Chapter 20: Questions

1.4K 89 19
                                    

Ang Nakaraan...

Habang nagmamaneho si Vice, pinakikiramdaman niya si Karylle. Pasulyap-sulyap sa salamin.

Napabuntong hininga si Vice bago tuluyang nagsalita. "Karylle, you're safe with me. I'm not going to hurt you. Magtiwala ka sa akin.Wala akong gagawing masama."

Napatingin sa kanya si Karylle sa narinig. Tila nagbalik lahat sa kanya ang mga alaala ng nakaraang pilit na niyang ibinaon sa limot gayundin ang sakit na di na niya dapat pang nararamdaman sa pagkakataong ito.

"Ang kapal ng mukha niyang hingin na pagtiwalaan siya?Siya ang dahilan kung bakit natuto akong wag basta magtiwala tapos hihilingin niyang pagtiwalaan siya?Ganun na lang yun?Wow!Just wow!"

Sa Pagpapatuloy...

Napahalukipkip si Karylle habang tahimik na nakaupo sa passengers seat. Muli niyang sinulyapan si Vice at di sinasadyang nagtama ang kanilang paningin. Tinitigan siya ng binata sumandali. Napaiwas naman siya nang tingin dala nang pagkailang. Hindi niya mawari kung bakit, ngunit sa pagkakataong yun, nakita niya ang dating Vice sa mga mata nito.

He stared at her for a few seconds as though taking in the sight of her. Tinitigan niya ang dalaga the same way kung paano niya ito tinititigan noong sila pa;na para bang siya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya; ang kanyang pinakamahalagang kayamanan; ang buhay niya;na para bang isa siyang napakahalagang bagay na he'd fight to death for.

Hindi naman mawari ni K kung bakit sa kabila ng pagdidikdik niya sa puso't isip niya na hindi kailanman siya dapat na magtiwala o maniwala kay Vice,sa pagkakataong ito, ramdam niya ang sinseridad sa tinuran ng binata.

Napabuntong hininga naman si Vice at iiling-iling na naghagod ng kanyang batok. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensiyon sa daan.

Sa pagkakataong ito,pareho silang natahimik;parehong pilit itinutuon ang isip sa ibang bagay ngunit di nila maiwasang balikan ang nakaraan. Habang si Vice ay puno ng pagsisisi ang dalaga naman ay puno ng hinanakit.

Habang nagmamaneho, tila simbilis ng nag-uunahang mga kabayo naman ang tibok ng puso ni Vice. Pinipilit niyang magpokus sa daaan pero hindi niya mapigilan;tila may sariling utak ang mga mata niya at di niya maiwasang mapatingin sa dalaga. Every chance he got,sumusulyap siya at nagnanakaw ng tingin sa babaeng hanggang ngayon ay nagpapakabog ng dibdib niya.

Maraming taon na ang lumipas;mahabang panahon din niya itong di nasilayan;still her beauty takes his breath away. Buong akala niya'y naturuan na niya ang sarili na ibaon ang anumang damdaming meron siya dito pero habang magkasama sila,napagtanto niyang ganun pa rin ang epekto nito sa kanya.

Pinilit iwaksi ni Vice sa isip niya ang mga bagay tungkol sa nakaraan. "Tapos na yun. Wala na yun,"singhal niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Jugs.

"Anyare Chief?Kumusta?"agad na itinanong ni Jugs. Marahil ay kanina pa ito naghihintay ng tawag mula sa kanya.

He checked through the rear view mirror kung may sumusunod ba sa kanila o kung may anumang kahina-hinala. Nakahinga siya nang maluwang nang wala naman siyang nakita pero kailangan pa rin nilang magdoble ingat lalo pa't nasa isla na si Lagalag at hindi siya sigurado kung nakaligtas ito sa pagsabog o hindi. Isa pa, nabulabog nila ang lungga ng drug lords at hindi yun magandang pangitain.

"Ayos lang. Tawagan mo si Gen. Vidanes,ipaalam mong nasa akin si Ms. Tatlonghari,ligtas naman siya. Ipaalam mo kay Gen. Atenzion ang mga nangyari at ang tungkol kay Jonh Lagalag. Tawagan mo na din yung...si Mr. Angelito Lapiz, tell him there's been an attack on his..."tila natigilan si Vice sa sasabihin. 'Problema mo sa word na fiancé?Gago! Sigaw ng isang bahagi ng utak niya."attack on the senator's daughter. Tell him his...(fiancé sana ang sasabihin niya)she's with me. I'll bring her over when I deem it safe."bilin ni Vice. Sumulyap siya kay K at nakita niyang kumunot ang noo ng dalaga sa narinig.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon