Chapter 2:Team Vice

3.3K 80 14
                                    

Present:

News Patrol:
"Kapapasok lamang pong balita, Vulucva Gang, natimbog! Matagumpay na napasok at natiklo ng mga militar ang kuta ng kilabot na sindikatong..."

Tahimik na nakatutok sa pagbabalita ng batikang tagapagbalitang si Noli de Castor Oil ang buong Team Vice sa kanilang hideout na halatang pagod sa nagdaang araw.

Isang nang-uuyam na tawa ang pinawalan ni Jhong o King (ang tawag ng team sa kanya). Napatingin naman ang lahat sa kanya. "What?" Tanong niya sa mga ito.

Di naman umimik ang lahat sa halip ay iiling-iling ding napatawa. Ang mga katabi nito sa couch na sina Billy a.k.a Bullyboy at si Vhong a.k.a Captain Suave ay nakipag-high five pa sa kanya. Si Eric a.k.a Eruption na nasa katapat na upuan ay pabirong binato ang kaibigan ng hawak na throw-pillow na agad namang nasalo ng huli.

Matapos ang kulitan ay muling tumahimik ang lahat at muling tumutok sa detalye ng mga balita.

Si Vice na tahimik na nagmamasid sa mga kaibigan habang humihithit ng sigarilyo malapit sa bintana ay iiling-iling na pinaglaruan ang usok mula sa sigarilyong hinithit.

Bagama't walang nagsalita,alam niya ang pinanggagalingan ng mga reaksyong iyon ng mga kasama niya.

Sila ang nagpakahirap. Sila ang nagtaya ng buhay. At sigurado siyang ni hindi mababanggit ang kanilang pangalan sa balitang pinanunuod. But that's how their job works. Dapat silang magtago. Tumrabaho ng patago. Hindi dapat malantad kailanman ang tunay nilang identity.

Napabuntong hininga na lamang siya at naalala kung paano sila nabuo.

Matapos ang kanyang mga pinagdaanan noon, nagpasya siyang tuluyan nang iwanan ang kanyang pagkapulis at kumalas sa serbisyo. Ngunit dahil sa taglay niyang galing, hindi siya tuluyang nakawala sa tawag ng tungkuling protektahan ang mga nangangailangan nito,pero this time, binabayaran nila ang serbisyo niya sa halagang tingin niya ay nararapat.

Maraming mga kilalang tao at mayayamang pamilya ang lumalapit sa kanya upang kunin ang kanyang serbisyo bilang bodyguard, detective o di kaya ay mersinaryo. Handa silang magbayad at may tiwala ang mga ito sa kanyang kakayahan. Kaya naman naisipan niyang magtayo ng sariling security company.

Naging maganda naman ang takbo ng kanyang naisipang negosyo. Nakatulong din ito upang may mapagbalingan siya ng kanyang atensiyon. He personally trained his people at sinisiguro nyang maaasahan at mapagkakatiwalan ang mga ito. Ngunit may mga pagkakataong siya pa rin ang hinahanap ng mga kliyente. Handa silang magbayad ng mas malaki basta siya mismo ang tatrabaho. Katunayan, maging ang mga dati nilang kasamahan sa pulisya ay lumalapit sa kanya. Kalaunan, naging business partner na rin niya ang kanyang best friend at dating kapartner na si Billy. Napagdesisyunan nilang bumuo ng elite team na makakasama nila sa mga special missions at tinawag nila itong Team Vice dahil mas kilala na rin siya ng mga tao bilang Vice at unti-unti ay iilan na lang ang nakakaalam tungkol kay Peter o kay Jose Marie.

Ang Team Vice ay binubuo ng mga pili at tiyak na mahuhusay sa kani-kanilang larangan.

Si Vice ang nagsisilbi nilang leader. Siya ang hinahanap ng mga kliyente kapag kailangan ang kanilang serbisyo.
Kaya tinawag silang Team Vice. Nakasanayan na rin ng mga ito na tawagin siyang Chief na siya na nang ginamit na codename.

Si Billy ang kanyang best friend, code name: Bully Boy ang kanilang weapon expert at ang sniper. Tinawag siyang bully boy dahil maliban sa mahilig siyang mambully, bawat tira siguradong bullseye. Siya ang dating partner ni Vice nung nasa PNP pa sila.Dahil nadismaya siya sa pamamalakad ng mga nakatataas,nagresign din siya pagkatapos umalis sa serbisyo ni Vice. He is the best sharp shooter.Katunayan,marami-rami ring kumpetisyon ang kanyang napanalunan.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon