Ang Nakaraan...
"General!May problema po tayo.Na--"hingal na pagbabalita ni Jugs kay Gen. Atenzion na nakapamewang at kanina pa kabadong paikot-ikot.
"General!"
Takang napalingon ang heneral sa direksyon ng nagsalita.
"Nasaan si Karylle?"-si Angelito na may kasama pang mga pulis.
Sa Pagpapatuloy...
Peter!Anak,gising!Gising na anak!Peter...
Naalimpungatan si Vice dahil tila narinig niya ang tinig ng mommy niya na pilit siyang ginigising. Pilit niyang minulat ang kanyang mga mata. Napakislot siya sa kirot ng kanyang sentido;dala na rin marahil ng liwanag.
Natigilan siya nang mapagtantong nakapulupot ang braso niya sa isang tao. Ikinagulat niyang may katabi siyang natutulog;mas ikinagulat niya nang makita nito kung sino.
"Karylle!?"sa isip niya. Noon niya naalala ang mga nangyari;ang habulan;ang aksidente.
Ngayon niya naramdaman ang sakit ng katawan sa mga naganap. Hindi niya maalala ang sumunod na mga nangyari;ang natatandaan niya lang ay nagawa nilang makatalon bago tuluyang dumausdos ang sasakyan sa tubig.
Iginala niya ang kanyang paningin at napagtantong nasa isang maliit na kubo sila. Pinakiramdaman niya ang sarili;mukhang maayos naman siya.May mga dahon-dahon pang nakadikit sa kanyang noo tanda na ginamot siya/sila nang kung sinuman ang nakapulot sa kanila.
Marahan niyang tinanggal ang PAGKAKAYAKAP sa may bewang nang dalaga at may pag-aalalang chineck kung okay lang ba ito. Napansin niyang tulad niya'y may mga konting galos din ang dalaga.
Babangon na sana siya nang kumilos si Karylle at humarap sa kanya. Yumakap ito sa kanya at isiniksik ang sarili sa kanyang bandang dibdib.
Napabuntong hininga na lamang siya at piniling manahimik;hinayaang matulog ang dalaga sa ganung posisyon.
Pinagsawa niya na lamang ang sarili sa pagmamasid sa mala-anghel nitong mukha. Hindi niya sinasadya ngunit isa-isa na namang nagrereplay sa utak niya ang mga nangyari noon.
Hindi maitago sa kanyang labi ang ngiti habang naiisip ang piling masasayang sandali nilang magkasama. Ngunit ang ngiti'y napalitan ng lungkot ng maalala niya kung bakit sila nagkawalay.
Pasimple siyang yumakap sa dalaga at napapikit.
"God!I missed her. I missed this."sa isip niya. Ni sa hinagap ay di niya inakalang mauulitnpa ang ganitong sandali. Di niya namamalayang tumulo na pala ang luha niya habang inaalala ang mga huling nangyari noon.
//
March 21, 2007 (Yung nangyari kay Ernest.)
Dahil sa isang patibong nabihag siya kasama ang kapatid na si Anne ng mga kaaway;ang drug cartel.
Ang lahat ng ito'y dahil sa drug cartel. Ito naman talaga ang dahilan ng kanyang pagpasok sa pulisya;ang bigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang ama at mangyayari lang yun kung tuluyan niyang mapapabagsak ang cartel. Ngunit hindi basta-basta ang cartel. Malakas ito;malawak ang koneksyon at malakas ang kapit sa mga nasa posisyon.
BINABASA MO ANG
Battlefield |ViceRylle|
Action"Life is a battlefield. You have to sacrifice your everything and fight your best to get what you want."-Tiffany William