo sa sala at dinaanan si Karylle.

Sumunod naman si Alex na di na nagawang magsalita. Bahagya na lamang siyang dumuko.

"Ansabeh mo!?" galit pang pahabol na tanong ni K kay Vice dahil sa sinabi nito. "Halika na!"baling nito sa anak at hinila na pabalik sa kwarto si Karl.

Lingid sa kaalaman ng lahat, kanina pa nakamasid sa may pinto sa kusina si Jugs. Hihingi sana siya ng ice cream (naamoy niya lang na may pagkain) pero natigilan siya nang dumating ang galit na si Karylle.

"Shesh!Nangangamoy jelly"anito na agad lumapit sa table para kunin ang ice cream. Natatawa siyang kinikilig sa nasaksihan. "I SHIP VICERYLLE. Hehe!" sabi pa niya sabay subo ng Buko Pandan.

Sa Pagpapatuloy...

Karylle's POV...

I'm not sure how much time past pero hindi ko namalayan na ang kaninang maaliwalas at bughaw na kalangitan was now streaked with the most beautiful sunset I had ever witnessed. Ang kalangitan ay puno nang maninipis na ulap na ngayon ay naging brilliant orange. Ang mapulang araw ay nagmistulang isang malaking bolang nag-aalab na unti-unting pumapailalim sa malawak na dagat. An orange haze casted over the moving sea, reflecting off every wave. Nagbabadya nang balutin nang dilim ang paligid. But it was pure and perfect.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon